Nasa Ulap Lamang Ang Hindi Pa Naisusulat Na Mga Tula

10 2 0
                                    

Minsan talaga dahil sa madalas na tayong tulala 

Ay nasa ulap lamang ang hindi pa naisusulat na mga tula

Nalimutan na ng maharot na isipan ang tumingala

Naghihintay lamang na bigkasin at paglaruan ng dila.


Minsan ding ninais na ang alindog mo ay maitipa

Pambihira mong taglay na sa ay humalina

At tuwing maririnig ko ang iyong tawa

Para bang dinidilaan ang aking mga tenga.


Minsan kong nilingon ang bulong ng mga tala

Narinig ko'y pagsiklab ng digmaan ng mga bathala

At ikaw ang bumulabog at nagpa-init nitong hiraya

Paalala na tayo'y ipinanganak na may isip na malaya.


Minsan ko pang-ilalahad ang pagtatangi ko sa aking bawat likha

Na ikaw ang laman, ang luntian at pagkamangha

Hayaan mong tangayin ng harana sa langit ang ating mga paa

'Pagkat nasa ulap lamang ang hindi pa naisusulat na mga tula.

The Hidden PoetWhere stories live. Discover now