Chapter 55- Ang Kasaysayang Pinagmulan

114 6 0
                                    

"Mac, pare. May sasabihin sana ako sayong napaka-importante. Pwede ka bang pumunta rito ngayon din?" Ang tugon ni Jonathan sa kabilang linya ng telepono.

Hindi na nag-atubili pa si Macario pinuntahan na nito agad ang kanyang kaibigan. Hindi na siya nagtanong kung ano ang kanilang pag-uusapan at basta na lamang siyang dumiretso roon nang walang bahid ng pagtataka at pag-aalinlangan.

Ilang sandali pa ay dumating na siya sa bahay nito.
At doon niya narinig ang mga katagang lalamon sakanyang isipan sa mga susunod na oras...o araw.

"Malamang ito na ang huli nating pagkikita. Kaya makinig ka sa akin nang maigi. Tungkol ito kay Teresita..."

Pinatay ni Ton-Ton ang Pulis na nakaduty noong oras na yun para bantayan siya. Habang si Sameer naman ay misteryosong nakatakas at tila isang bula noong naglaho sa kanyang selda—ngunit mayroong karumal-dumal na senaryo ang bumalot sa buong bilangguan. Sa banyo, natagpuang nakahandusay at naliligo sa sarili nilang dugo sina Denzel Oliveros at Alfred Suarez. Ang mga taong nagtangkang patayin si Sameer noong nakaraan—kung saan ay muntik pang madawit si Tamayo.

Hindi sila makapag-isip nang mapayapa matapos marinig ang mga balitang ibinahagi sa kanila, lalo't halos magkasabayan lamang silang nakatakas sa magkaibang lokasyon.

"Paano ba yan...nakawala na ang mga suspek sa imbestigasyon natin. Ngayon, ano ang gagawin natin?" Tanong pa ni Lopez sa dalawa na sa mga oras na ito ay nakatulala.

Hindi kumibo ang dalawa sa kanyang sinabi. Nanatili lamang silang tulala dala ng nangyari sa kani-kanilang pagliban.

"Sige, pag-isipan niyo na muna yan at nang hindi tayo magkakanda-letse sa mga susunod na hakbang natin." Dagdag pa ng matandang pulis ngunit katahimikan parin ang naging sagot sa kanya.

"Pero hindi ako pwedeng magkamali. Yan na yan ang simbolo nila. Isa pa, hindi yan ang tattoo ng isang ordinaryong miyembro."

Noong sinabi niya yun ay nakuha na niya ang atensyon ng dalawa. Inilipat nila ang kanilang tingin kay Mr. Gomez na medyo nahimasmasan na matapos magwala.

Nilapitan ito ni Lim para tanungin.

"Sir...bakit po may ganyang tattoo kayo?" Tanong niya pa kay Macario.

"Hi--hindi ko nga rin alam...kaya ako pumunta rito para maghanap ng kasagutan." Sagot naman nito sa kanya.

"Sir. Posible kayang...may kinalaman siya mismo sa pagkawala ni Teresita?" Tanong ni Tamayo kay Lim.

Ngunit hindi ito sinagot ni Lim.

"ANO?! PATI AKO PAGDUDUDAHAN NIYO NA RIN? PATI AKO SUSPEK NA RIN? SA TINGIN NIYO BA KAYA KONG IPAHAMAK ANG SARILI KONG ANAK?!" Pagsisisigaw pa ni Macario sa tatlong pulis.

Hindi na lamang sila umimik para na ring makaiwas sa walang saysay na pagtatalo.

Napaupo na lamang si Lim sa sahig at napatalukbong ang kanyang ulo sa kanyang mga braso.

"Putangina".
Pabulong na sambit nito dala ng pagkakadismaya.

"Tungkol kay Teresita? Ano ang ibig mong sabihin?" Nalilitong tanong ni Macario sa kaibigan.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon