After ng late lunch / merienda ni Seki nagpahinga s'ya saglit at around 4:30pm ay pupunta sila bayan ni Andrei. Habang nagpapahinga itinext nya si Olivia na nakarating na sya. 4:15pm na kaya nag ready na sya ng pera at bag na kailangan nya sa pamimili mamaya. Lumabas sya ng kanyang kwarto at tinahak ang sala "Tita, Lola may pasalubong po ako sa inyo". Inaabot ni Seki ang dala nya na pabango sa kanyang Tita Yuika at pamaypay at coin purse sa kanyang Lola Risa. "Salamat Seki" sabi nina Yuika at Risa.
Tinawag ni Seki si Andrei "Baby, akala mo ba nakalimutan ka na ni Tita. Syempre hindi". Iniabot ni Seki ang isang paperbag kay Andrei. Binuksan agad ito ng bata "Yehey! Thank you Tita Seki" niyakap ni Andrei si Seki. Niyakap naman pabalik ni Seki ang pamangkin. 1 box ng crayons, pencil, sketchpad and coloring book ang ibinigay nya. Mahilig sa arts si Andrei at magaling mag drawing kaya alam n'ya mag-eenjoy ang pamangkin sa kanyang munting regalo.
Almost 5 years old na si Andrei. Nakikita ng pamilya nila na mahusay mag drawing ang bata kaya ine-encourage nila ang talents nito. "Sige na, draw ka na then pakita mo sa amin mamaya" comment ni Seki. Nag smile naman si Andrei "Un.." at sinimulan na buklatin ang sketchpad. Kinuha ni Seki ang kanyang wallet at kinuha ang isang ampao "Tita, tanggapin n'yo na po ito. Tulong ko po alam ko madami po kayo gastos". Hindi naman inexpect ni Yuika ang tulong na ibibigay ng pamangkin "Seki, paano ka halos lahat ng sweldo mo binibigay mo na sa amin". Umiling naman si Seki at inassure ang kanyang tita "Tita, may pang gastos po ako sa sarili ko. Tumaas na din po ang sweldo ko, hati naman po kami ni Oli sa gastusin".
Sumali naman sa usapan si Risa "Tanggapin mo na Yuika. Malaking tulong ito para sa atin. Salamat Seki". Nag smile naman si Seki, tinaggap naman ni Yuika ang pera. Kinuha naman ni Seki ang atensyon ng pamangkin "Andrei, mamaya mo na ituloy yan. Pupunta na tayo bayan". Ginawa naman ni Andrei ito at lumapit kay Yuika "Mama, bihisan mo ako. Dapat pogi ako pag-aalis ng bahay". Natawa naman si Yuika dahil sa sinabi ng anak "Sige anak. Baka kasi magkita kayo ni Seina. Yiieee!". Namula naman si Andrei "Mama. Stop it. Tara na!". Hinatak ni Andrei ang kanyang ina sa kanilang kwarto.
Natawa naman si Risa sa kalokohan ng apo, nagtataka naman si Seki kung sino si Seina kaya tinananong nya ang kanyang lola. Sumagot naman si Risa "Si Seina ang batang model na nakita nya sa isang commercial. Taga Kanagawa iyon ayon sa news". Nag nod naman si Seki "Aww... May crush na si Baby Andrei ko..". Naputol ang kwentuhan ng mag-lola ng bumalik ang mag ina. Naka shorts si Andrei at puting v-neck tshirt naka rubber shoes ito.
"Ang pogi mo naman Andrei" comment ni Seki. Proud naman si Andrei "Syempre Tita. I'm a big boy na". Nagpa-alam na sina Seki at Andrei at umalis ng bahay. Sumakay sila ng public transpo. Ayaw ni Andrei na kalungin sya ng kanyang Tita kaya ipinagbayad ni Seki ng seperate si Andrei "Bayad po, 2 plaza". Sinabihan ni Seki na hwag malikot si Andrei dahil baka mahulog sya. Behave naman si Andrei at pinagmamasdan ang mga puno na nadadaanan nila "Tita, ang sarap ng hangin". Nag smile naman si Seki. 15 minutes ay nakarating na agad sila ng bayan.
"Andrei, after mamili ni Tita punta tayo sa fastfood ilibre kita ice cream pero dapat behave ka lang baka mawala ka" sabi ni Seki. Nag nod naman si Andrei at hinawakan ang kamay ni Seki "Okay Tita. Ganito din ako kapag sumasama kay mama sa palengke". Natuwa naman si Seki dahil behave na bata si Andrei. Una nagpunta si Seki sa nagtitinda ng prutas at bumili ng watermelon, oranges at apples. Bumili din sya ng blanket at flowers. 30 minutes din ang ginugol nila sa paghahanap ng kailangan nang matapos nagpunta sila sa simbahan katabi ng fast food.
