Chapter 2
I was accepted. Thank goodness, I was accepted. Handa na sana akong kausapin sila Mom na hindi ako nakapasa kung sakaling hindi nga, i-co-convince ko sanang mag law na lang ako.
Saktong oras naman ako nakarating sa auditorium kung saan gaganapin 'yung orientation.
I didn't know where to seat at first pero sa dulo na ako umupo. Ang lamig dito sa auditorium. Tumatagos sa suot kong shirt 'yung lamig ng aircon.
I hugged myself nang makaupo.
Feeling ko may nakatingin sa akin. Dahan-dahang napalingon naman ako sa kanang bahagi ko. Dahil maliwanag sa loob ng auditorium, kitang-kita ko 'yung mukha niya.
"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko sa lalaking katabi ko.
Amused na napatitig siya sa akin. "Dito ako mag-aaral? Orientation? Bakit?"
Syempre, obvious naman 'yon. Pero bakit dito? Pwede namang sa iba na lang?
"Ikaw?" tanong niya rin kahit obvious na rin 'yung sagot. "Ginagawa mo dito?"
I frowned. "Mag-aaral din," sagot ko at tumuon na ang buong atensiyon sa harapan. Sa gilid ng mata ko, nagpipigil siya ng tawa.
That was stupid.
Sana pala sa St. Luke's na lang talaga ako nag-apply. Hindi ko maiwasan ang mapairap.
"Ang taray mo naman pala," the man beside me muttered but it was clear enough for me to hear it. Nilingon ko siya.
"Anong sabi mo?"
Kinunutan niya ako ng noo. "May narinig kang nagsalita?" tila hindi makapaniwalang aniya. Napakurap-kurap pa siya.
Ginagago ba ako nito? Oh my gosh.
He even roamed his eyes around. "You know, may multo raw dito, eh," sabi pa niya.
I groaned. I folded my arms on my chest and just focused my eyes in front. Ang tagal naman mag-start, naiinis na ako.
He laughed. "Hindi ka mabiro."
"Will you please shut your mouth na lang kahit for this moment lang?"
His lips parted.
Okay, that was a rude thing to say and I kind of felt guilty, but damn it.
"Okay, okay," he said and smiled. Napatingin na siya sa harapan at napailing-iling. "Geez, ang ganda nga ang taray naman."
Hindi ko na napansin 'yung nasabi niya kasi nagsimula na 'yung orientation and nagsalita na 'yung facilitator sa harap, thank goodness.
***
Nagmamadaling nagsuot na ako ng sapatos. Hindi pwedeng first day of school late ako. First day of med school. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa loob ng halos four or five years ng buhay ko sa loob ng med school.My breathing wasn't normal. I really couldn't breathe just by thinking what could happen to me in med school.
What if I fail?
I won't just fail as a student but I'll also fail as a daughter.
I'll do the best I could, kaya pag-aaral lang ang aatupagin ko sa med school, there would be no room for failure and especially love life, no distractions at all. I can endure another four years of stress and depression alone naman siguro.
I fumbled for my keys inside my bag. Agad na ni-lock ko 'yung pinto ko at saktong bumukas naman ang pinto ng kabilang unit at lumabas ang isang matangkad na mestizong lalaki.
BINABASA MO ANG
Taking The Risk (Risk Series #1) (UNDER MAJOR REVISION)
Romance(Risk Series #1) Paulina Louisette Bautista just wants to finish med school and satisfy her parents' expectations of her. Med school wasn't really her first choice, she wanted to become a lawyer but her parents wouldn't let her. Frustrated and stres...