Maaga akong nagising at nag chat kay Kurt
To: Love
Good morning love!Tumayo na ako sa para maghilamos at magsipilyo. Matapos ay inayos ko na ang kama ko at naglinis ng kwarto. Maya maya ay nag reply na si Kurt.
From: Love
Good morning love! Happy birthday ule haha. See you later! Mwa!Hindi na ako nakapag reply ng tawagin na ako ni mama para mag almusal. Matapos kong mag almusal ay umakyat na muna ako sa kwarto ko para maligo. Matapos kong maligo ay umupo ako sa vanity chair ko at nag skincare, big night mamaya kaya kailangan fresh and blooming ako. Matapos mag skincare ay naglotion ako, nagsuklay ng buhok, nag liptint at nag perfume. Bumaba muna ako para tignan ang ginagawa nila. May mga nagluluto na sa baba at pinuntahan ko na din ang venue. May mga nag aasikaso na roon at may mga tables and chairs na din. Inaayos na rin ang photobooth. Ang color na pinili ko para sa venue ay peach, pink and rose gold. May mga balloons na rin na nakapalibot sa stage may upuan na rin.
Ilang oras pa ang dumaan at nag asikaso na ako ng sarili ko. Since ayokong iba ang mag makeup sa akin ay ako na ang nag makeup sa sarili ko. Pumasok sa kwarto ko ang pinsan ko para tulungan ako.
"Ate" ani ko ng pumasok siya at nilapag ang bag niya sa kama ko
"Ate tignan mo ang makeup ko. Ayos na ba? Maganda ba?" tanong ko ng makalapit siya sa akin
"Oo maganda. Ayusin lang natin ng kaunti"
Matapos kong mag makeup ay kinuha ko na ang red ball gown ko at sinuot iyon.
"Wow ganda!" puri ni ate sa akin pumasok na din sa kwarto si Auntie at tinulungan si ate ayusin ang gown ko
"Nandoon na mga kaibigan mo sa venue" ani ni ate na hawak ang phone niya
"Ikaw na lang ang hinihintay, tara na" ani ni mama ng pumasok siya sa kwarto
Bago bumaba ay sinuot ko na ang stiletto black high heels ko. Maya maya pa ay bumaba na rin kami at inalalayan ako nila ate. Nang makasakay sa kotse ay nahirapan pa akong makaupo sa laki ng gown ko.
Nang makarating kami sa venue ay naroon na ang mga bisita ko. Maya maya lang ay nakita ko na si Kurt.
"Love tara" sabay kaming papasok since siya ang escort ko
"Tara sa photobooth" aya ko sa kanya since walang tao dahil malapit ng mag start ang celebration.
Nang matapos kaming mag picture ay pumwesto na kami ni Kurt.
After tawagin sila mama ng host ay kami na ang tatawagin. Nilagay ko ang kaliwang kamay ko sa kanang braso ni Kurt.
"Please welcome the debutant Athena Ailani Ricafort and his escort Kurt Cedric Alcantara" nang marinig namin iyon ay sabay kaming naglakad ni Kurt sa gitna at nakangiti, nagpapalakpakan ang mga bisita. Nang mahatid ako ni Kurt sa gitna ay pumwesto na siya sa upuan niya.
After mag opening prayer ay may nag song number muna, then 18th roses na. Excited akong tumayo at tinawag na ng emcee isa isa ang mga pangalan ng mga 'yon. Nauna ang kuya ko sumunod ay mga kaibigan ko. Matapos ang mga kaibigan ko ay tinawag na si papa.
"Mr. Ricafort" tawag ng host kay papa kaya naman lumapit si papa sa akin at binigay ang rose.
Nang tawagin na si Kurt ay maraming nagsigawan at palakpakan. Binigay ni papa ang kanang kamay ko kay Kurt at tinanggap naman iyon ni Kurt. Si Kurt ang last dance ko.
Matapos ay nag 18th candle na, after non ay nag dinner na. So nag photo session muna per group. Naunang nagpapicture sila Scarlett, Payne, Bella, Martin at iba pang classmates ko. Sumunod naman ay mga classmates ko noong junior high school. Marami pang picture taking na naganap. Maya maya den ay kumain na rin ako ng dinner.
After mag dinner ay may mga nag song number ulit. Then, 18 shots and 18 gifts.
"Kurt Cedric Alcantara" turn niya na para sa pang 18th gift.
"Happy birthday love. Sana magtagal pa tayo. I love you" inabot niya sa akin ang gift niya bago umalis at marami na namang sigawan na narinig ako
Maya maya din ay magbblow na ako ng candles ko kaya naman kinantahan muna nila ako ng birthday song. After non ay nag wish na ako at nag blow ng candles.
Bago matapos ay nag message sila papa at mama sa akin. Then nag thank you speech na din ako. Matapos ay nag picture pa ako sa venue. Ang iba ay mga dumiretso na sa bahay para sa after party. Nang makauwi ay nagbihis na agad ako. Naroon na rin si Kurt at kumuha na ako ng alak para sa kanila."Shot ka muna Athena!" sigaw ni Kaye friend ko
Kinuha ko ang shot glass mo mula sa kamay ni Kaye at nilagok iyon. Tumabi ako kay Kurt ng makita siya.
"Wag masiyadong uminom" bulong agad sa akin ni Kurt
"Yes bb" sagot ko
Pinapaikot na nila ang shot, maya maya lang ay na kay Kurt na, kinuha niya iyon at ininom.
Next shot ay sa akin na. Naka ilang alak pa kami. May mga nagkakantahan pa. Tumayo na muna ako at kinuha ang mga souvenir ko para ipamigay sa mga bisita ko. Maya maya lang ay may mga nagsisiuwian na. Nang maubos namin ang alak ay konti na lang kaming natira roon.
"Last na yan" ani ko hindi kami pwedeng mag inom masiyado magagalit si Kurt sa akin
Nang matapos ay naunang umuwi ang mga kabigan ko. Umuwi na rin sila Auntie.
"Bye love thank you" paalam ko kay Kurt
"Happy birthday ule" sabay lapit sa akin ay hinalikan ako sa labi
"A-ah ingat ka" nagulat ako sa ginawa niya kaya agad akong tumalikod at pumasok sa bahay.
Nang makapasok sa bahay ay pumasok na ako sa kwarto ko at naghilamos ng mukha nagpalit na din ako ng pantulog ko. Inayos ko na muna ang mga regalong natanggap ko at nilagay sa isang tabi. Nahihilo na ako kaya naman humiga na ako sa kama. Nakatulog agad ako sa pagod.
Kinabukasan 10 am na akong nagising. Tumayo na ako para maghilamos at magsipilyo. Matapos ay bumaba ako para kumain. Matapos kumain ay umakyat ako sa kwarto para buksan ang mga regalong natanggap ko. After kong mabuksan lahat ng gift ay naglinis na ako ng kwarto at nilagay sa mga lagayan ang mga natanggap kong regalo.
Matapos kong maglinis ng buong kwarto ay naligo na ako. Matapos maligo ay nag skincare na ako at nag light makeup, aalis kami ngayon ni Kurt at magsisimba.
From: Love
Otw loveNagsuot na ako ng white sneakers at kinuha ang sling bag ko at phone saka lumabas ng kwarto.
"Ma, alis na po muna ako" paalam ko
"Ingat kayo" sagot ni mama
Lumabas na ako ng cluster at nakita na si Kurt.
Since sa bayan kami magsisimba ay sumakay kami ng tricycle at jeep bago makarating sa simbahan.
After namin magsimba ay pumunta kami sa isang fast food chain. Nang makahanap ng table ay umupo na ako at nag order naman si Kurt ng food namin. Maya maya din ay bumalik na si Kurt sa table namin. Habang inaantay ang order namin ay nag kwentuhan lang kami minsan ay nag ccheck ng phone. Habang nagbbrowse ako sa phone ay tinawag na ang table number namin at saka tumayo si Kurt para kunin ang inorder niya. In-off ko na muna ang phone ko at pinasok sa sling bag ko. Habang kumakain ay nag uusap lang kami ni Kurt about sa school, sa work immersion ko at sa debut ko kagabi. Nang matapos kumain ay napagpasyahan na naming umuwi. Hinatid muna ako ni Kurt sa loob ng bahay at saka umuwi.
"Tulog na ata sila mama" ani ko kay Kurt ng mabuksan ko ang gate
"Ah sige una na ako"
"Ingat ka. Thank you love" paalam ko at saka kumaway sa kanya
Nang makapasok sa bahay umakyat na agad ako sa kwarto ko at nagbihis. Nag sipilyo at skincare muna ako bago matulog.
to be continued ...
━━·。° ☆:*.☽.*: ☆ 。° ━━
YOU ARE READING
CHASE YOUR DREAM
RomanceMasaya at simple lang ang buhay ni Athena, sa huling taon niya sa highschool ay dadating si Kurt Cedric Alcantara sa buhay niya. Isang bagong estudyante sa Bright Academy. Maraming humahanga sa kanya dahil sa kagwapuhan nito ngunit isang mahilig sa...