Chapter 51: New Lead

35 0 0
                                    

Chapter 51: New Lead

Dia's POV

*SIGH

"Hey Princess! Don't you have an appointment with my brother?" Hindi ko na nilingon pa ang pinanggalingan ng boses na iyon dahil kilala ko na kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

"I thought you have guest tonight?"

"Oh about that, I dumped him. He's so annoying, and I can't deal with his presence. How about you?"

"I'm done with my appointment." Umupo siya sa royal couch habang ako naman ay abala sa pagsusulat ng bagong pangalan para sa mga bagong produkto ng Blant Styl.

Habang nagsusulat ay biglang sumagi sa aking isipan ang nangyari kanina sa chamber ng Hari.

*SIGH

"What's wrong?" Tiningnan ko lang ang Prinsesa at muling ibinalik ang atensyon sa pagsusulat.

Minsan narealized ko na hindi puro kaartehan ang alam nitong babaeng kausap ko. Yes brat siya, jerk at kung ano pa ang pwedeng itawag sa babaeng walang ginawa kundi makuha ang kahit anong gusto niya. Ibang iba siya kahapon habang nakastay ako sa chamber niya, lalo na noong ipakita ko sa kanya ang mga gowns at dresses na pinabili ko kina Gene sa Mall. May pagka-inosente rin siya dahil hindi niya alam ang ibang bagay sa sinasakupan niya.

"You know what, if my brother argued about that thing again just tell me, okay?"

"Huh?"

"What I mean is that thing. You know what I mean."

So ibig sabihin alam din niya ang tungkol sa bagay na sinasabi ng Hari sa akin kanina?

"I doubted my brother the first time I heard it, but right now I slowly understand what he meant for it."

"Your Highness may tawag po kayo mula sa palasyo." Sabay kaming napalingon ni Princess Athyna sa may pinto, nakatayo mula roon si Mr. Yong at si Krish na hawak ang cellphone.

"Excuse me Your Highness." Sambit ko bago umalis sa lugar na iyon.

.

.

.

Doctor Sylvia's POV

"Doc nabanggit niyo na po ba sa Prinsesa ang tungkol sa paggising ni Mrs. Madrigal?" Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Rawn.

"Diba po mag-iisang linggo na siyang gising?"

"I already sent her an email pero hanggang ngayon wala pa rin akong naririnig mula sa kanya, maging kay Lady Carson."

Tama kayo ng pagkakabasa, halos isang linggo na ang nakalipas matapos magising ni Alondra. At hanggang ngayon wala pa rin akong natatanggap na reply or call mula sa Prinsesa, noong araw na magising si Alondra ay agad rin akong nagsent ng email sa kanya tungkol sa kondisyon ng Nanay niya maging ang chart na lumabas.

Hindi ko naman matanong si Shine dahil abala siya sa project nila ngayon sa trabaho, maging si Mariel na malapit ng grumaduate sa susunod na linggo. Wala rin naman akong contacts ng ibang kasamahan ng Prinsesa sa Rallnedia maliban kay Lady Carson at Duchess Evelyn, ngunit pareho silang abala nitong mga nakaraang araw dahil sa fashion show na magaganap sa katapusan ng buwan.

Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon