Part 8

192 4 0
                                    

A/N: Zeilah pronounced as Sayla.
-----
Hay ang sarap ng buhay na ganito. Kakain ka kung kelan mo gusto matutulog kung kelan ka inaantok. Hihiga ka buong araw. Namiss ko mag party pero, mas namiss ko magpahinga.

Last 4 days nalang May na. Malapit nanaman magpasukan.

*Knocks*

"Ate! Si kimchi nasa baba" Si tristan pala.

"Sabihin mo wait lang."

Di na sumagot. Malamang nakababa na siya.

Nilagay ko brassiere ko at bumaba din agad.

"Maligo ka" Sabi agad sakin ni kimchi.

"Baket?! Muka ba kong di naliligo. Maaga pa be! Mamayang hapon na" Tuwing bakasyon ang ligo ko gabi o hapon.

"Pupunta si pol" Sabi nya sakin habang kinikilig.

"Oh eh ano?" Taray! Kunwari di gusto makita.

"Bilis na aarte pa? Sa weston court nalang raw sya antayin 3pm" -Kimchi.

Di ko alam bat ako umakyat at sumunod kay kimchi. Parang feeling ko may magandang mangyayari sakin this day.

After 20mns natapos ako maligo at mag ayos.

Time check: 2:30.

"Chi! Dala ba ako motor?" Tanong ko kay kimchi.

"Wag na mag lakad naman tayo ng ma exercise ka!" natawa ako sa sinabi ni kimchi kasi sya tong kailangan ng exercise samin.

"Talaga ba? Eh ikaw anong dapat sa mga taba taba mo?" Inirapan nya ako sabay halakhak.

Naglakad kami papunta sa weston court.

"Yosi?" Alok sakin ni kimchi.

"Sure" at inabot nya sakin yung isang stick.

Nung malapit na kami sa court natanaw ko si Pearl at jerica mga kaibigan ko rin pero di ganun ka close.

Binati ko sila pag punta namin.

"Hi andito pala kayo." Then i gave them a sweet smile.

"Oo masarap hangin dito pag hapon eh, ikaw ano ginagawa mo dito?" Tanong nya sakin.

"Uhm. wala hinihintay namin si pol." halatang nanlaki mata nya sa sinabi ko.

"Sinong pol?"

"Pol Raniega" I answered her na parang nag aalangan ako.

"Be, kung nilalandi ka nun wag mo patulan ah. Babaero yun tignan mo to" hinarap nya sakin yung picture.

Picture ni pol tsaka ni Yanna magkasmack.

Hindi naman ako nasaktan. Eh hindi naman kami eh.

"Kilala mo si yanna diba? yung taga esquivel street? Picture nila yan sa debut mga a week ago" Pagpapaliwanag nya.

"Ah" Yun lang nasagot ko.

Bakit? Hindi ko kasi alam kung anong dapat ko maramdaman. Kasi hindi naman kami. Crush ko lang naman sya. At una palang alam ko ng may girlfriend sya, which is di nya pala girlfriend kalandian lang niya.

"Sige be alis na kami, may pupuntahan pa eh! Basta yung sinabi ko sayo ah." pagpapaalam sakin ni pearl.

Nag b-bye ako sa kanila habang tinitignan sila palayo.

"Narinig mo be?" Tanong ko kay kimchi.

"Oo, baka katabi mo lang ako diba?" Sarkastikong sagot niya.

UnpredictableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon