Pretty Baby (One Shot)

157 4 9
                                    

This is for you Nothisidealgirl Although, I admit di 'to maganda tulad ng mga gawa mo bhe. Pagpasensyahan mo na 'to. Sana magkaroon ka ng time basahin to. Hihi.

This was supposed to be my entry sa game mo sa JSL. At ito yung OS na sinabi ko sa'yo na 'di ko alam kung pano tatapusin. HAHAHA. Sayang naman kung di mo mabasa.

An Elijah Riley Montefalco Fan-fiction

--------------------

"Elijah anak, Gising na." Sabay katok ni Mommy sa kwarto.

"Gising na po, Ma!" Sabi ko

Bumukas ang pinto at iniluwa doon si Mommy na may hawak na tray na puno ng pagkain. Sumimangot ako.

"Dinalhan kita ng breakfast at akong magpapakain sayo dahil alam kong hindi kakumakain." Ngumiti pa siya.

"Wala akong gana Ma." Pinatakbo ko ang aking wheelchair patungo sa may bintana. Narinig kong inilapag ni Mommy ang tray sa mesa at lumapit sa kin. Inayos niya ang aking buhok na parang bata. Iniharap nya ako.

"Alam mo anak, kailangan mo na talagang magmove on. Don't get me wrong pero this is not healthy anymore. It's been what? Three years? Three years na syang wala at three years mo naring inaaksaya ang buhay mo. Alam kong mahirap mawalan, pero anak. Life must go on. Make this straight. Di sya magiging masaya kapag nakikita ka nya ngayon."

"Umalis kana Ma! Alam mo namang ayokong pinaguusapan yan!" Galit kong sabi.

"Anak, andito pa kaming Daddy, kapatid at mga pinsan mo." Lumuhod sya upang magpantay ang mukha namin. Humihikbi na run sya. Lumuha na rin ako. "Kahit para samin man lang ipagpatuloy mo ang buhay mo. We love you Elijah at ayaw ka naming mawala." Yumakap sya sa akin.

"I'm sorry Ma. Mahal na mahal ko po si Klare at kasalanan ko ang lahat. I should be blame."

"Shhhh. No one to be blame. Halika at kumain kana." Pumanhik na rin ako para kumain.

-----------

"Oy, Celine. Natawagan mo na ba yung binigay kong number?" Sabi ng matalik kong kaibigan na si Jane.

"Oo, at nurse ang hinahanap nila. Alam mo namang HRM tinapos ko diba?" Sabi ko. Bahagyang tumaas ang kilay ko.

"Sorry Best. Ikaw talaga una kong naisipan nung naghanap ng tagaalaga ang Tita ko. Atsaka di naman talaga nurse e. More on taga bantay ka sapinsan ko. At malaki naman ang sahod, 20,000 a month. Palagi kasing wala dito si Tita at Tito kaya walang nagaalaga ni Elijah."

"OMG!" Namilog ang mata ko at napa isip. 20K? Malaking pera na rin yan para sa pamilya ko.

"Osigetatanggapin ko na."

"Thank you Celine." Yumakap pa siya sakin.

"Iti text ko ngayon si Tita." Nakangiti pa nyang sabi.

Kinakabahan ako. First day ko ngayon sa trabaho. Sanay naman akong mag alaga ng mga bata dahil minsan suma sideline akong babysitter samin. Pero iba ang kaba ko ngayon at di ko ma explain kung bakit.

Matapos kong makapag paalam ni Nanay ay pumara na ako ng taxi. Dala dala ang back up ko.

Nasa tapat na ako ng bahay ng mga Montefalco. Hindi I to basta bastang bahay lamang. This house speaks elegance. Mansyon ika nga.

"Miss, anong kailangan nila?" Nagulat pa ako kasi biglang sumulpot si Manong guard at binuksan ng kaunti ang gate. "Ako po yung friend niJane. Pakisabi nalang po ni Mrs. Montefalcona andito na ako." I gave him my smile.

Pretty BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon