Epilogue

22 3 0
                                    


Epilogue


"Nandiyan na ang bride!" Sigaw ng organizer. Kaagad na nagmamadaling nagpuntahan sa sari-sariling upuan ang mga inimbitahang dumalo para sa araw na 'to. Nagsimula na ring tumugtog ang kanta na siyang personal na pinili ni Jane para sa paglakad niya tungong altar. It was her favorite song ever since.

This I Promise You by 'N Sync, but today, it was played acoustically.

Everyone is smiling. They are all happy that we end up together specially our friends. Ako lang yata itong hindi makangiti sa kaba para sa araw na ito.

Makailang beses akong nagbuntong hininga at paulit-ulit na inayos ang suit ko. Nangangatal ang kamay ko sa kaba. Paulit ulit akong humihinga ng malalim at pasipol na inihihinga iyon. Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko.

"Relax. Halatang kabado ka." Natatawang ani ni Gelo A.K.A Lanz, ang aking best man. I tilted my head and sighed again.

"Parang hinahalukay ang tiyan ko." Muli siyang natawa saka tinapik-tapik ang balikat ko.

"Normal lang siguro 'yan. Baka kasi biglang magbago ang isip ng bride mo at takbuhan ka mamaya bago pa man siya mag-I do." Pang-aasar niya. Kaagad ko siyang sinamaan ng tingin. Taas noo akong humarap sa kaniya. Iyan ang hindi magagawa sa akin ni Jane, sigurado ako riyan.

"Gago." He chuckled. Umiling-iling nalang ako at saka tumingin na sa may pinto at pinanood ang mga abay na nagsisimula nang maglakad papasok ng simbahan. I feel so overwhelm seeing Jane and I's family and friends walking in the aisle with a smile on their faces. Their suit and dresses just made our wedding perfect. I sighed to calm my beating heart. 13th day of October. This is the day I'm going to claim her as officially mine.

Simple lamang ang aming kasal. Iyon ang hiling niya sa akin. She wants our motif to be the combination of dusty blue and deep red, nagtataka ako dahil hindi naman niya paborito ang kulay na iyon pero dahil maganda rin naman ang kombinasyon at iyon ang gusto niya ay pinabayaan ko nalang. Kaunti lamang ang bisita at tamang malalapit lang.

I let her decide in everything; the gowns, guests, reception, invitation, lahat. I let her organize everything according to what she wants. That's all I can do for her as a payback for saying yes to me. Sapat na sa akin ang kaalamang magpapakasal siya at handang magpatali sa akin. I'm beyond happy for that.

"After this day, opisyal na pamilyado ka na. Gago pre, akala ko ba magpa-pari tayo? Iniwan mo ako sa ere." May hinanakit na bulong ni Lanz kapagkuwan. Kaagad ko naman siyang siniko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sa dami mong babae, naghahangad ka pang mag-pari? Tigilan mo nga ako." Lanz chuckled.

"Mabait kaya ako." Kaagad akong umingos. "Sa sobrang bait mo raw, kukunin ka na ni Lord." Ani ko. Kaagad siyang sumimangot.

"Magkatotoo naman 'yan! Kumatok ka sa kahoy!" pabulong na singhal nito sa akin. Napailing-iling nalang ako at hindi na siya pinansin.

Today is my wedding day. I can't help but to smile at it. Hindi ko alam kung anong mabuti ba ang nagawa ko sa buong buhay ko at nabigyan ako ng napakagandang biyaya na katulad nito. Jane is like my safe place. Noon pa man ay komportable na ako sa kaniya kaya mabilis kaming nagkasundo pero hindi ko akalaing aabot kami sa ganito. It was like cupid played with us, and I am so thankful because of it.

Unti-unting naalis ang ngiti sa mga labi ko nang muling magbukas ang pinto ng simbahan. Doon ay unti-unting sumilay ang babaeng mahal na mahal ko kasabay ng pagpasok ng chorus ng kanta. Kaagad na napako sa akin ang mga mata niya. Then she smiled at me so bright that I want to cry out of happiness.

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now