Chapter 7

33 2 7
                                    

     Abala sa bahay nila Seki ngayon dahil sa graduation ni Andrei at ibinalita ni Yuika na may honor ang anak. Naka toga na pambata si Andrei inihanger muna ni Yuika ang toga dahil mainit ay pagpapawisan lang agad ang anak. "Drei, tama na laro lalagyan ka ni Mama ng bimpo sa likod" pagtawag ni Yuika. Tumakbo naman si Andrei papalapit sa ina. Pinagmamasdan lang ni Seki ang kanyang tiyahin at pamangkin hindi nya maiwasan na malungkot dahil naalala nya noong bata sya at kasama pa nya ang kanyang ina.

      Naputol naman ang paglipad ng isip ni Seki ng maramdaman n'ya ang pagyakap ng pamangkin "Tita, may award ako mamaya hindi lang isa tatlo pa". Nagyayabang si Andrei "Congrats Baby. Mana ka kay Tita. Matalino" comment ni Seki at kiniliti ang tagiliran ng pamangkin. Tawa naman ng tawa si Andrei sa ginagawa ng kanyang tiyahin "Tama na po Tita. Hahaha".

Dumating naman si Risa "Mga apo tama na 'yan. Baka mahuli tayo sa program". Tumigil naman ang dalawa "Opo Lola". Mga nakabistida sina Risa, Yuika at Seki si Andrei naman ay naka black na slacks at naka navy blue checkered polo. Umalis na sila ng bahay at inilock ang mga pinto at gate. Naglakad lamang sila dahil malapit lang ang school ni Andrei sa kanilang bahay. Kaya may tinda din sila rice cake sa bahay dahil madami bumibili na estudyante at mga guro sa kanila.

     Nakarating agad sila ng school at tamang tama sapagkat tinatawag na ng guro ang mga estudyante at mga magulang upang magsipila. May ilang teachers din na nag-assist sa mga kamag-anak ng mga gragraduate at pina upo sila sa mga assigned seats. Nag signal ang adviser ni Andrei na maglalakad na sila. Dahil letter z ang simula ng apelyido ni Andrei nasa dulo s'ya ng pila.

      Seryoso nag-aantay sina Yuika at Andrei ng may narinig sila nagsalita "Wosh.. Mabuti nakahabol ako". Lumingon ang dalawa at nakita si Rio ang asawa ni Yuika at ama ni Andrei "Darling/Papa" bati ng dalawa. Ngumiti naman si Rio at niyakap ang mag-ina n'ya "Wala muna iyakan.. Hehe. Tayo na susunod na papasok" Nag smile naman si Yuika at nag nod naman si Andrei.

      Pinapanuod nila Seki at ng kanyang lola ang mga pag martsa ng mga graduates at inaabangan ang paglakad ni Andrei. Nagulat ang dalawa nang makita si Rio "Lola, umuwi po si Tito. Nagsabi po ba s'ya?" tanong ni Seki. Umiling si Risa "Hindi apo. Pero baka balak ni Rio na isurprise sina Yuika pero sya ang nasurpresa. Haha". Natawa naman si Seki at sinumulan kumuha ng mga larawan. May official photographer din na kumukuha ng larawan ng mga graduates.

      Nagsimula na ang graduation ceremony. May inihanda na graduation song ang mga estudyante. May ilan magulang na hindi mapigilan maluha dahil masaya sa unang graduation ng mga anak. Nag simula na ang awarding ceremony. Itinawag ang pangalan ni Andrei sa Best in Art and English. Si Yuika naman ang umakyat para sa anak. Kinuhanan naman ni Seki ng larawan ang tiyahin at pamangkin. Ilang awards din ang lumipas at maya maya tinawag muli si Andrei bilang top 1 at valedictorian ng batch.

      Hindi naman inexpect ni Rio na may awards ang anak at top 1 pa. Siniko naman ng mahina ni Yuika ang asawa "Darling, ikaw na mag sabit ng medalya kay Drei". Nag smile naman si Rio at tumayo tinignan nya ang anak, lumapit naman si Andrei sa ama at sabay sila umakyat ng stage. Sinabitan din ng principal ng medal si Rio at binigyan ng certificate. Binigyan naman ng teacher ng medal si Rio. Siya mismo ang nagsabit ng medalya para sa anak "Proud kami sayo Andrei. Good job anak". Masaya naman si Andrei dahil sa sinabi ng ama. Nag picture taking sila,kinuhanan din sila ni Seki ng larawan.

     Bago matapos ang program, tinawag ng host si Andrei para sa kanyang speech. Simple lamang ang speech ni Andrei dahil bata pa ito at hinayaan ni Yuika na mag isip ang anak ng sasabihin imbis na katulad ng ibang bata na magulang ang nagsusulat ng sasabihin ng anak. Nagpasalamat si Andrei sa lahat ng magulang ng mga kaklase nya at maging sa kanya dahil sa pagmamahal at pag aasikaso sa kanila. Nagpasalamat din sya sa kanilang mga guro. Naantig naman ang mga magulang sa pagtatapos na salita ni Andrei "Papa.. hindi ko po alam na uuwi ka. Sana po hindi ka na mag abroad dito ka na lang po kasama namin ni Mama. Mag aaral po ako maigi palagi hwag lang kayo umalis ulit.. Salamat din po God kasi pinakinggan n'yo po ang prayers ko at umuwi na po si Papa sa graduation ko. Amen" .

Blind SpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon