"Good morning!" Bati ko sa kanya nang nakangiti. "Did you had a good night sleep?" Naabutan ko siyang nagkakape sa kusina habang nagbabasa ng dyaryo.
Gusto ko siyang asarin dahil may napatunayan ako kagabi at balak kong gamitin din iyon laban sa kanya. I just need to seduce my husband and I think I only need a little more push. I need to push him a little bit so he'd fall into my trap.
"Not much." Maiksing sagot niya habang hindi tumitingin sa akin. "Bilisan mo nang kumilos dahil tumawag na sa akin yung realtor, pwede na daw tayong lumipat ngayon sa bagong bahay."
"Ha?! Agad-agad?!" Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat. "Kumpleto na ba mga kagamitan dun?"
"Yes, it's fully furnished. I picked all the furnitures. Kung may kulang man, madali namang bumili o umorder. But everything was made to order so it's customized."
Namangha ako doon at naexcite, kaya naman mabilis na akong kumain ng agahan.
Sa isang magarang subdivision kami pumasok. Sa harapan ng two-storey house na may black and white ang color theme kami huminto. Moderno ang pagkakadisenyo at pasok sa taste ko.
May sumalubong sa amin na isang ginang na siyang nag-tour sa amin sa buong bahay. Kumpleto na nga ang mga kagamitan roon at puro bago. May mga ilan lang na kakailanganin sa kusina na pwede kong iorder sa online or bilhin na lang sa mall. May limang kwarto roon kasama ang maid's quarter kaya malaki at maluwag ang bahay na iyon.
"Kukuha ako ng isa pang taga-bantay ng bahay ko sa QC para si Manang Aida na lang ang tutulong sayo dito sa bahay." Aniya nang umalis na ang realtor na kausap niya. Nasa may Makati kami banda at malapit lang ito sa condo ko kaya't madali kong malilipat ang mga gamit ko.
"So, do we still have to use different rooms?" Tanong ko sa kanya na ikinahinto niya sa paggalaw.
"That's what we've agreed for, right? Why, do you have a problem about it?"
"Wala lang. Nagtatanong lang naman." Sabi ko sabay kibit-balikat.
"I'll bring your things to your room then we'll get the remaining stuff from your condo and transfer it here." Sabi niya na nauna nang umakyat sa taas bitbit ang maleta ko.
Sumunod naman ako sakanya at saka pumasok sa magiging kwarto ko na siyang master's bedroom.
"Why am I the one who will stay in this room?" Tanong ko sakanya pagka-lapag niya sa maleta ko. "Dapat sa guest room lang ako diba?"
"I told you that you will have this house after we finish this deal so it is just and right that you should use this room."
Hindi na ako nakasagot roon dahil sinabi na naman niya ang tungkol sa lecheng deal na yan. Tumalon ako at patihayang bumagsak sa ibabaw ng kama.
"Nice bed, soft and huge." Sabi ko habang dinadama talaga ang magiging kama. Napatingin ako sakanya at nahuli ko siyang nakatingin sa may hita kong na-exposed dahil sa pagtalon na ginawa ko. Nakasuot kasi ako ng dress na hindi aabot ang haba sa tuhod kaya't nalilis iyon nang kaunti. Kaagad niyang iniwas ang paningin kaya't napangiti ako. "Do you want to feel how soft the bed is?" Tanong ko sa kanya na nagpabalik ng tingin sa akin. "Come here." Tinapik ko ang tabi ko.
"No need. I also have the same bed like yours. Ako ang pumili niyan eh." Sabi niya sabay talikod na sa akin at naglakad papuntang pintuan. "If you're done here, let's go get your stuff from your place so you could finish unpacking." At tuluyan nang lumabas.
BINABASA MO ANG
This Time, it's Forever
General Fiction"Yes, I still love him. There is no point in denying it now. I never stopped loving him and if the only way to be with him is to do this deal with him, then I am willing to risk it all. I will marry him."