Synopsis

14 3 0
                                    

Losing game.

"Your highness, the king wants to talk to you." I'm removing my gloves nung dumating si vanessa ang inatasang bantayan ako na tinuring ko naring kaibigan. "Really? where is he?" Inalis ko ang paningin sakanya at tumingin sa repleksyon ko sa salamin.

"Nasa hukuman po ang inyong ama your highness," tinignan ko naman si vanessa mula sa salamin. Napakunot ang noo ko ng makita ang nag aalala nitong mukha. Kinabahan ako dahil doon kaya dali dali akong sumama kay vanessa papunta sa silid ng hukuman.

Anong ginagawa ni ama sa room of judgement? May nagawa ba akong hindi maganda?

Halos alalahanin ko ang mga nangyare ngayong linggo ngunit wala akong matandaan na ginawa kong ikakagalit nya. I'm about to ask vane pero wala na sya sa tabi ko. Nakita kong nauna na itong pumasok sa hukuman at ng makalapit ako naunang yumuko ang dalawang guwardya na nag babantay sa labas bago ako pag buksan ng pinto.

Hindi ko sila pinansin dahil sa kaba. Una kong nakita si ama na napatingin sa gawi ko, mabagal akong nag lakad papunta sa harap habang nakayuko. Nakakatakot ang ekspresyon ng aking ama ngayon. Kung may nagawa man ako malamang ay malaki iyon. Habang papalapit ng papalapit ramdam ko ang bigat ng presensya na nilalabas ni ama.

"hera anak," nakayuko padin ako nang makarating sa tabi ni ama. "umayos ka ng tayo at pag masdan ang rebelde na pumatay sa iyong ina." walang ano ano'y napaayos ako ng tayo sa narinig. Una kong tinignan si ama na ngayon ay nakangiti na. Hindi ito yung ngiting masaya kundi isang ngiting nakakatakot.

Doon ko lang nalaman na pinalilibutan ng daang gwardya ang silid at mayroon pang nakambang pana sa itaas. Sinundan ko ng tingin ang tinuturo ng pana at parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng mag tama ang paningin namin.

Anong kalokohan ito?

Kahit natatakpan ng sugat ang buo nyang mukha hindi ako maaring mag kamali na 'sya' iyon. iba't ibang emosyon ang dumaloy sa aking sistema habang pinapanood kung gaano ito nahihirapan dala ng marami nitong sugat.

"Bilang susunod na reyna," panimula nito, binalot naman ng kaaba ang aking sistema."ito ang iyong huling misyon" nakita ko kung paano unti unti nabu-buo ang pana sa kaliwang kamay ni ama. Parang pinasan ko naman ang langit at lupa ng i-abot nya ito saakin.

The bow of athena. Tanging ang uupo sa trono lamang ang makakahawak. At ngayon ang pag kakataon para mahawakan ko iyon, hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon ko ito mahahawakan.

Wala sa sariling tinanggap ko iyon at dahan dahang lumipat ang tingin sa gitna kung saan nakaluhod ang isang lalakeng sugatan at walang kalaban laban.

wala akong ibang marinig kundi ang lakas ng tibok ng aking puso. Maraming tanong ang dumadaloy sa aking isipan ngunit alam kong kahit kailan ay hindi na iyon mag kakaroon ng kasagutan sa oras na pakawalan ko ang bala ng pana sakanya.

Batid ko ang sumpang dala dala ng aking trono. At iyon ang responsibilidad bago ang puso.

Huminga ako ng malalim at marahang tinutok ang pana sakanyang dereksyon.

"ano pang ginagawa mo hera? gawin mona ang kailangan mong gawin"

Deretsyo itong nakatingin saakin at ganon rin ako sakanya. Hindi ko alam kung sya ba talaga ang pumatay kay ina ngunit isa padin syang rebelde batay sa malaking marka nito sa kaliwang dibdib na noon ay hindi ko nakita. Malamang sinadya nya ito upang tuluyang makuha ang loob ko. At hindi sya nabigo...

It was the time when I felt my heart stopped beating for a second, as I released the arrow and goes directly to his head.








Amarte es un juego perdido

⤝  ⤞

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. ... This novel's story and characters are fictitious.

Khisfire Academy is available on my LuneaZ account, I'm just using this account to promote the story. Thank you in advance kung susuportahan nyo po ito!

I would love to hear your suggestions to improve my story and I'm accepting critizations, but in moderate. That's all Have a nice day folks.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Khisfire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon