Ang paglikha ng tula
Ay parang gawaing bahay
Nangangailangan ito ng lakas
At oras
Kailangan gawin ngayon
Hindi pwedeng ipagpabukas
Hindi pwede sa hindi interesado
Dapat alam mo kung paano mo sisimulan
At paano tatapusin
Parang pagwawalis
Na kailangan mong mailabas ang mga kalat
Kahit pa
Makita ng kapitbahay niyo
Kung gaano karumi
Parang paglalaba ng mga maruruming damit
Paghiwalayin mo muna ang puti sa dekolor
Tulad ng paghihimay ng naangkop na mga salita
Parang paghuhugas ng mga plato
Hindi na kailangang magturuan
Kung sino ang gagawa nito
Hindi pwede padabog
At baka may mabasag ka
Parang pagdidilig ng halaman
Hindi pwedeng kulang
Hindi rin pwedeng sobra
Makaligtaan mo man gawin ngayon
Gagawin mo pa rin kinabukasan
At sa pagkagat ng dilim
Ay magsisilbing harana ang mga naisulat na
Panghele sa aking prinsesa.
YOU ARE READING
The Hidden Poet
PoesíaA compilation of self made poetry that came out from my head during tough times, boredom and specially in time that I'm in love with someone else.