Selenophile

7 3 0
                                    

ONE SHOT STORY


Selenophile- A person who loves moon.












Let me tell you my story of how I started to love the moon.

Bata pa ako ay lagi na akong nakatingin sa moon. Hindi ko talaga maiwasang tingnan ito lalo na pag naglalakad ako sa gabi. Feel ko kasi sumusunod siya sakin tapos napapatanong ako. Naglalakad din ba ang moon?

It's funny right? At alam kong hindi lang ako ang nakakaisip nun noon. Bata palang ako ay nahumaling na talaga ako sa ganda nito. At hindi lang yun.

Pag tinitingnan ko siya na nakasunod sakin, feel ko siya yung guardian angel ko. Siya yung laging nakabantay sakin pag naglalakad ako mag isa sa daan. Siya yung naging ilaw ko sa madilim na paligid.

Takot talaga ako sa dilim at ito lang ang nagbibigay liwanag lalo na sa pagtulog ko.

Nung lumaki na ako medyo nawala na din ang pagkahilig ko. Para nalang siyang isang bituin na lumulutang sa kalawakan. Mas nahiligna din ako sa pag dadrawing at doon ko nakilala ang boyfriend ko na si Kenneth.

Naging magkaklase kaming dalawa sa art subject namin. We're the best buds lalo na pag drawing ang pinag uusapan. Ilang buwan ang lumipas ay naging magcouple kaming dalawa. Our relationship did last long, pero akala ko happy ending na lahat para sa aming dalawa.

" Lyca, nasan ka ngayon? " Nabigla ako ng tumawag ang mommy ng boyfriend ko sakin at parang umiiyak pa.

" Nasa bahay po tita, bakit po? " Ewan ko pero bigla akong kinabahan sa tono ng pananalita ni tita. Sigurado akong umiiyak siya ngayon.

" Pumunta ka dito sa hospital ngayon din. Itetext ko nalang sayo kung asan. " magtatanong pa sana ako kung sinong nasa hospital pero pinatay nya Ito agad.

Sumakay naman agad ako sa kotse ko at nagtext na din si tita sakin. Pinaharurot ko agad ito ay ng makarating ako sa sinasabing hospital ay hinanap ko agad so tita.

Nakita ko siyang nakaupo sa corridor at umiiyak. Agad ko naman itong nilapitan .

" Tita ano pong nangyari? " Napalingon naman siya sakin at niyakap nalang ako bigla.

Pinatahan ko muna siya at ng mahimasmasan siya ay humarap siya sakin.

" Lyca alam kong ayaw ipasabi ni William ang kalagayan niya, pero may karapatan ka ding malaman ito since girlfriend ka din niya. "

Yung kaba ko kanina ay mas dumoble pa ngayon. Sa tingin palang ni tita ay parang nagdadalawang isip siya na sabihin ito sakin.

" Matagal bago namin malaman na may sakit ang anak ko. Kaya mahirap ng agapan ang sakit niya ngayon. " Wait--anong sakit sinabi niya?

" May brain cancer si William anak. Ayaw niyang sabihin sayo kasi natatakot siya na baka iwan mo siya. Mahal na mahal ka niya Lyca. Alam ko minsan nakakalimutan ka niya, at pilit ka niyang inaalala lagi kasi ayaw ka niyang makalimutan. "

Hindi ko alam kong anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Naramdaman kong may tumutulo na sa pisnge ko, hindi ko namalayan na napaluha na pala ako sa sinabi niya.

SelenophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon