Stars

3 1 1
                                    

Stars

'

"Ready?" I check my things while biting my lip. Ang tanda-tanda ko na pero kinakabahan pa rin ako sa estado kong 'to.

"Yep, but-" He cut me off. He knows what I'm worried about.

"Relax, I'm on my way"

"Ang aga ha!" Tumawa rin ang tukmong sa kabilang linya. Akala ko ay nasa labas lang siya at may naririnig ako sa linya ng paminsan-minsang tunog ng motor o tricycle. Pambihira. He's too early! It's just four in the morning!

"Mas maaga, better" He chuckled.

"Malapit na ako, ilang kanto nalang" Tumango ako na parang makikita niya ang itsura ko at sumagot ng

"Sige hmm I'll wait outside?" Lumabas na agad ako ng kwarto ko at dahan-dahang lumabas. I've waited a few minutes before he arrived at our house. Nagsisimula pa lamang magtilaok-an ang mga manok hudyat na sisikat na ang araw. Naiyakap ko naman ang mga braso ko sa aking balikat dahil sa napakalamig na simoy ng hangin habang papalapit sa kanya. Magsasalita na sana ako ng-

"Good Morning" ngiting bati niya pagkatapos niya akong yakapin at halikan sa noo.

"Aray ko!"

"Ang aga mo!" Hampas ko ulit sa braso niya. Charrots lang, nagulat lang talaga ako sa kanya. "Hindi pa ako nakakaligo kasi ano-"

"Sino yan?" Naestatwa ulit ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses ni Papa. Lagot!

"Magandang araw po" Umalis siya sa harap ko at pumunta kay Papa. Nagmano pa ang loko kala mo naman... charrots

"Oh" Tumingin naman sa akin si Papa at ibinalik sa harapan niya ang paningin.

"Pasensiya na po at napakaaga ko pong nandito. Ipaalam ko lang po sana siya at may pupuntahan po kami" Magalang ha?

"Teka at pumasok muna kayong dalawa" Kinabahan ulit ako sa nanlilisik na mata ni Papa. Lintek.

"Kayo ba ay..." Nasa hapagkainan kami at palipat-lipat ang tingin ni Papa sa akin at sa kanya.

"Opo" Ang bangis ha?

Tahimik naman kaming kumain pagkatapos. Nabalot ulit ng katahimikan ang paligid. Kinakabahan na talaga ako. Tinitignan naman kaming dalawa ni Papa lalo na ng pagsilbihan niya ako sa paglagay ng pagkain. Tulog pa ang mga kapatid ko at kaming tatlo palang ang nandito, kumakain at nagpapakiramdaman.

Umalis ako saglit at ako ang nagligpit ng mga pinagkainan nang marinig na lumabas ang dalawa. Anong meron!?

"Pa?" Paalis palang ako para sundan sila tapos nandito na siya sa gilid ko?? May lahi ba tong Ninja si Papa?

"Aalis daw kayo? Ngayon?" Tumango naman ako at kinakabahang yumuko. Hindi niya ba ako papayagan?

"Oh sige na bilisan mo na diyan. Tapos ka na ba sa huhugasin? Ako na niyan, mag-ayos ka na." Napatingin agad ako sa kanya na dire-diretsong pumunta ng lababo at inayos ang mga gamit doon. Pinapayagan niya ako!?

"Mag-iingat kayo ha. Sige na ano pang itinatayo mo diyan?" Natulala na pala ako kay Papa kaya mabilis naman akong umalis sa harap niya.

"Give me your bag" Parang kidnapper lang. Pero kidnapper talaga 'to, puso ko nga lang ang kinuha. Iniabot ko naman ang bag ko sa kanya at ipinasok niya na sa kotse. I close my eyes as the sun touches my skin. Malapit ng mag alas sais ng umaga at paalis na kami.

"Paano mo ko pinaalam kay Papa?" Bulong ko sa kanya habang ipinapasok ang mga gamit ko.

"Secret" Pigil niyang ngiti sa akin. Nakatingin kasi si Papa sa amin hanggang ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stars - a one shot storyWhere stories live. Discover now