#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖
This Epilogue will be Yohan's POV
-------------------------------------------------------
"Where's Manang Lucia mom?" i asked my mom habang inaayos niya ang necktie ko. Humarap ako sa salamin at sinuklay ang buhok ko. Ngumiti naman si Mommy sa akin.
"Binatang-binata ka na anak" nakangiting saad ni Mommy sa akin. Birthday ko ngayon dahil mag eeleven na ako. Just a simple dinner at nirequest ko din kay Mom na si Manang Lucia ang magluluto ng mga putahe na ihahanda sa Birthday ko. Pero sympre hindi mawawala si Ciel. My only girlbest friend and soon to be my girlfriend.
"Mom naman I'm asking you diba invited si Manang Lucia, siya nga ang nagluto pero wala siya? Nasaan na ba siya? " kunot noong tanong ko kay Mom. Tumawa naman si Mommy ng mahina at sabay na napailing.
"Anak ha magseselos na ako, si Lucia nalang palagi" nakangusong sabi ni Mom. Natawa naman ako kay Mom at inakbayan siya. Kahit na eleven years old na ako ay mas matangkad pa ako kay Mom. Siguro noong umulan ng katangkaran sinalo ko lahat.
"Mom don't be jealous ikaw lang ang nag-iisang ina ko, ang ikinababahala ko lang ay wala si Manang Lucia, dumadalang na siya dito sa ating mansion napapansin ko lang at noong nagrequest ako sa kanya parang napipilitan pa siya, is she going to resign? ayaw na niya sa atin magtrabaho?" sunod-sunod na tanong ko kay mom.
"Of course not, may problema lang talaga ang Manang Lucia mo"napabuntong-hininga na sabi ni Mom. Kumunot ang noo.
"What kind of problem?" naguguluhang tanong ko.
"May relasyon sila ng Tito Fernando Fuentevel mo, yung businesses partner ng daddy mo. Inalok siya ni Fernando ng kasal pero tumanggi si Lucia dahil raw siya bagay sa pamumuhay ni Fernando pero noong magkasintahan pa sila may nabuo sila at ngayon apat na taong gulang na ang bata"malungkot na sabi ni Mommy. Kumunot naman ang noo ko. Kawawa naman ng bata hindi siya nabigyan ng pagkakataon na makilala ang ama niya.
"Noong pagkapanganak niya iniwan niya ang bata sa kakilala niya sa probinsya kaya madalang mong makita si Manang Lucia mo dahil halos sa katapusan sa linggo siya umuuwi, alam naman namin ang sitwasyon niya kaya inintindi namin ng dad mo" tumango ako sa sinabi ni mom.
"Anyways bumaba na tayo maraming naghihintay sayo sa baba" wika ni mom kaya tumango ako.
Eksaktong pagbaba namin ng hagdan ay nanlaki ang mata ko sa tuwa ng makita si Manang Lucia sa Sofa nakaupo at may kasama siyang batang babae na seryosong nanonood ng TV.
"Lucia nandito ka na pala! Iyan na ba ang anak mo" kaagad akong iniwan ni Mommy at mabilis na lumapit kay Manang Lucia. Ngumiti naman ako at nakapamulsang naglakad patungo sa sala.
"Manang Lucia you're here I'm glad though that still you remember my birthday " wika ko sa kanya.
"Nanay gusto ko yan! Nanay! gusto ko yan!" nagwawalang sabi ng batang babae sa kandungan ni Manang Lucia. Natawa kaming tatlo dahil sa inasta ng bata.
"Pasensya na kayo sa anak ko Ma'am ngayon pa lang kasi nakakita ng hour glass" wika niya at inayos ang bata sa kandungan niya.
"Happy birthday pala sa'yo iho binatang-binata ka na" nakangiting saad ni Manang Lucia. Nabalong ang tingin ko sa bata na ngayon ay pinandilatan ni Manang Lucia ng mata habang siya ay nakangusong umiiyak habang nakatingin sa Hour glass sa mesa.
"What's here name Manang Lucia?" tanong ko nito. Maganda ang anak niya kahit bata pa, mamula-mula at bilugan ang pisnge at tsaka maputi at makinis ang balat, matangos din ang ilong. Nagmana siya kay Tito Fernando.
BINABASA MO ANG
It's Always Been You
RomanceIn life you face many obstacle, challenges, and sufferings. But, enable to survive you need to face and fight them one by one. You need to have courage and strength to conquer this all. Si Lindsy Hermohenez ay labingpitpng taong gulang. Sa murang ed...