Episode I- Sanib

1.7K 47 2
                                    

"Shen, ano ka bang bata ka. Bumaba ka nga dito!" Malakas ang boses na sita ni Aling Jesusa sa anak na walong taong gulang.

Nabungaran niya kasi itong nakasampa sa ibabaw ng puno ng kamatsili sa likurang bahagi ng kanilang bahay. Lumingon naman ito sa kanya. Ngunit parang wala itong narinig na umupo pa sa isang sanga at inilawit pa nito ang mga paa. Lumingon naman ito sa bandang kaliwa at kumibot kibot ang bibig na parang may kinakausap. Lalo namang ninerbyos ang butihing ginang.

"Damiaaan! Damian halika dali..."

Humahangos namang dumating ang kanyang tinatawag. Ang kanyang asawa.

"Bakit ba para kang nasunugan kung makasigaw? Huh Jesusa?" Hinihingal pang tanong nito sa kanya.

"Tumingala ka sa kamatsili ng malaman mo kung anong isinisigaw ko." Naiinis na palatak niya.

Ayaw niya na kasing tumingala at lalo siyang ninenerbiyos sa anak niya. Nakatalikod siya sa puno. Tumingala naman ito tulad ng sinabi niya. At ganun nalang ang pangungonot ng noo nito ng balingan siya.

"Ako ba Jesusa pinaglololoko mo? Ano namang pwede kong makita diyan na maari mong ikataranta, huh?"

"Ano pa eh di yang-

Di niya na naituloy ang dapat sana'y sasabihin dahil sa nakita. Walang tao sa puno. Wala ang anak niya doon. Pero alam niya. Kitang kita niyang nakaupo ito doon kanina. Tumingin pa nga ito sa kanya. Parang gusto tuloy manlaki ng ulo niya sa di sinasadyang paggapang ng kakaibang kilabot sa katawan niya. Iniwan naman siya ng asawa habang nakatulala parin sa harap ng mayabong na puno.

"Pssst..."

Agad ay parang nanlaki ang tenga niya sa narinig. Hindi lang kasi iyon basta sutsot dahil ang sumusutsot ay parang nasa may tenga niya lang.

"Pssst..."

Sutsut ulit nito ng hindi parin siya lumilingon. Parang gusto niya ng manginig sa takot. Gumawa siya ng isang hakbang paatras ng hindi lumilingon. Wala siyang nabangga kaya humakbang pa siya ng isa pa.

"Pssst..."

May sumutsot ulit. Pero ngayon ay parang nasa puno na. Parang gusto niyang ipikit ang mga mata. Nakaharap kasi siya sa puno.

Dugdog...

Dugdog...

Dugdog...

Ang bilis ng tibok ng puso niya. Huminga siya ng malalim. Pagkatapos ay agad siyang pumihit patalikod sa puno.

"Ahhhhhhhhh..."

Isang nakakatulig na sigaw ang kumawala mula sa lalamunan niya. Nang ang bumungad sa kanya ang isang babaeng nakatiwarik. Ang mga paa nito ay nakakakapit sa sanga ng puno.

"Mama"

Tuluyan siyang nawalan ng ulirat ng dahil sa narinig na itinawag nito sa kanya.

***

"Mama? Mama gising na po kayo!"

Ang tuwang tuwang mukha ng anak ang bumungad sa kanya pagkagising niya. Bigla naman siyang napasiksik sa sulok ng kama ng maalala ang eksena kanina.

"Bakit po, Mama?" Bakas ang pagtataka sa boses nito. At ang hinanakit ay mababanaag din sa inosente nitong mga mata.

"Shen, ikaw ba talaga yan?" Nag-aalangang tanong niya dito.

"Opo. Bakit po?"

Walang anumang salitang namutawing agad niya itong sinugod ng yakap. Ang kanyang mahal na anak. Ano ba talagang nangyayari? Ito ba talaga ang nakita niya kanina?

SUMIGAW TUMAKBO MAGTAGO IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon