You're Still the One

31 0 0
                                    

Hi everyone!

This is my first time to share my own love story. My apology if my story is not that flawless, I admit I am not a good story writer ;)

Anyway, hope you''ll like it :)

Note: I will change the names of the characters for privacy. Thanks a lot!

Any comments/negative feedbacks/violent reactions are welcome :)

Ako si Angel, 4th year highschool. Simpleng tao lang ako, di naman ako ganun kakilala sa school pero yung mga tita ko at mama ko known sa school sa dami ng achievements nila. Okay lang, ayoko lang maging epal sa school, basta pumapasok lang ako at walang bagsak okay na. 

Lahat naman siguro dumadaan sa highschool fling, relationship or kahit crush2 lang. Isa na ako dun. hehe. Wala naman sigurong pusong bato sa atin, may kanya kanya tayong rason bakit tayo ganadong pumasok sa school, karamihan dahil sa grades, baon at minsan dahil sa crush :)

March na patapos na ang school year, salamat naman at natapos rin ang apat na taon sa highschool, college na! Yey! Busy na ang lahat sa pagtetake ng entrance exam sa iba't ibang college schools and universities, pero ako nag iisip pa rin anong course ang kukunin. *sigh.

Gusto ng parents ko nursing kasi yun ang sikat ngayon eh, mabilis ka raw makakalabas ng pinas at magtatrabaho abroad. Ayoko nun, takot ako sa dugo. Eh ano nga ba gusto ko? Gusto ko maging flight attendant, pero kulang ako sa height. hahaha. Gusto ko maging lawyer kaso kakayanin ko ba mag aral ng maraming taon, magbasa ng makakapal na libro at kabisaduhin ang maraming batas? *sigh.

Ang hirap! Karamihan sa mga classmates ko nakapagtake na ng entrance exam sa mga schools na gusto nila, kelangan ko na rin talagang magtake kung hindi, di ako makakapag aral sa college this year. 

"hoy Angel, ano na? ano kukunin mong course? tara nursing tayo, dun tayo sa sikat na nursing school!" - Melissa

"ayoko ng nursing, takot ako sa dugo eh saka nabalitaan ko dapat magaling ka raw magmemorize pag nursing kasi dami kelangan imemorize, mahina ako dun!"

"hay nako ano ba gusto mo talaga?sabado bukas, pupunta na ako dun para magtake ng entrance exam eh!" - Melissa

"Pag iisipan ko muna, magkikita kami ni Jay ngayon eh, baka dun na lang ako sa school nila." Sabay kindat :)

"Bahala ka ha?Ano kukunin mong course dun? Same sa kanya eh magtithird year college na si Kuya Jay noh? Si Cherry nga sa ibang school eh, ayaw nya kaschoolmate kuya nya" - Melissa

"Eh boyfriend ko naman yun eh, okay lang yun!" - Naisip ko mas mabuting schoolmate kami ng boyfriend ko para naman parati kaming magkita, hirap naman kasing highschool pa ako at minsan lang kami nagkikita these days.

Kinagabihan,

"Hon, napatawag ka?" - Jay

"Eh hon, okay lang ba pasama ako sayo bukas magtetake ako entrance exam sa school nyo?"

"Nako hon, dami ko gagawin bukas eh saka pinapatulong ako ni Papa sa tindahan bukas after ko sa school, ano ba kukunin mong course?" - Jay

"Eh di ko pa nga alam hon eh, nalilito ako pero gusto ko same school tayo"

"Eh hon, mahirap yan. Maraming courses sa school eh saka dun ka na lang sa ibang school, mas masaya dun, boring sa school namin eh" - Jay

" Uhm, ayaw mo ba akong kaschoolmate hon? :( "

" Di naman hon, mas maganda kasi yung pinag iisipan mo anong course kukunin mo at sang school, di naman porke bf mo ko eh kung san ako andun ka rin." - Jay

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're Still the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon