STOPOVER

10 0 0
                                    

Meron tayong mga kwento na kahit kailan ay hindi tayo magiging handang ikwento sa iba. May mga pangyayari sa buhay natin na hangga't maari ay sa atin na lamang. Maraming mga bagay ang pwedeng mangyari sa iyo na kapag kinuwento mo sa iba, hindi ka na nga paniniwalaan ay mapaparatangan ka pang sinungaling.

Sa kwentong ito ay maswerteng ligtas ako, kaya andito ako ngayon sa posisyon na isasalaysay ko ang isang pangyayari na nagpabago ng takbo ng buhay ko.

Isa akong ordinaryong tao, ang aking pamilya ay may sapat na kakayahan upang magkaroon kami ng komportableng buhay. Kakatapos ko lang ng kolehiyo noon, at sa halip na magtrabaho ay napapayag ko ang aking tatay na kumuha ako ng Culinary Arts sa isang Culinary School sa Katipunan.

Halos lahat ng gusto ko ay nabibigay sa akin ng mga magulang ko. Kung kaya't bilang ganti ay pinagsusumikapan ko ang aking pag-aaral. After ng culinary, nakaset na ang lahat para sa aking Internship sa Florida. Masaya ang tatay ko nang malaman nyang naka pasa ako sa US Embassy para sa aking Q1 Visa. Ang tatay ko naman ay isang chef din sa Naples, Florida.

Sampung araw bago ako umalis para sa isang taong internship ko sa Ritz Carlton, nag-usap-usap kaming magkakaklase na mag road trip papuntang Bicol. Ito yung mga panahon na sumsikat ang Caramoan, at naging location pa yun ng reality show Survivor.

Dalawang sasakyan kami. Isang Pickup na itim kung saan nakasakay si Jin, Bonin, Guada, at Reena. Ako naman ay nakasakay sa fortuner ni Ray. At kasama namin doon ang girlfriend nyang si Chyna at ang isa pang kaklase namin na si Stan.

Si Bonin ang taga Bicol. Hindi pa uso noon ang waze. Sabi nga ni Stan, wag kaming mag-alala kasi kasama namin si Magta. Noong tinanong ko kung sino si Magta - ang sabi nya ay si Magtanong.

Walang kakaiba sa byahe, maliban sa madalas na stopover namin sa mga gas station dahil sa mga pantog ng babaeng kasama namin.

Bandang alas dos ng hapon ng makarating kami sa Tiaong. Si Rey ang nagdadrive ng sinasakyan ko. Akala namin ay bibili lang ang sasakyan nila Bonin sa Colette's. Kaya tumabi rin kami sa kalsada.

"Sobrang sakit ng tiyan ni Reena." Ang bungad sa amin ni Guada.

"Anong nangyayari sa iyo?" Narinig kong tanong ni Stan.

"Hindi ko alam. Please take me to the hospital." Ang pakiusap ni Reena.

"Let's just cancel the trip." Ang sabi muli ni Stan.

Hindi pumayag si Reena, kung pwede daw syang maibalik sa Muntinlupa para dalhin sa Asian Hospital. Agad naman naming tinawagan ang parents ni Reena at sinabing maghihintay sila sa Asian. Sinabi ni Bonin na may hospital sa may Sto. Tomas, pero nag insist si Jin na baka kaya pa sa Asian.

"Dumerecho na kayo. Jin, pwede bang sumunod ka na lang sa kanila?" Pakiusap ni Reena na pakiramdam ko anytime soon ay mawawalan na ng malay.

"Lipat na kayo sa Fortuner, kami na lang ni Jin ang magbabalik kay Reena." Ang sinabi ko sa kanila, at sinabi ko din na susunod na lamang kami ni Jin.

Mabilis naming naibalik si Reena sa alabang. Pumutok daw ang appendix. Around 7PM nang umalis na kami at sinabi ko kay Jin na bahala na. Nakarating na din ako ng Bicol. I'm sure makikita naman namin ang mga signs sa kalsada.

Around 10PM nang tumigil kami sa may Sariaya para kumain. Gina-guide namin kami ni Bonin sa direction na noon ay naghihintay sa amin sa Naga City.

"Red." Tinapik ako ni Jin. "Pwede ka magdrive kahit 1 hour lang, mag-pa- power-nap lang ako." Pakiusap nito sa akin.

Nag simula ako magdrive. Lumipas ang isang oras at tulog pa din sya. Hinayaan ko lang. Sige sige lang ako sa pagmamaneho. Tinandaan ko din ung mga lugar kung saan ako kakaliwa at kung saan ako kakanan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

STOPOVERWhere stories live. Discover now