1 - ENGINEERING NIGHT

2 0 0
                                    

🎵 I smell like a minibar
DJ's passed out in the yard
Barbies on the barbecue
This a hickey or a bruise?🎵

"Kailangan na natin siyang makita bes! Anuna? Babagal bagal ka pa dyan! Matatapos na itong engineering night!" Sigaw ng bessie kong si Aby.

Abygail Cortez - 4th year College student taking a degree of Bachelor of Science in Industrial Engineering. Also, the popular well-knowned president of our dept. Maganda, sexy, and matalino pa. Ano pa ba hahanapin niyo? Arat na! Char. Pero single yan! 😉

"Nakakahiya bes anukaba! Wag na lang" sabi ko sa kanya na medj nahihiya-hiya pa, nilalakihan ko pa sya ng mata. Nakakahiya naman kasi talaga.

"Haler bes! Ang mundo ay isang malaking quiapo, madaming snatcher, mauunahan ka! Kaya tara na!! Lezgo!"

And another thing, si Aby, adik yan sa panunuod ng movies and teleserye. Filipino, western, kahit bollywood. Talo talo na. Hahahaha

* Last Friday night
Yeah, we maxed our credit cards
And got kicked out of the bar
So we hit the boulevard *

"Tara na! Tara na! Yun sya oh! Yiieee lezgo na!" Hinila niya pa ako.

"Wag na lang kakahiya bes!"

"Pssh. Hiya hiya ka pang gaga ka! Hahaha love life na itu. Anuna?!"

* Ripped my favorite party dress
Warrant's out for my arrest
Think I need a ginger ale
That was such an epic fail *

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sino bang hindi kakabahan? Eto na oh! Ang lapit ko na sa crush ko. Shemay! Tanging tibok na lang ng puso ko naririnig ko.

*dug dug! Dug dug!*

Haaaa! Omg. Hindi ko to kakayanin. Takbo na lang kaya ako paalis? Naka heels nga pala ako. Baka matapilok lang ako.

Masakit tyan ko? Hindi naman maniniwala yung bessie ko, alam nyang wala akong dahilan para sumakit tyan.

Mahimatay? Sino sasalo sa akin kung sakali? Paano kung magtumba ko, tumama yung ulo ko sa sahig? Mabagok ako? Ma-comatose? Mamatay? 😱 OMG. No!

"Oy Matteo! Busy ka ba? Picture naman kayong dalawa ni River. Okay? Sige na sige na. Go! Closer!" Saad ni aby habang nagpipigil ng tawa.

Gaga talaga.

"Closer please!" Sabi ni aby.

Pinanlakihan ko lang sya ng mata. Shet. Ayaw bang tablan ng hiya tong si aby?

"1-2-3.. ulit nga! Hindi maayos e. Ikaw river, umayos ka. Hmp."

Pwede bang manakit ng kaibigan? 🤔

"Okay na. Thank you Matteo ha. Si river pala. River banks. Hahaha char. River Santiago - classmate and bessie. Section A. Ito oh."

Abot ni aby ng papel kay Matteo.

Huh? Ano yun? Omg! Baka gumawa to si gaga ng fake love letter. 😱

Hahablutin ko na sana yung papel kaso naunahan ako ni Matteo. Then, tumingin sya sa akin. Yung tingin na "huh? Anu to? Bakit ayaw mo ipabigay" look.

Napangiti na lang ako ng so awkward. As in. A W K W A R D!! 😬

"Registration form. Para mas madali syang mahanap. Bayyiii" sabi ni aby. Sabay hatak sa akin papalayo.

W T F?! Reg form?

"Oy. Babaita, kaninong reg form yun? Original? Gaga ka, hindi ko pa tapos papirmahan yung reg form ko. Baka hindi mapirmahan clearance ko, bakla!"

"Wag ka magalala bes. Photocopy lang yun ng reg form mo. Tsaka wag ka maagang magassume na gagamitin nya talaga yun. May picture na nga gusto pa puntahan sya. Ay sus! Assumera much ha" tumawa lang sya ng malakas.

"Aba..."

Ito na lang ang tangi kong nabanggit. Aba. Bastos tong babaitang ito. Kung hindi ko lang ito bes. Hinatak ko na buhok nito. Jk. That's bad. No to violence.

"Ano na River? Dyan ka na lang? Tara na. Dito tayo sa mga classmates natin. Mukha kang tuod dyan bes. Lezgo!"

---

Matteo's POV

"Aba. Aba. Love letter ba yan? Iba talaga ang mukhang matteo. Tsk. Tsk. May papaiyakin ka na naman." Pangungutya ni Gabriel sa akin

Napangisi na lang ako ng makita ko yung papel na inabot sa akin ni Abygail.

"Reg form to gago. Reg form ko. Pinaprint ko lang sa kanya. Sakto nadala nya ngayon. Utak mo talaga e nu."

"Sus. Kilala kita teo. Kahit utot mo alam ko kahulugan. Hahaha"

"Loko. Dun ka na nga sa mga babae mo." Panunukso ko din.

"Sandali nga Teo."

"Ano na naman ba gabriel?"

"Buong buo talaga ha? Pero maiba ako, si aby? Bet ka nun? E akin yun pare e. Akala ko ba walang talo-talo. Bebeloves ko yun e."

Nagpa-puppy eyes pa sya habang naka pout.

"Hindi bagay sayo. Wag kang magalala pare. Sayong sayo si aby." Sabi ko. Well, maganda naman si aby, matalino, sexy, elegante. Pero kay gab na yun. At hinding hindi ko tataluhin tong kaibigan ko.

"Yun. Usapan yan ha. Kapag malaman ko lang. Ikikiskis kita sa muscles ko. Hmp. Hmp."

Nagflex pa sya ng biceps nya. Baliw talaga.
Iniwan  ko na lang sya dun. Narinig ko pang tinawag nya yung pangalan ko pero, pabayaan mo sya. Malaki na sya.

"River Santiago." Napangiti na lang ako pagkatapos kung mabanggit yung pangalan nya.

"Tsk. Tsk. Kalalaking tao, kinilig." Napailing na lang ako sa sarili ko.

* Last Friday night
Yeah, I think we broke the law
Always say we're gonna stop, whoa
But this Friday night, do it all again. *

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

From StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon