Chapter 59

6 1 0
                                    

⚜️Can you trust me?⚜️


Third Person's POV

SA kabilang banda, naging abala naman ang kanyang mga halimaw na kawal sa pag-iipon sa buong hukbo. Naghanda sila at nagsuot ng mga kasuotang may matatalim na panangga. Inilabas din nila ang mga sandata nila kagaya na lang ng pana, espada, bomba at kung anu-ano pang bagay na pwedeng makapatay sa isang pure blood.


Sa nangyayaring ito ay di maiwasang magtaka nila Prince, kung bakit abala at aligaga ang mga bantay. Iniisip nila na baka ay may bago silang binabalak or kung ano mang nangyayari sa itaas. Nagtinginan silang tatlo at kapwa puno ng palaisipan ang kanilang mga mukha.


Maya maya pa'y may dumating na isang malaking halimaw, may hila-hila syang malalaking kadena at ang iba ay nasa leeg nya nakalagay na para isang itong kwintas. Yumayanig ang lupa sa bawat paghakbang nya at lalong nagtaka sila Prince nang huminto sa harap ng kanilang kulungan at may sinabi ito.


"Magpaalam na kayo sa inyong mahal na kaharian..." mapanindig balahibong sabi nya at saka ito humalakhak ng para wala sa tamang pag-iisip.

Nanlaki ang mga mata ng tatlo ay pilit na inaalam kung ano ang ibigsabihin ng halimaw sa kanyang mga sinabi.


"Huy matabang pangit na halimaw na may kadena sa leeg at labas ang mata, anong sinasabi mong magpaalam na kami sa kaharian namin? Hindi mangyayari yun, dahil bago mangyari iyon ay tiyak na mawawala muna kayo."


Natigilan sa pagtawa ang halimaw sa sinabi ni Serron, tila naasar ito kaya naman hinawakan nya ang bakal na harang at piniga ito. Nagkaroon ng malaking espasyo ang pagitan ng mga bakal, marahang napangiti si Serron sa ginawa nito.


"Lapastangan! Dahil sa panunuya nyo sa akin, lahat ng mga taga-constellatopia ay pipiraso-pirasuhin ko na parang mga garapata kagaya nito," kumuha sya ng isang garapata galing sa buhok nya at pinisa ito sa harapan nila Prince. Nandiri si Serron at Andrexa sa ginawa nito pero balewala lang kay Prince.


"Uy matabang halimaw! Sinasabi mo ba na susugod kayo sa Constellatopia at titirisin mo sila isa-isa kagaya ng ginawa mo sa garapata mo?" sabat ni Prince.


"Pwede bang tigilan nyo ang pagsabi sa akin ng matabang halimaw," galit na sabi ng halimaw sa kanila.


"Sumagot ka!" sigaw ni Prince na may kasamang masamang tingin dito.


Natigilan ang halimaw at ngumisi ito,"Kahit pa makawala kayo dito, hindi na rin kayo aabot pa dahil patungo na sa Constellatopia ang hukbo. Salamat sa batang Ianna at maghahari na ang panginoon sa lahat ng kaharian." sabi nito at tumawa na naman ng malakas.


Sa pagkakataong iyong ay napagtanto nilang tatlo na suugod nga sa Constellatopia ang mga dyseus at kailangan nilang makahanap ng paraan para makaalis sa kulungan iyon. Hindi nila maaatim na mapahamak ang kaharian at wala man lang silang gagawin.


"Ibigsabihin ba nun nasa Constellatopia ang batang Ianna?"seryosong tanong ni Serron, ngunit tumawa lamang ito sa kanya.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon