Growing up, I never asked anyone for anything. Kung may maibibigay sila sa akin, salamat.
Kung wala? Ayos lang.
Anything's fine for me.
I take anything whatever they could give me and be fine with what they cannot.
All the good things in life, I didn't think I deserved them.
Marami namang iba d'yan na mas karapat-dapat para sa mga magagandang bagay na 'yan.
In times that I receive something and someone tells me that I deserve it, I do not believe them.
I smile anyway and say my thanks.
I know I wasn't worthy of anything... but I wished for her.
Pangarap ko siya, pero hindi ako papayag na hanggang pangarap lang.
It started with a puppy crush. Bagong lipat ako sa UGA noon, Grade 4 palang siya. Ang bata bata ko pa noon kaya hindi ko alam na crush na pala iyon.
Nakikita ko kasi siya na palaging dinadaanan ang classroom namin dahil ito ang pinakamalapit sa gate.
Hanggang ngayon, bawat umaga, ang makita siya ang dahilan kung bakit ang aga ko palaging pumapasok.
Siya ang unang-unang nagustuhan ko sa buong buhay ko at wala talaga akong interes sa iba.
Siya lang talaga, pero masyado pa akong bata para sabihin iyan.
"Maldita daw 'yan, Lai. Pero ang ganda, 'no?" sabi ni Anika sa akin nang napansin niya na sinundan ko ng tingin 'yung Grade 6 na si Gemini Costales.
"Wala naman akong balak na kausapin siya."
Nagagandahan lang naman ako.
I've also seen her snob ang reject a lot of boys. Ayaw kong matulad sa kanila. Nakakahiya... at tsaka kapag tinanggihan niya na ako, parang hindi ko magugustuhan ang pakiramdam.
Maldita daw siya. Iyon na lang ang inisip ko para hindi ako magkamali na kausapin pa siya dahil baka matarayan lang ako.
Kaya hindi ko akalain na makikita ko siya dito ngayon sa quadrangle.
Nasa P.E. class ako at natatanaw ko sila na nakaupo sa harap ng faculty.
Mukhang natutulog iyong isa sa mga kaibigan na palagi niyang kasama. Gia yata ang pangalan ng kasama niyang ito.
Tumigil akong sumabay sa ginagawa ng klase at pinanood lang sila. Hindi naman nakatingin sa akin ang teacher.
Nagulat ako nang bigla siyang pumunta sa direksyon namin.
Agad akong nagtago sa likod ng pinakamalapit na kaklase. Ang mga nakapansin sa babaeng palapit sa amin ay tumingin sa akin nang makahulugan.
Kalma lang.
Kalma.
"Teacher!" tawag niya sa P.E. teacher namin.
Lahat kami ay napatingin sa kaniya pero parang wala lang sa kaniya ang dami ng atensyon na naaagaw niya.
Sobrang lakas kaya ng presensya niya.
"Can you help me go inside the faculty? My friend is really sick and she really has to go to the clinic, which we couldn't do without a permit from our adviser."
Nag-excuse muna ang teacher namin para samahan si Gemini. Nagsaya ang mga kaklase ko dahil makakapagpahinga kami ng ilang minuto bago bumalik sa exercise na pinagagawa sa amin kanina.
"Uuuy, si Nikolai, nakita na naman ang crush!" pang-aasar ni Anika na ginatungan ng iba pa naming kaklase. Nabalot ang buong quadrangle ng ingay ng pang-aasar nila sa akin.
BINABASA MO ANG
Hiding Behind the Lenses (Arte del Amor #3)
RomanceNichole Malachi, or Nikolai as his friends call him, fell in love at an early age and had his heart broken by her. It hurt him terribly, that he thought nothing could ever bring him down, not anymore, but he was wrong to believe so. He lived through...