Chapter 12: Univ Ultimate Cup Contest Part 1

402 31 1
                                    

Semester ended.

The contest is now officially on-going.

Sa Lauren High gaganapin ang Univ Ultimate Cup Contest kung saan magpapasiklaban ang iba't ibang university sa larangan ng sports at cheerdance. Lahat ng estudyante rito ay walang pasok kaya libre silang makapanood sa mga gaganapin mamaya.

Naglalakad kaming dalawa ngayon ni Jeybez sa may entrance habang sinusupsop ang biniling ice cream sa tapat ng school. Isa-isa namang nagsipasukan ang mga bus na lulan ang pambato ng ibang university. Rinig sa loob nito ang mga sigawan at pag-cheer upang ibigay ang best para sa contest.

"Grabe pala ka-engrande dito. Parang nasa Miss Universe lang. Ang dami ring tao." Sabi ko habang tinitingnan ang nagsisipasukang bus.

"Ganiyan talaga. Ito nga ang pinaka-gusto kong week after the semester. Bukod sa may contest, may pa-party pa ang Head Council sa mga mananalo." Nagpatuloy lang kami sa paglalakad para pumasok sa gymnasium.

As the guidelines permit, Basketball ang unang sports na lalaruin. Dagsaan ngayon ang estudyante rito at may kaniya-kaniyang hawak na banner, balloons at kung ano-ano pa.

Sumabak sa game 1 ang Revlon College kontra sa Mananpulo College. Kulay Violet ang Revlon habang Dark Green naman ang sa Mananpulo. Todo ang ugong at ingay sa paligid nang magsimula ang laro. Mga estudyanteng naghihiyawan sa kanilang pambato. Sa huli, nanalo ang Revlon na may puntos na 49 sa pinaka-huling set ng laro.

Kami naman ang nagsimulang maghihiyaw nang tawagin ang Team Lauren High sa mga maglalaro. Kalaban ng university namin ang Renuzit University. Sa unang laro,  medyo nalalamangan ng kabilang university kaya natalo sa unang set ang team namin. Mabuti na lang ay bumawi ito sa pangalawang laro at nagtuloy-tuloy hanggang sa matapos ang buong game set. Todo hiyawan kami dahil pasok ang basketball team ng Lauren High sa final round ng laro.

Lumabas muna ako sandali dahil tumatawag si Ate Katelyn sa telepono. Sinenyasan ko si Jeybez na may kakausapin lang ako para hindi siya magtaka.

"Hello ate? 'Bat ka napatawag?"

"Balita ko ngayon na 'yung start ng contest diyan sa Lauren."

"Ah oo ate. Nandito ako ngayon sa gym. Basketball ang nauna."

"Kukumustahin ka lang ni mommy kung ayos ka lang ba diyan. Mom, heto na si Fluke!--akin na akin bili." Rinig ko sa kabila habang inaagaw ni mommy ang telepono sa kamay ni Ate Katelyn. Napangiti na lang ako at sinagot ang mga itatanong.

"Anak, kumusta ka diyan? 'Yung grades mo sa 1st semester, ayos ba?"

"Oo naman mommy, next week ang release ng ranking. Don't worry, nag-aral ako nang mabuti."

"Naku mabuti naman kung ganoon. Sabi ko naman sa iyo na makakapag-adjust ka diyan eh."

"Oo nga po eh. Akala ko hindi ako makakatagal. Buti na lang may mga kaibigan akong laging sinasamahan. Sige na mom, mamaya ka na lang ulit tumawag, magsisimula na ulit 'yung laro."

"Sige anak, take care diyan." Umoo ako sabay baba nang telepono.

Papasok na sana ako nang may mamataan akong dalawang bulto ng tao sa gilid ng gymnasium. Lumapit ako at inanigan kung sino ang mga iyon. Hindi sa nanganga-elam
pero sinong hindi macu-curious kung 'yung dalawang taong iyon ay magkayakap?

Unang kumalas ang babae pero nakalingkis pa rin ito sa braso ng lalaki. Nang mapagtanto ko kung sino iyon, bigla na lang nangasim ang buong mukha ko.

"Tss, huwag raw gawing motel 'yung boarding house, eh siya 'tong panay ang landi sa paligid. Feeling santito pero siya pala itong makati pa sa higad." Pailing-iling kong sabi at tumalikod na.

Muli akong pumasok sa gym at naupo sa tabi ni Jeybez. Nanuod na kami ng game at pupunta pa mamaya sa laro ni Caliban.

LHS #1: Life as a Class A's Muse [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon