Sa pangatlong araw ni Seki nagpasya sya tumulong sa lola nya sa pag-gawa ng rice cake. Ito ang nakagisnan na negosyo ni Seki na pinakamamahal ng ina. Sikat ang recipe ng kanyang lola ng mga rice cake. Noong nabubuhay pa si Rika, siya misyo ang nagluluto at nagtitinda nito ngunit noon sumama sya kay Seki sa Kanagawa dahil kay Kiyota ay iniwan nya ang pag-gawa ng rice cake kay Yuika at Risa. Sa isang taon paninirahan ni Rika sa Kanagawa doon na diagnose ang sakit nito at malala agad.
Masaya naman si Risa dahil namana ni Seki ang galing ng kanyang anak na si Rika sa pag gawa ng rice cake. Sa palayok pa din sila nagluluto ng gata bago isalang sa kawali. As much as possible traditional ang pag gawa nila kaya binabalikan ng mga suki nila. "Lola, mabuti po kaya n'yo pa mag luto ng mga ito?" tanong ni Seki. Ngumiti naman si Risa "Aba oo naman. Malakas pa ako sa kalabaw. Mang hihina ako kapag itinigil ko ang pag-gawa ko ng kakanin". Nag nod naman si Seki dahil tama ang kanyang lola. Isa ito sa dahilan kung bakit nanghina agad si Rika - bigla kasi itong tumigil sa pagtratrabaho..
Alam ni Risa kung ano iniisip ng apo kaya nagsalita sya "Seki, lagyan mo na ng dahon ng saging yung mga bilao, bukod sa order sa palengke may order din tayo 8 bilao dahil graduation ngayon". Ginawa naman ni Seki ito at nilagyan ng langis mula sa pinatuyong gata ang mga dahon bago ilagay ang niluto na kakanin para hindi manikit.
Sikat ang biko at bibingka gawa sa malagkit na bigas na recipe ng pamilya ni Seki. Mayroon din sila pichy pichy at iba pa. Pero binabalikan ang tatlo na naunang nabanggit. Tinulungan ni Seki si Risa na ilagay sa bilao ang naluto na biko at bibingka. Pinalamig muna ito ng bahagya bago takpan ng dahon ng saging. Yung iba ang ginagamit ay plastic or foil pero sa kanila dahon ng saging ang ginagamit. Tinanong ni Seki ang kanyang ina noon kung bakit at ito ang sinabi n'ya "Mas masarap ang lasa ng kakanin at nag iiba ang amoy ng pagkain kung plastic ang ipang tatakip natin".
Isang oras din ang lumipas at sunod sunod dumating ang mga may order sa kanila upang i-pick up ito. Inabot nila ang bayad at nagdagdag pa ng tip dahil alam nila na mahirap ang paggawa ng kakanin. Ang negosyo ito ang nakatulong kay Seki na makatapos ng high school. Sa College nakilala ni Seki si Kiyota, ang magulang ni Kiyota ang tumulong kay Seki makatapos ng kolehiyo at ma-iuwi ang labi ng ina sa probinsya.
Buong araw naging abala si Seki sa pagtulong sa kanyang lola. Sa makalawa ay babalik na sya ng Kanagawa kaya nagpasya s'ya na magbonding ng kanyang Lola, Tita at ni Andrei "Lola, ano oras po kayo matatapos mag luto ng kakanin bukas?" . Sumagot naman si Risa "Siguro mga before 6am wala naman may order bukas apo. Bakit?".
Sinabi ni Seki ang plano nya "Mamasyal po tayo bukas sa mall treat ko po kayo nila Tita at Andrei ng lunch at mag window shopping din po tayo". Umiling naman si Risa "Nako, apo mapapagastos ka lang. Alam ko binabayaran mo pa ang bill ni Rika sa ospital hanggang ngayon". Ngunit pinilit ni Seki ang kanyang Lola "Sige na po Lola. Malapit ko na po matapos bayaran ang kulang sa ospital. Minsan lang po ako manlilibre sige na Lola. Please".
Pinagdikit ni Seki ang kanyang mga palad at kunwari ng dadasal at nag pacute pa natawa naman si Risa "Oh sige na nga. Payag na ako. Salamat Seki". Niyakap naman ni Seki ang kanyang lola "Syempre Lola malakas kayo sa akin eh. Mahal ko po kayo". Niyakap naman pabalik ni Risa ang apo. Pagkatapos ng pag emote ng dalawa pumunta na sila sa bahay. May kusina sa tabi ng garahe kung saan naka park ang lumang kotse na pag-aari ni Rika hindi nila ito ibinenta. Sinamahan naman ni Seki ang kanyang lola sa panunuod ng teleserye na inaabangan nito maghapon.
