Chapter 8: The Reunion
Iniwan ko siya roon sa mumunting kusina saka nagpatuloy sa paglalakad-lakad. Hindi ko maikakailang napakaganda nang buong hacienda. Kahit saan mo ibaling ang iyong mata, wala ka nalang masasabi sa sobrang gaganda.
"Marina halika, mag-ayos ka na sapagkat ngayon daw ang ating alis sabi ni Ina" ani Martina nang masalubong niya ko sa sala. Hinila niya ako at tinakbo namin ang distansya patungo sa kaniyang kwarto.
Napag-alaman kong sarili niya lang palang kwarto iyon dahil isa 'yon sa aking tinanong kay Doña Karina noong napag-iisa pa kami sa nasabing silid at siya'y nagku-kwento sa akin.
Tinulak niya ang pinto gamit ang kaniyang kanang kamay habang ang kaliwa naman ay hawak-hawak parin ang aking kanang palad. Pagpasok namin sa kaniyang kuwarto, bumaling muna siya sa akin tila may nais sabihin.
"Lumisan na nga pala ang pamilya Ponce kani-kanina lamang" sabi niya pagbaling sa akin. Noong una hindi ko pa na-gets kung sinong pamilya yung sinasabi niya hanggang sumagi sa isip ko yung apelyido ni Lorenzo, which is Ponce.
Tumango nalang ako saka siya nagpatuloy sa pagsasalita. "Sinabi sa akin ni ina na namamahinga ka daw kanina kaya hindi na kita inabala pa" aniya at bahagyang ngumiti sa'kin.
"Ah... Anong oras sila umalis?" usisa ko. Tumugon naman siya agad. "Mayroong isang oras na ang nakakalipas" aniya. Napatango-tango nalang ako sa sagot niya. Bakit nga ba ko umalis sa silid-aklatan kung iilang oras nalang pala ang pananatili nila rito? Kung alam ko lang na magkaka-ganoon sana nanatili nalang ako roon at hindi na umalis pa.
Nakatayo lang ako sa pintuan habang siya ay naghahalungkat sa isang kabinet. Naghahanap ata ng isusuot niya, hawak ng kaniyang kaliwang kamay ang isang victorian gown at baro't saya. Habang ang kanang kamay naman ay patuloy na naghahalungkat.
"Gusto mo ba ito?" tanong niya, hawak-hawak ang isang traje de mestiza na pambonggahan ang datingan. Tanda ko ang kasuotan na iyon dahil ito ang karaniwang isinusuot ni Maria Clara noong panahon niya. Kahit naman hate na hate ko ang history... May alam naman ako rito kahit papaano.
"Bakit, ibibigay mo ba sakin?" balik tanong ko sakanya at umarko ang aking kaliwang kilay ng hindi ko sinasadya. Nabigla naman ako sa kaniyang reaksyon dahil napabungisngis nalang siya.
"Ipapahiram ko lang" pagtatama niya saka muling tumawa habang isinasaayos ang kaniyang mga kasuotan. Napa-ismid nalang ako dahil medyo nakakapikon. Pwede namang diretsyuhin diba? Hindi yung may pabitin pa tapos ako lang pala ang mapapahiya.
Hindi ako umalis sa aking kinatatayuan hanggang sa tuluyan na siyang nakapili ng isusuot niya. Unang tingin ko palang tiyak ko nang victorian gown ang pinili niya. Nagtataka lang ako dahil saan ba talaga punta namin bakit sobrang sosyalin pa ang isusuot namin?
Hindi na'ko nakaangal pa, iniabot niya sa akin ang traje de mistiza at ineenganyo niya akong isukat iyon. "Alam ko'ng hindi ka mahilig sa ganyang pormal na kasuotan, Marina. Subalit ganiyan ang nais ng ating ama" aniya sakin at tinaas-taas pa ang kaniyang mga kilay sabay simpleng ngiti.
"Sinong ama?" takang tanong ko. Ayun agad ang katanungang namayani sa aking isip na hindi ko inakalang lalabas pala sa aking bibig.
Taka siyang tumingin sakin na parang nagugulumihanan. "Ang ating ama---"
"Magsipag-ayos na kayo mga binibini. Pinapatawag kayo ng Don Arturo" biglang sabat nang mayordoma. Nasa likuran ko siya kaya hindi ko kaagad natukoy kung sino ang nagsalita.
"Si Arturo?" wika ko saka napalunok nalang. Hindi agad nakapagsalita si Martina dahil pinangunahan nanaman siya ng pagkabigla. Pero nakabawi agad saka 'ko sinuway. "G-gumalang ka, Marina. Kapag narinig ka nang ating ama tiyak na mapaparusahan ka" aniya at saka umusal nang pananahimik sa akin. Itinuro-turo niya rin ang aking nasa likuran, tila ipinapahiwatig saking manahimik dahil naririnig ng mayordoma.
BINABASA MO ANG
Stars Between Us | Completed
Ficción históricaIsang pagkakamali ang desisyong nagawa ni Marina noong araw na iyon. Dahil sa labis na kuryosidad, ito ang nagdala sa kanya sa taong ilang dekada na ang nakalipas. Aksidenteng napunta sa taong 1940 si Marina kung saan matatagpuan niya ang mga ninuno...