para sa nagmahal,minahal,nasaktn,sindyang saktan,umasa,may umaasa,umaasa

80 1 0
                                    

At  some in our life we have to let go, let go even if you don’t want to.  Let go even if it hurts, let go even if that’s the only thing you wanted. My professor once told us hindi totoo na wala tayong choice palaging may choices tayo sa buhay it is just that parehas mo lang hindi mo gusto. And at this point you just have to choose between leaving the thing you wanted the most and let go or stay at masaktan dahil unti unti mo nakikita na nawawala na ito. Kinukuha ng iba pero nasasaktan mo sya dahil alam mo na pinipigilan mo sya maging masaya.

Human beings are made to be selfish. Lahat tayo hindi natin ginusto mag let go. Ayaw natin pakawalan ang isang bagay kahit hindi na para sa atin. Madalas hindi dahil sa ayaw natin ito mawala pero dahil ayaw lang natin masaktan. Ayaw lang natin maiwan mag-isa. Ayaw lang natin na yung dating atin ay ngayon ay pag mamay-ari na ng iba. Kasi gusto natin masaya tayo. Gusto natin sa atin lang din sya sasaya ng sobra. Kasi madalas ayaw natin magpatalo. Kaya kahit wala na sa lugar pinipilit nating lumaban.

Ngayon dadating na tayo sa point na kailangan na natin bumitaw.  Malulungkot. Iiyak. Iinom. Magpapakatarantado. Magiging miserable. Sisihin ang lahat ng tao, ang dyos, ang pamilya, ang oras, ang pagkakataon, ang dahilan bakit ka nasaktan, ang ulan, ang araw, ang aso, ang batang nagtitinda ng kandila sa quiapo at lahat ng pwedeng masisi. Lahat lahat pwera sa isang tao, ang sarili natin. Tatanungin at kwewestyonin ang plano ng buhay. Na kung may plano talaga ang lahat bakit ganito ang  nangyayari, bakit pakiramdam natin lagi na lang mali. Binuhay ba tayo para maging mali sa mundong to?

The hell! Stop that self-pity effect. Walang madali sa mundo at nasa nature din natin yun na masakit at sobrang hirap bumitaw pero ano pang magagawa mo. Pagkatapos mo sisihin ang lahat at sirain buhay mo there is nothing left to do but to let go. Hindi na lang para sayo at sa taong iyon pero para sa taong nagmamahal sayo na tulad mo ay nasasaktan pag nakikitang nasasaktan ang taong mahal nila na nasasaktan. One thing na nakakalimutan ng tao, parte ng pagmamahal ang sakit. Hindi ka kayang saktan ng taong hindi mo mahal, at di mo kayang saktan ang taong hindi ka mahal. Sabi nga sa city of angels, “when it hurts it is real”. So wag mo sisihin ang sakit dahil kung sa una pa lang ayaw mo na masaktan wag ka na magmahal. Walang nanakit sayo, ikaw ang pagkasakit sa sarili mo.

Goodbye is the most hurtful way of saying how much you love that person. Masakit talaga. Iiyak ka ng timba timbang luha. Normal din gumamit ka ng kung ano anong defense mechanism just to protect yourself from the world, pero kung mahal mo papakawalan mo. Papakawalan mo kung iyon ang gusto nya. Ibibigay mo ang kaligayahan nya kahit na ang ibig sabihin nun ay hindi ikaw yun.

I asked a friend, “pare how am I going to heal a broken heart?” and he answered, “fight, and then fight, and then firth again, fight until it hurts so much that you yourself gives up.” I agree but I realized something. May mali sa sagot nya, mali yung huling salita. Oo lumaban ka, lumaban hanggang kaya, lumaban hanggang may ilalaban pa, lumaban hanggang alam mo na dalawa pa ang nagmamahal.

But there’s a big difference between letting go and giving up. Hindi naman pagkawala nya ang magiging batayan ng pagkatalo mo eh pero yung salitang “I GIVE UP”, that makes you a loser. Hindi ka naman susuko eh. Di mo susukuan ang pagmamahal mo. Papakawlan mo lang yung bagay na mahal na mahal mo. Hindi ka sumuko. Hindi mo sinukuan ang pagmamahal mo. Kasi tao lang tayo. Hindi natin kayang controlin kung anong mararmdaman natin pero macocontrol natin ang mga bagay na dapat natin gawin. Kasi kahit alam natin sa sarili natin nakailangan na nating bumitaw umaasa padin tayo na baka bukas bumalik sya at mahalin ka uilt. Baka bukas matikman mo ulit ang mahihigpit na yakap at matatamis na halik. Baka bukas maulit ang mga tingin na mapapagpangiti sayo na di mo alam ang dahilan. Baka bukas sayo na ulit sya ngingiti. Kasi baka bukas at sana bukas ikaw na alng ulit.

random thoughts....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon