Pagsuko

203 3 2
                                    

It’s hard to realize and to accept that the one I love has to go.. it hurts so much but I say, “kaya ko ito” tears fall… because what I really mean is… “shit paanu na ako??”:(

Sabi nila mas ok kumalas kesa maging panakip butas, sabi naman ng iba mas ok magpakatanga kasi na ipaglalaban nila yung mahal nila pero alam mo para sa akin mas ok parin mag-isa kesa magmahal ng WALANG KWENTA!..Dati hinahabol ko yung mahal ko pero hindi niya ako pinansin tapos isang araw nawala ako hinanap niya ako tinanong… bakit ka nagsawa?! Ngumiti ako hindi ako nagsawa natauhan lang…sabi ko sa sarili ko na .Minsan kailangan maghiwalay pasa magkasubukan, minsan kailangang masaktan para may matutunan, at minsan kailangan mo mag-isa para malaman mong siya na nga ba talaga o may darating pa!.. Noon akala ko tama magmahal ng todo, tamang ibigay mo ang lahat mali pala ako kasi paginiwan kana paano ka magsisimila ulit, paano ko magmamahal ng bago kung kahit kunting pagmamahal sa sarili mo hindi mo maibinigay!. . Alam mo ba hinihintay parin kita? na hindi pa ako nghahanap ng iba? Na ikaw lang lagi ang iniisip ko? Kasi hanggang ngayon mahal na mahal parin kita!. Alam mo miss na kita kaso siya naman ang miss mo… alam mo mahal kita kaso siya rin ang mahal mo, siya na lang lagi, kahit nasasaktan ka niya ok lang, kasi mahal mo siya… tanga mo noh?! parang ako. One day I ask you; “bakit ka masaya?” you answered; “kasi kasama ko ang mahal ko!” then you ask me; “bakit ikaw malungkot ka?” I answer; “kasi kasama ng mahal mo.. ang taong mahal na mahal ko…:( 

Tanong nila bakit kita mahal?bakit ako nasasaktan? Bakit sa hinaba ng panahon ikaw parin ang mahal ko?...Kapag ngmahal ka at nasaktan ka, madalas sinasabi na, sana dumating ang araw na ako naman ang mahalin mo, pero ako, parati ko pinagdadasal na sana paggising ko, hindi na ikaw ang mahal ko. Pero talagang mahirap turuan ang puso. Habang ikaw ang dami mo nang napuntahang lugar, nakilalalng tao, naramdaman na lungkot at saya, samantalang ako, naiwan sa alaala ng nakaran, gusto kong tumakbo baka sakaling mahabol at masabayan kita sa paglalakbay mo, pero kahit anong habol ko at hanap kung saan ka pwedeng makasama,hindi ko kaya…hindi na pwede!Siguro nga kailangan ko nang magising sa matagal na pagkakahimbing, baka pag hindi pa ako nagising, maaaring ikamatay ko pa. Siguro nga, panahon na, para ako na man, sarili ko naman ang mahalin ko. Siguro nga sa mundong ito may mga taong sadyang dumadaan lang sa buhay natin, sila yung mga taong, hindi permanenteng nagtatagal sa buhay natin, sila yung mga taong, dadaan at magtuturo lang satin ng mga bagay bagay, katulad ng totoong kahulugan ng pagluha, pagtawa at ang magmahal. Masakit man tanggapin kailangan natin sila pakawalan sa buhay natin. Pinakamahirap na salita, ay ang paalam!Salamat din dahil, tinuruan mo ko kung paano ang masaktan, magmahal, salamat sa mga ngiting inukit mo sa mga labi ko. Sana sa pareho nating paglalakbay, magkasalubong tayong dalawa, bitbit ang mga masasayang alaala ng nakaran.

 Huling Sulat  :

Ito na ang huling sulat ko sa iyo, mahal, kaya’t sana bigyan mo ng kahit na ilang sandaling damhin ang mga salitang pinapangako kong ngayun mo na lang maririnig mula sa akin. Pagkatapos ko itong gawin ay pipilitin ko na ang sariling limutin ka, sa ayaw man ng puso ko o gusto. Ito na. Ito na, mahal. Ito na ang pinakahihintay mong huling sulat, ang pinakahihintay mong pamamaalam.  Sa pamamagitan nito ay masuklian ko man lang ang kaligayahang dinulot mo sa buhay ko. Siguro nga ay panahon na para ikaw naman ang sumaya sa pag-alis ko.

Una sa lahat, nais ko munang iparating na hindi madali saking isulat ang mga bagay na inilagay ko sa unang talata. Ngayun pa lang ay gusto ko nang bawiin ang mga sinabi ko sa pangambang baka hindi ko rin naman ito matupad. Tila ba bumibigat ang panulat ko sa bawat pagsusulat ko ng mga salitang iyon. Nagkakaroon ng hapdi sa puso ko na dahil siguro ng katotohanang ang kalimutan ka ay ang huling bagay na nais kong gawin. Alam mo naman kasi siguro, hindi ba, mahal, kung gaano ko na kakailangang mahalin ka? Natatakot akong nakalimutan na ng puso kong kumalimot dahil sa sobrang pagmamahal na iyon. Naduduwag ako bawat naiisip ko ang lungkot at lumbay na walang-alinlangang madadama ko oras na magdesisyon akong talikuran ka.

Ngunit tatapusin ko ang sulat na ito, mahal. Sa kabila ng mga luha ay sisikapin kong tuldukan ang damdamin kong hindi mo ko hinayaang simulan man lang. Tinakda ko na ang araw na ito para pakawalan ka.   Ngayun na ang huling araw na mamahalin kita.

Siguro nga talagang hindi ko dapat pinatagal nang ganito ang lahat. Kung noon pa lang hinayaan na kitang umalis, baka ngayun ay naghilom na ang mga sugat na tinamo ko nang mahalin kita. Kung noon pa lang tinanggap ko na ang katotohanang walang patutunguhan ang lahat, kahit na ano pa mang pagsusumamo ko sa langit na ipaubaya ka na lang nito sa akin, ay baka hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong masanay nang nandyan ka. Kung pinakawalan kita agad, tulad ng dapat, hindi na dapat lumalim ng ganito ang hukay na kailangan kong punan sa pagkawala mo. Kung hindi kita minahal nang ganito katagal at ganito kabuo, hindi magiging mahirap sa akin ang gumawa ng ganitong klaseng sulat para sayo.

Ngunit ito ang gusto mo, hindi ba, mahal? Ito ang sulat na matagal mo nang hinihintay. Pagod na ako at ayoko na. Sa wakas, mahal, ay binabasa mo na ang huli kong sulat.

Matagal ko rin itong pinag-isipan. Matagal kong ipinagpaliban bago ko sinimulan. Alam ko minsan kong binitiwan ang mga salitang habang-buhay kitang mamahalin. Pero ano nga ba naman ang hindi ko ito tuparin? Kung iisipin natin, minsan mo rin namang sinabi sa aking mahal mo ako. At isang masakit na minsan ko rin namang nalamang isa lamang itong masakit na kasinungalingan.

Alam ko na iisipin mong halos mamatay na ako sa sakit habang sinusulat ko ang l mga ito. At hindi kita pipiliting wag isipin yun, dahil yun ang katotohanan. Alam nating dalawa na sa pag-alis kong ito ay ako rin lang ang masasaktan. Malamang ay ni hindi man lang mababahiran ng kahit na isang luha ang pahinang ito oras na mabasa mo. Sa bagay, tulad nga ng nabanggit ko ay matagal mo na itong inaabangan. Baka nga ngayong gabi ay mahimbing ka nang makakatulog dahil natupad na ang isa mong pangarap. Matapos ang matagal na panahon ay wala nang ako para magmahal pa sayo.

Hindi ko alam kung saan na ako tutungo matapos kong ilapag ang plumang tangan ng kamay ko ngayun. At tama ka kung iisipin mong baka itulog ko muna ang lumbay na nadarama ko nang matuyo panandali ang mga luha. Sa ngayon ay nalalapit na ang huling bahagi ng aking liham, pero masaya ako dahil sa wakas ay mapapakawalan na kita. Tandaan mo, mahal. Ito na ang pinakahuling sulat na aking gagawin. Oras na itapon mo ito o ipakain sa isang nag-aalab na baga ay wala na, kahit kailan, pang darating at manglilimos ng iyong madamdaming pagbasa. Masaya ka na ba, mahal? Malaya ka na sa aking pagmamahal.

Oo, habang-buhay ang itinagal ng lahat. Mas mahaba ang panahong inabot ko para makalimutan ka lang kaysa sa panahong ibinigay mo sa akin para ikaw ay makapiling. Pero ngayon na, mahal, ang pinakakinasasabikan mong katapusan. Ibibigay ko na sayo ang kalayaan, at babawiin ko na ang pag-ibig na buong-puso kong inialay at buong-puso mo rin namang tinanggihan.

Bakit pa ba ako gumagawa ng huling sulat, mahal? Samantalang nakapag-ipon na ako ng sapat na huling sulat para iyong basahin buong buhay? Bakit pa, mahal? Gayong ang tuldok na aking ipinapangakong ilalagay sa huli ay laging nadadagdagan lang ng isa pa, at ng isa pa?

Ito na ang huling sulat, mahal. Paalam. Hanggang dito na lang ang aking paghihintay…:(

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PagsukoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon