Episode II- Chain Message

1.3K 33 0
                                    

Si Aya ay kabilang sa mga taong masasabi mong hindi naniniwala sa Diyos. Saksi kasi siya sa hirap na sinapit ng mga magulang niya nung nabubuhay pa ang mga ito. Sabay ding namatay ang dalawa dahil narin di na kinaya ng mga ito ang kalupitan ng mga tao sa paligid nila. Sila nalang dalawa ng ate niya ang magkasama ngayon sa buhay. Relihiyosa ang ate niya taliwas sa kanya na ni hindi ata alam kung saan ang daan papuntang simbahan.

"Aya, magsimba ka nga kahit minsan ng di puro kung anong masasamang bagay ang pumasok diyan sa kukute mo."

"Bakit Ate pagnagsimba ba ako mababago ng Diyos mo ang kapalaran natin? Bakit maibabalik niya ba ang buhay nina Tatay? Hindi naman diba? Kaya wag mo akong piliting sumamba dyan sa Diyos mo!" Natulala nalang si Aisa sa sinabi ng kapatid na si Aya. Ulila na sila at simula noon hanggang ngayon ay nirerespeto nila ang paniniwala ng isa't isa bagama't gusto parin niyang kilalanin ng kapatid ang Diyos na sinasamba niya.

Kinabukasan ay wala silang imikang magkapatid dahil sa naging pagtatalo nila ngunit sabay parin silang pumasok sa trabaho. Nasa jeep sila ng bigla nalang hawakan si Aya ng isang matandang babae sa tapat nila.

"Ineng, mag-iingat ka napakaitim ng aurang bumabalot sayo. Wag mong kakalimutang tumawag sa Itaas para-

"Baliw! Wala akong balak makinig sa mga seremonyas mo!" Anang kapatid niya sabay tabig sa kamay ng matanda.

"Mama para!" Sigaw nito sa driver na agad namang pinahinto ang jeep.

"Aya, bababa ka na? Malayo pa tayo, ah."

"Dito nalang ako. Ayokong makasakayan sa jeep ang mga tulad mong baliw!"

Tuluyang bumaba si Aya kahit pa pinigilan siya ng ate niya. Tinanaw niya na lang ang papalayong jeep. Nainis pa siya lalo dahil nakatingin parin sa kanya ang matanda.

"Bwisit na matanda tinakot pa ko! Kailangan ko tuloy mag-abang ulit ng jeep." Hindi naman talaga niya ugaling matakot sa mga sinasabi ng iba. Pero hindi niya alam kung bakit nagbigay sa kanya ng kakaibang kilabot ang sinabi ng matanda. Buong araw ay iyon ang tumatakbo sa isip niya kaya wala siyang nagawang maayos na trabaho. Hanggang uwian ay nakatulala lang siya.

"Hoy Aya anong nangyayari sayo?" Nagulat pa siya ng magsalita ang katrabaho niyang si Sonia na nasa gilid niya na pala ng di niya napapansin.

"Ano ka ba naman bakit ka ba nanggugulat, huh? Sita niya dito.

"Nanggugulat? Hello, kanina pa kaya ako dito. Duh, salita nga ako ng salita tapos di mo naman ako pinapansin." Nakalabing turan nito. Sinamaan niya lang ito ng tingin dahil nairita siya sa kaartehan nito. Hanggang makauwi siya ay di parin siya mapakali kaya panay parin ang mura niya sa matanda. Kung di kasi dahil sa sinabi nito ay di sana siya magkakaganito. Wala pa ang ate niya pagdating niya sa bahay kaya naisip niyang sa labas nalang maghapunan.

Kumakain na siya ng tumunog ang cellphone niya. Ang ate niya ang nagtext at sinabing malalate daw ito ng uwi dahil mag oovertime.

"Kahit di ka na umuwi." Wika niya na parang nasa harap niya ang pinagsasabihan. Ibabalik niya na sana ang cellphone niya sa bag niya ng mapansin niyang may isa pa siyang di nababasang mensahe. Nilabas niya ulit ang cellphone at binasa ang text.

"Ang araw na ito ay ang babang luksa ng isang babaeng inalay ng mga kaanak niya sa demonyo. Ipasa ang mensaheng ito sa lahat ng nasa phonebook mo kung ayaw mong sapitin ang sinapit niya .Meron kang hanggang mamayang hating gabi para gawin ito kung ayaw mong magdusa sa pagbaliwala mo." Iyon ang nakalagay sa mensahe.

"Ba't ba ang daming baliw?!" Naiinis na tili niya. Pinagtinginan pa siya ng mga kasamang kumakain ngunit sinamaan niya lang ng tingin ang mga ito. Naiinis na umuwi na siya sa bahay nila. Nagtaka pa siya kung bakit nakabukas ang ilaw samantalang pinatay niya iyon bago umalis. Naisip niya nalang na baka ang ate niya ang dumating dahil nabago ang schedule nito. Pumasok siya sa loob ng kwarto niya at nagtaka siya lalo ng bukas ulit ang ilaw niya sa loob.

SUMIGAW TUMAKBO MAGTAGO IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon