FOURTY-NINE

962 17 3
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

||Jhen: Sorry for the late update, pipol. Pero dahil tapos na ang aming mala-roller coaster na title hearing, I'll try my best to update as many chapter as I can every week. Anw, enjoy reading 😘||

"Kenzie."

Tumayo ako at naglakad palapit sa kaniya.

"Dada, kanina ka pa?" Kabado ako pero hindi ko pinahalata.

Wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya, sa halip ay mas lalo lang sumeryoso ang kaniyang mukha niya habang nakatingin sa akin.

Binuksan niya ang pinto sa passenger seat nang walang pinagbago ang reaksyon ng mukha.

"Get in," he said, coldly.

"But I brought my car-"

He didn't let me finish my sentence. "I said get in the car," matigas, seryoso niya iyong sinabi sa akin.

"P-pero magpapaalam muna-"

"I said, get in the car, Sheena!"

Napaigtad ako nang pasigaw niyang pinutol ang sasabihin ko.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng shoulder bag ko. Mas tumitindi ang kaba ko sa pinapakita at trato ni Kenzie sa akin ngayon. Ngayon lang siya naging ganito sa akin. Ngayon niya lang ako nasigawan at ngayon lang siya nagpakita ng galit sa akin. Nakita nga siguro niya ang ginawa ni Darwin.

"Dude, what's the matter?" Hindi ko namalayang lumapit si Darwin sa amin.

Nilingon siya ni Kenzie. Nakita ko kung paano tumiim ang bagang niya habang sinasalubong ng tingin si Darwin. Ilang minuto silang nagsukatan ng tingin bago umiwas ng tingin si Darwin at bumaling sa akin.

"Is everything alright, Sheena?" tanong niya sa akin.

"Please, Darwin. Huwag ka ng makialam," I plead.

Galit si Kenzie ngayon, at alam kong mas lalala ang sitwasyon kung makikialam siya. Lalo pa't hindi ko alam kung paano pakakalmahin si Kenzie gayong ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng ganito.

"Sheena!"

Napaigtad na naman ako dahil sa bulyaw ni Kenzie.

Tumingin ako sa kaniya. I was about to plead na kumalma siya pero nakasalubong ko ang nag-aapoy sa galit niyang mga mata.

"Get. In. The. Car. Now!" he said through greeted teeth.

Dahil sa takot ko na baka mas lalo siyang magalit kapag nagmatigas ako, agad akong pumasok sa kotse.

Malakas niyang sinara ang pinto na nagdulot ng bahagyang paggalaw ng kotse. Mabilis siyang umikot sa driver's seat at agad itong pinaandar.

Napasandal ako sa sandalan ng upoan at napahawak ng mahigpit sa magkabilang gilid ng upoan dahil sa sobrang bilis niyang magpatakbo. Halos lumagpas na ito sa speed limit pero mukhang wala siyang pakialam. Nagdidilim ang mukha niyang nakatingin sa daan. Ang mga kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa manibela.

"K-kenzie, da-dahan-dahan naman sa p-pagpapatakbo-"

Pinutol niya ang sasabihin ko. "Shut up!" And that shut me up, automatically. "What the hell was that?!" tiim-bagang niyang tanong.

Nakahawak na ako sa seatbelt nang tumingin sa kaniya. "What?"

"Who was that guy? Why the f*ck did he feed you?!" Punong-puno ng galit ang boses niya.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon