Chapter 7
Kinabukasan ganon nalang ang gulat ko ng nasa loob pa pala ako ng kotse ko. Wala akong maalala na sumakay ako ng kotse ko. Saan naman ako galing. Ang alam ko lang ay naginom ako magdamag dahil sa sakit at lungkot.
Agad akong bumaba at pumasok sa bahay ko. Naligo ako at nagayos ng sarili. Lunes ngayon at may klase ako ng major ko. Dalidali akong umalis sa bahay pero bigla ko nalang naalaala ang nangyare kagabe. Nagpunta ba ako sa bahay ni Rhay? He shouted at me? Kasi yun lang ang bumalik sa isip ko ang sinigawan nya ako at pumasok ako sa kwarto nya.
"You’re late. Miss, Leopoldo." mataray na asik ng lec ko si Miss Oza. Teacher ko sa physical science.
"Sorry miss." paumanhin ko sa kanya at kita ko ang galit at inis sa mata nya. Napayuko nalang ako sa hiya.
"Sitdown." maarteng utos nya agad naman akong sumunod at umupo. Nagumpisa ang sunod-sunod na klase medyo nahirapan ako sa Physical science tapos sumunod pa ang DIASS. "Class dissmis." maarteng salita nito. Ganito ba si Miss Oza? Maarte kahit sa anong bagay.
Vacant namin pagkatapos ng recess kaya naman agad kaming pumunta sa cafeteria. May mga lalake padin ang tumatawag sa pangalan ko at mga babae na iniidolo ako. Gaya ng dati si Alice at Justine na ang omorder sa akin ako naman ay yumuko sa mesa at pumikit. Kulang ang tulog ko kanina kaya medyo antok-antok pa ako sa klase."Woi Az." biglang pamilyar na boses ang narinig ko agad akong tumunghay at nakita ko na si Rhay kaya di na ako nagulat pa. Umayos ako ng upo at tumitig sa kanya. "I’m sorry." paumanhin nya pero ako seryoso lang ako at walang pake alam sinigawan mo a ko at ininsulto pa. WTF ka lang! Kainis ka! "Please talk to me. I’m sorry." sincere naman sya pero bakit ayokong tanggapin?
"It’s okay. Narinig ko na naman ang sinabe mo anyway." malamig na tugon ko agad namang dumating ang dalwa kaya kinuha ko na lang ang pinaorder ko at tumayo at umalis na.
"Hala. Ano ang nangyare doon?" tanong ni Justine.
"Ewan ko din." si Alice.
Wala na akong narinig pa at umakyat nalang sa Club room. Doon ko kinain ang pinaorder ko sa dalwa.
"Hey. I’m sorry." pakiusap na naman ni Rhay. Nakakabagot din pala ang tumanggap ng sorry.
"It’s okay nga." malamig padin na tugon ko.
"Galit ka ei." nakangusong balik nya! Sino ba ang hindi magagalit, sinigawan mo lang ako. Nakainom ako pero naalala ko bigla ang sinabe mo! Bwiset! Wala akong masabe kaya kinuha ko nalang guitara ko na nandoon sa room at nagstrum nalang ng kanta.
"Hindi na muling luluha, 'di na pipilitin pang. Ikaw ay aking ibigin hanggang sa walang hanggan. Hindi na makikinig, ang isip ko'y lito. Malaman mo sanang ikaw ang iniibig ko."
Kanta ko at tumingin ulit kay Rhay, ewan ko tuwing titigan ko ang muka ng bwiset na to nawawala ang galit ko, nawawala ang inis ko.
"Dahan-dahan mong bitawan. Puso kong 'di makalaban. Dahil minsan mong iniwan. Labis na nahihirapan."
Chorus na agad dahil nakita kona ang papalapit na studyante na magpapractice din sa room. Agad kong nilapag ang kinakain ko at tumayo. Dala ko ang aking guitara sa isang kamay at yung isa naman ay ginulo ko ang buhok ni Rhay. Alam kong nailang sya nung ginawa ko yon pero namiss ko yon.
Kahit anong hingi ko ng sorry sa kanya sinasagot nya naman ng "It’s okay." pero shet! Ang lamig ng pakitungo nya siguro dahil sa ginawa kong pagsigaw sa kanya nung umaga. Wala pa syang tulog nun tapos ginanon ko pa? WTF! Kainis naman. Naiinis ako sa sarili ko at nabwi-bwiset ako sa sarili ko!
Matapos nyang kumanta sa harapan ko ay nabigla ako ng haplusin nya ang buhok ko at guluhin. Aaminin ko namiss ko din yan sya lang ang gumagawa nyan sa akin. Baliktad dahil ako dapat ang gumawa ng ganyan sa kanya pero ako eto ngayon ang ginugulo ng buhok ng babae.
YOU ARE READING
'Cuz I Love You
Teen FictionRhay, is one of the cuteboy of the campus, one of the soccer varsities. He became interested in playing the guitar so he thought of joining the Music Club. And there he will meet Az is a hot popular girl in campus and she was also one of the campus...