Niyaya ni Seki si Andrei na pumasok sa loob ng simbahan. Sumunod naman si Andrei. Naupo sila sa may unahan. Lumuhod si Seki at mataimtim na nagdasal. Nagpasalamat s'ya sa mga biyaya sa kanya "Lord, kayo na po ang bahala. I trust your will" . Ilang minuto din nagdasal si Seki at hindi nya nalamayan may patak na ng luha ang kanyang mga mata napansin naman iyo n ni Andrei "Tita, umiiyak ka bakit?". Tinapos ni Seki ang pagpapasalamat at pagdadasal at tumayo pagkakaluhod "Nagpasalamat lang si Tita kay God". "Ahh" sagot ni Andrei. Niyaya ni Seki si Andrei sa fastfood. Excited naman si Andrei.
Pagkapasok nila ng fast food, naghanap muna si Seki ng bakanteng lamesa. Umupo sila sa may right area pangatlong upuan "Andrei, oorder si Tita dito ka lang. Ano gusto mo?". Nag isip naman si Andrei "Tita gusto ko ng spaghetti tsaka yung yoyo. Nakita ko sa tv nilalaro nila Seina iyon" tinuro ni Andrei ang yoyo na nakadisplay sa isang stand malapit sa kanila. Nag smile naman si Seki "Sige bibilhin ni Tita para sayo pati ang promise kong ice cream". Nag smile naman si Andrei at pumunta si Seki sa counter para umorder. Cheese burger ang order nya at isang large fries para sakanila. Alam nya mahilig sa fries ang pamangkin. Orange juice ang pinili n'ya na drinks "Miss, pwede po yung meal na may kasama toy?". Nag smile naman ang cashier at pinapili si Seki kung anong toy. Sinabi naman ni Seki kung ano ang gusto ng kanyang pamangkin. Nagbayad na si Seki at pumunta sa table nila ni Andei.
Nag cheer naman si Andrei ng makita ang toy lalaruin na sana n'ya ito pero inawat sya ni Seki "Later mo na laruin okay, kumain muna tayo". Nag nod naman si Andrei. Nilagyan ni Seki ng tissue ang damit ni Andrei "Dahan dahan lang ako kakain Tita madudumihan ang damit ko". Nag smile naman si Seki "Papakainin ka ni Tita". Nag nod naman si Andrei. Kumain na ang dalawa. Natutuwa si Seki dahil malusog ang pangangatawan ng pamangkin. Inaalala nya kasi ang asthma ni Andrei.
Maya maya nag pasya na sila umuwi dahil ala-sais trenta na ng gabi "Let's go home na Andrei". Nag smile naman si Andei "Opo Tita. Thank you po". Pumunta na sila sa may plaza dahil doon may dumadaan na mga public transpo. Nakasakay naman sila agad "Kakalungin ka muna ni Tita. Punuan pa". Nag nod naman si Andrei, bumili sila kanina ng 1 eco bag na para ilagay ang pinamili nila pati na din ang toy ni Andrei. Napansin ni Seki na inaantok si Andrei kaya kinausap nya ito "Andrei, bababa na tayo hwag ka na matulog". Pinigilan naman ni Andrei ang antok n'ya. Tumayo si Seki haqak ang kamay ni Andrei at pumunta sa unahan pinagbuksan naman sila ng driver at bumaba na sila. Naglakad sila pabalik ng bahay.
Inilagay agad ni Seki sa lamesa ang oranges and apples. Sa ref n'ya nilagay ang watermelon dahil bukas na ito at tingi lang ang binili nya. "Tita, kumain na po kami ni Andrei. Inaantok na nga po s'ya". Nag nod naman si Yuika expected na n'ya na mag merienda ang dalawa kaya hindi sya nag saing ng madami. Nilapitan n'ya si Andrei at kinarga. Pumipikit na ang mata nito kaya nagpunta na si Yuika sa kwarto para patulugin ang anak.
Nagpaalam naman si Seki sa kanyang Lola na matutulog na "Lola, bakit hindi pa po kayo matulog?" tanong n'ya. Ngumiti si Risa "Mamaya pa ako, inaantay ko pa yung paborito kong teleserye apo. Naalala ko ang aking pagkadalaga. Haha". Natawa naman si Seki dahil kinikilig ang kanyang Lola "Sige po Lola. Good night" kiniss nya ang pisngi ni Risa at pumasok na sa kanyang kwarto.
Ang bahay ng kanyang lola ay 2 storey type, may garden sa unahan 4 ang kwarto at malawak ang kusina. Nagbihis si Seki ng pantulog at naghilamos at toothbrush. Maya maya humiga na din sya. Tinignan n'ya ang picture frame nakalagay doon ang picture ni Seki at nang kanyang ina "See you tomorrow Mama".