Wala pa si Yuika dahil sinusundo si Andrei sa school. Bukas ang graduation ni Andrei naalala ni Risa kaya sinabi n'ya kay Seki. "Ay tamang tama lola dahil morning pala ang graduation ni Andrei sa mall na tayo maglunch". Nag nod naman si Risa. Maya maya dumating na si Yuika at Andrei. Sinabi din ni Seki ang plano nya pumayag naman si Yuika. Excited naman si Andrei dahil kasama nila ang kanyang Ate Seki at aattend pa ito ng graduation n'ya.
.....
Sa Kanagawa naman, napabuntong hininga na lang si Olivia dahil hindi sya nagkamali panay ang punta ni Kiyota sa bar at inaabangan si Seki. Kinausap ni Airi ang mga staff n'ya at sinabi na hwag ipapaalam kay Kiyota kung saan nakatira si Seki or kung nasaan man ito ngayon. Nag agree naman ang lahat dahil parang kapatid na nila si Seki at gusto nila protektahan ito.
Pangatlong gabi na at andito si Kiyota kasama n'ya si Jin ngayon. "Pre, pangatlong gabi ko na pumunta dito pero wala si Seki. Hwag mo sabihin na hindi na sya nag tratrabaho dito dahil sinabi sa akin ni Ms. Airi na dito pa din at walang balak umalis si Seki. Pero hindi nila sinasabi kung nasaan sya or saan nakatira". Huminga naman ng malalim si Jin napatingin sya kay Olivia na nag seserve sa dulong table malapit sa entrance. Naramdaman ni Olivia na may tumitingin sa kanya kaya lumingon sya, namukhaan nya ito kaya lumapit sya..
"Mr. Nobunaga..." nagpakilala naman si Jin. "Soichiro Jin". Nag nod si Olivia.. "Mr. Nobunaga, Mr. Jin ano po order n'yo?". Sasagot na sana si Jin pero inunahan sya ni Kiyota "Alam ko kaibigan ka ni Seki. Nasaan s'ya?". Pinag cross naman ni Olivia ang braso nya "Hays,.. Wala nga si Seki dito... Hindi ko alam kailan babalik.. Excuse me lang okay, naawa ako sa'yo oo kasi pabalikbalik ka dito. Sabi mo gusto mo makabawi kay Seki baby. Okay sige fine pero bigyan mo naman space ang kaibigan ko. No offense ah pero sa ginagawa mo kasi para ka nang stalker".
Na-offend naman si Kiyota sa 'stalker' comment ni Olivia at napansin ito ng dalaga at natawa "Uy, no offense nga ee. Isip ka na lang ng other way kung paano mo mapapa-amo ang besty ko. Okay?". Nagulat naman si Kiyota at Jin dahil sa sinabi ni Olivia. "Boto ka kay Kiyota?" tanong ni Jin. Nag so-so gesture naman si Olivia "Somehow.. May second chance naman eh. Pero nako kung katulad ka ng ex ko na babaero sasabihin ko kay Seki hwag ka na balikan.. Pagbubuhulin ko pa kayo ng hitad na 'yon. Nako nako... Argh!!"
Nag sweatdrop naman si Kiyota at tumawa ng alanganin "Salamat... sa support.. I consider ko ang other way makabawi sa kanya" kinabahan sya dahil babaero s'ya noon pero nagbago na talaga sya at hindi katulad ng iba na 'once a cheater always a cheater'. Si Jin naman ay hindi mapigilan ma-cute'tan sa antics ng kaibigan ni Seki. "Baby boy, hwag mo naman ako pagtawanan. Order na kayo ni Mr. Nobunaga para may benta na agad kami". Nag smile naman si Jin "Pasensya na Ma'am".
Inawat naman ni Olivia si Jin "Ay, ako pala si Olivia Ysobel. Friend ni Seki. Nice to meet you Mr. Nobunaga at Mr. Jin". Sinabi ni Olivia na hindi dapat sya tinatawag na Ma'am dahil waitresss lang sya at mga big boss sila. Nalungkot naman si Jin sa sinabi ni Olivia dahil minamaliit nito ang sarili n'ya pero hindi na nag comment. "Kiyota na lang itawag mo sa akin. Soichiro naman kay Jin". Nag nod naman si Olivia "Okay! Ano na order nyo po? hehe".
Natawa naman si Kiyota at Jin dahil makulit si Olivia. Umorder ng coffee ang dalawa. Nag sweatdrop naman si Olivia "Bar kami pero gusto nila hot coffee.. Weird!". Nag nod naman si Olivia nag bow at ibinigay ang order ng dalawa kay Hideo. Kahit si Hideo at Mai ay nag sweatdrop pero ginawa ng dalawa ang request ng VIPs nila.
Si Mai naman ang nag serve ng coffee nina Kiyota at Jin. Samantala si Olivia naman ay excited para sa lovelife ng kaibigan at kumanta pa "Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig". Kilig na kilig pa ito habang nagpupunas ng lamesa. Nakita naman ni Jin na kumakanta si Olivia at kinikilig natatawa sya dahil parehas sila na gusto magkabalikan ang kanilang kaibigan.