"Tabi!" Pahaba kong sigaw.
"Teka!" Huminto ako sa pagtakbo nang bigla akong harangan ng ka-klase ko. " What's the password?" Nico grinned at me. Napapadyak ako sa inis nang makalayo na si Haeckel. Hampas lupa nito! Hindi ko na tuloy 'yun mahahabol!
"Ahm, Nico gwapo?" Napipilitan kong sagot. Napatawa s'ya pero umiling din kalaunan. Loko nito! Iyon naman ang narinig kong sagot ni Klarisse kanina ah?
"Mali! Expired na 'yan!" Sigaw n'ya. Ramdam kong umusok ang ilong ko nang makitang malapit na si Haeckel sa yaya n'ya na naghihintay sa gate. Hinawakan ko ng mahigpit ang rosas sa kamay ko.
"Ah, please!" I answered. Tumawa lang s'ya ng malakas.
"Hindi parin!"
"Edi hulaan mo din password mo para mas masaya!" Sigaw ko at itinulak s'ya pagilid. Mabilis akong tumakbo para mahabol si Haeckel. Grade 3 pa lang kami noong crush ko na s'ya. Sabi ni Mommy binigyan daw s'ya ng flower noon ni Daddy nang nanligaw s'ya dito.
Grade 4 na ako at anniversary namin ni Haeckel ngayon.
Perfect match kami! Sabi ng petals ng flowers na kinalbo ko, Haeckel loves me daw! Tinry ko na din sa flames at married and lumabas! Sa candles lang naman ang paepal eh, friends lang daw kami. Sa flames lang din naman ako maniniwala.
"Haeckel! Hintay!" I shouted. Napalingon s'ya sa gawi ko kaya nakita ko na naman ang malasingkit n'yang mata. Matangos ang ilong n'ya at may parang hiwa sa pang-ibabang labi n'ya. Hindi s'ya ngumiti pero huminto naman s'ya sa paglalakad habang hawak ang bag n'ya. Maayos pa rin ang bangs sa noo n'ya.
Nangingiti kong iniabot ang bulaklak sa kanya.
"Para sa'yo to!" Abot ko sa rose. Pinabili ko pa yan kay Daddy kahapon, sabi ko ibinigay ko kay teacher dahil birthday n'ya ngayon. Pero kay Haeckel ko talaga ibibigay.
Tinignan lang ito ni Haeckel at hindi kinuha.
"What for?" Tipid at suplado n'yang sabi. Nahihiya akong umiwas ng tingin sa kanya.
"H-hulaan mo!" Walang kwenta. Ang totoo wala lang talaga akong masabi. Ang daldal ko sa classroom pero tiklop ako pagdating sa kanya.
"C-crush kita!" Mahina kong sabi. Nakita ko ang pagtaas ng kilay n'ya. Kinakabahan ako at nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. I felt like I am about to cry, dahil iyon sa kaba.
"If I'll accept your flower, what would that mean?" Suplado n'yang sabi ulit. Napatitig ako sa makapal n'yang kilay. Ang gwapo n'ya talaga.
"A-ah, kailangan bang may meaning?" Inosente kong tanong. Ang alam ko tinanggap ni Mommy ang flowers ni Daddy noong pumayag na s'yang manligaw kay Mommy.
Ganoon kaya ang ibig sabihin ni Haeckel?
"I'll go home." Bored n'yang sabi at akmang tatalikod nang hinila ko ang pangadjust sa strap ng bag n'ya.
"Ibig sabihin, gusto mo din ako!" Nakangiti kong sabi at muling iniabot ang bulaklak sa kanya. I am confident, especially that our classmate told me, umamin daw si Haeckel na ako ang crush n'ya. O baka fake news?
Hindi pwede! Sayang ang flames ko!
"Then, hindi ko tatanggapin 'yan." Suplado n'yang sabi at inirapan ako. Napawi ang ngiti ko.
"P-pero sabi nila, crush mo rin daw—"
"Si Hazel ang crush ko. Nangongopya ka, Amari hindi ka kagaya ni Hazel." Saad n'ya at umalis na lang. Bumagsak ang luha sa mga mata ko at umiyak. Tumakbo ako sa classroom at nagsubsob sa desk ko.
BINABASA MO ANG
Blaming the Flames
Teen FictionFirst installment of Elementary series. Flames. The first thing that comes to people's mind is fire, beautiful but painful. It represents a sense of superiority and control. Many cultures view flame as a symbol of wisdom and knowledge. But for the...