Liham (Part 4)

27 0 0
                                    

Matapos ang usapan namin ni Ellen ay nagyaya na si Lora na mag tanghalian. Bumaba kami sa canteen at dun kami nananghalian. Sa di inaasahang pagkakataon, natapat ang aming inuupuan sa pwesto din nila Oscar.

Hindi ko iyon pinansin. Kumain lang kami ng tahimik at nakikinig sa paghaharutan nila Oscar at Erish. Maya maya ay hindi ko na natagalan pa. Tumulo ang mga luha ko at nagtatakbo na ako palabas ng canteen. Agad naman akong sinundan nina Ellen.

“BOOOOM!!!!!!! Pareng Oscar, walang epekto. HAHAHAHAHAHA =))))))))))))))))” pang aasar ni Tomas at Daniel.

“Tae. Badtrip kayong dalawa ah. xD Ano kayang gagawin ko? Aminin ko na kaya?”, sagot ni Oscar.

“Alam mo Oscar, alam naman nating first year high school pa lang tayo, ang lakas na ng tama mo diyan kay Celine. Eh kung gano’n lang at nagawa mo na sa tingin mo lahat ng paraan para mapagselos siya tapos wala parin, problema mo na ‘yan.”, sabi ni Tomas.

“Teka. Wala namang gusto si Celine kay Oscar pano mo mapagseselos?”, sabi ni Daniel.

“Oo nga no. Psht. Torpe ako pare eh :\”, sabi ni Oscar.

“Wag ka ng umiyak Celine. Baka makita ka pa ni Oscar, malaman pa niya na may gusto ka sakanya.”, sabi ni Ellen.

“Ellen :( March na. Ilang linggo na lang, graduation na. Matagal pa bago ulit tayo magkita.”

“Huh? A-anong ibig mong sabihin? ‘Wag mo sabihing.......”

“Oo Ellen. Tuloy na ang pagpunta namin sa US after ng graduation. Doon ako magka-college at 10 years pa bago kami ulit bumalik ng Pilipinas.”

“Tsk. Kaya pala labis ka ng nasasaktan eh. Malalayo ka na hindi lang samin, kundi kay Oscar din.”

LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon