Liham (Part 6)

33 0 0
                                    

“Ce-ce-celine. Ma-masaya ako na na-nandito k-ka.”

Tumulo nanaman ang luha ko at napahawak sa dalawa niyang braso.

“Magpakatatag ka.”, mangiyak ngiyak kong sinabi.

“Ce-ce-celine ba-bago ako ma-magpaalam, gu-gusto kong ma-malaman mo na ma-mahal na mahal kita.”

Hindi ako nakapagsalita at nagpaalam na ngang tuluyan si Oscar.

“Oscar!!!!! Mahal na mahal din kita.”

Niyakap ko ng mahigpit si Oscar habang umiiyak. Wala akong magawa L Hawak ko siya bago siya mamaalam pero wala akong magawa para iligtas siya.

“Celine, may liham na ibinigay sakin si Oscar bago siya isugod sa ospital. Para sayo daw.”, sabi ni Sally.

“Sa-sa-salamat.”

Lalong tumulo ang mga luha ko ng mahawakan ko ang liham na para saakin. Pagbukas ko ay lalo akong napaiyak.

Para sa babaeng minamahal ko <3 :D

Hi Celine! Siguro habang binabasa mo to, magkahiwalay na tayo. Pero wag kang malungkot, wag ka ding iiyak. Ayaw kong nakikitang malungkot ka. Gusto ko lang sabihin sayo na first year high school pa lang tayo, minahal na kita. Apat na taon kitang nakikita at nakakasama araw araw pero ni minsan hindi tayo nagkaroon ng pagkakataong maging malapit sa isa’t isa. Kung inaakala mong si Erish ang gusto ko, nagkakamali ka. Pinagseselos lang kita kaso, wala namang epekto. Celine, gusto ko maging masaya ka lang palagi. Nagsisisi ako kasi naging DAKILANG TORPE ako. Nagsisisi ako na hindi ako gumawa ng mga hakbang para magkalapit tayo. Pero Celine, sana maniwala ka na ikaw ang mahal ko. Mahal na mahal kita Celine. Ikaw ang naging dahilan ko para mag-aral, magsikap at mangarap. Kahit hindi tayo naging malapit sa isa’t isa, lagi akong nakikinig sa’yo kapag nagsesermon ka sa klase =))Dahil sa’yo, marami akong natutunan. Sana matupad mo ang pangarap mong maging doktor. Alam ko namang kaya mo ‘yan. Hindi ko na kailangang sabihing magsipag at magsikap ka dahil alam kong alam mo na ‘yon. Ikaw pa, top 1 ka kaya ng batch natin =D  Masyado na atang mahaba, basta Celine, gusto ko maging masaya ka palagi kasi masaya na din ako sa kinaroroonan ko. Lagi mong iisipin na nandito lang ako palagi sa tabi mo, laging gagabay at magmamahal sa’yo. MAHAL NA MAHAL KITA CELINE :) I LOVE YOU SO MUCH.

Nagmamahal,

Oscar

Lalo akong napaiyak matapos kong basahin ang liham ni Oscar. Iningatan ko ng sobra ang liham na’yon. Nagsisi akong hindi ko agad sinabi kay Oscar ang nararamdaman ko. Nawala siya sa buhay ko ng hindi niya alam ang tunay niyang halaga sakin.

Pina-frame ko at idinikit ko sa pader ng kwarto ko. Nagsilbi iyong inspirasyon para tuparin ko ang pangarap kong maging doktor.

“Celine, anong balak mo?”, tanong ni Sally.

“Itutuloy ko ang pagdodoktor ko. Hindi lang para sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, hindi lang din para sakin, kundi para din kay Oscar.”

Natapos ang 10 taon at naging isang ganap na doktor na ako. Naging masaya ako sa piling ng pamilya at mga kaibigan ko at kahit na

-                                                                                                                                                     

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

Wala na akong ibang lalaking inibig pa.

LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon