A Home In His Arms

5 0 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

A/N: This is unedited. Pagpasensiyahan niyo muna ang mga misspelled words, wrong used of punctuations and wrong grahams, ay! Grammatical errors 🙆

Stay safe and Happy reading! 💕

Date started: March 31,2021
Date Finished: April 7,2021
-----------------------

"HOW'S YOUR DAY?"

Napasinghap ako nang makita ang isang lalaki na nakahawak ng bulaklak. Nakasuot ito ng all black. Pati nga sumbrerong suot nito ay kulay itim. Lumitaw tuloy ang napakaputi nitong kutis. Nasasamyo ko rin ang tila mamahalin nitong pabango. Ito na marahil ang kablind date ko.


"O-okay lang," kinakabahan at mahina kong tugon. Hindi ko makita ang kabuuan ng mukha nito dahil medyo natatabingan ng sumbrero. Tanging may kapulaang labi lang na tila may nababayarang ngiti ang nasisilayan ko.



Iniabot niya ang bulaklak. Tumikhim muna ako bago kunin iyon pero bago ko pa man abutin ay may nauna nang kumuha niyon sa akin.




"Thank you," anang babae na kasama kong nakaupo sa bench ng park. Si Cheska na nakilala ko lang kanina.




Nakalimutan ko, may kasama nga pala akong naghihintay ng kablind date. Namumula ang mga pisnging nginitian ko ang katabi kong babae na nagniningning na ang mga mata. Halatang nasisiyahan sa dumating na kablind date. Ilang saglit pa ay umalis na sila. Ni hindi ko narinig na nagsalita ang lalaki. Hindi rin ako tinapunan ng tingin. Nakakahiya.



Napakamot ako sa batok dahil sa hiyang naramdaman. Sana lang ay hindi narinig ng lalaki kanina ang pagsagot ko. Ang swerte naman ni Cheska, amoy mayaman ang kadate niya. Ako kaya, ano kayang hitsura ng kadate ko?

"It's you!"


Halos mapamura ako sa gulat nang makita ang lalaking lumapit sa akin. Lumingap muna ako sa paligid kung may kasama pa ba ako. Mahirap na!



"Hey, I'm referring to you. Did you wait for too long?" Malapad ang ngiti sa mga labing tanong niya. He's wearing plain navy blue shirt paired with cargo pants. Gwapo siya at tila may lahing banyaga. Maganda ang mga mata nito na kulay abo.





"Oh, h-hi." Hindi ko alam kung nakakaintindi ba ito ng tagalog. Balak ko kasing magtagalog na lang kesa mag-ingles. Baka maubusan ako ng baon.






"Tara na?"






Napangiti ako. Mabuti na lang at marunong palang managalog. Tumayo na ako at sumama sa kanya. Sa malapit na cafe kami pumunta. Um-order siya ng pagkain namin. Pinagmamasdan ko lang siya. Medyo iba sa inaasahan ko ang hitsura niya pero okay na din. Choosy pa ba ako? Gwapo kaya 'to tsaka mukhang mayaman. Hindi ko kasi maamoy!




Well, hindi naman importante kung mayaman o hindi. Huwag lang akong pagbayarin sa mga in-order niyang mukhang mahal. Pang-itlog at kanin lang ang kaya ko sa ngayon.





"So, finally we met. I'm Travis." Iniabot nito ang kanyang kanang kamay. Still, nandoon pa rin ang ngiting nakaukit sa kanyang mga labi. Para tuloy akong namamagnet.




"I'm Aenah." Pinaunlakan ko ang kamay niya.






Nakatext ko siya ng isang araw bago kami magkita at pakana lang naman ng pinsan kong si Trix ang lahat ng ito. Sa text ay hindi siya gan'to. Cold siya at tila walang interest sa mga ganitong bagay. Ayoko na nga sanang siputin kaso lang ay naintriga ako sa pagiging cold niya. Mas namamansin pala sa personal. Ngayon pa lang kami pormal na nagpakilala sa isa't isa. Usapan kasi naming sa personal na lang magpakilala.




A Home In His Arms (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon