Three - Angelo

16.1K 351 7
                                    

Three

Angelo

 

Buong araw akong naglibot sa karatig bayan ng araw na iyon, sinadya ko talaga iyon para hindi ko makita ang kahit anino o presensya ng gagong yun.

May nakita akong isang key-chain na gawa sa kahoy, kaagad na pumasok saaking isip si Bernice ng dahil lang doon. Tiyak akong magugustuhan niya ito. Sigurado

“Manang magkano po ang isa?” tanong ko.

“Fifteen lang ho ang isa niyan.” Malumanay na sambit niya.

“Sige po, bigyan niyo po ako ng tatlo.” Tumango naman kaagad si Manang at tsaka binalot yung binili ko, after ko mamili ay nakapagdesisyon muna akong kumain sa pinakamalapit na Restaurant dito.

Bute na lang at pinayagan ako ni Mama na mag-gala ngayon, pahinga ko raw muna ito dahil, paniguradong bukas ako magsisimula na hikayatin yung Investor na iyon…

Nang makahanap ako ng makakainan ay napaupo kaagad ako doon ng maayos, wala pa sila masyadong costumer ngayon. Pero base sa obserbasyon ko ay maraming kumakain dito…

Nilapitan ako noong tumatayong witress nila.

“Goodmorning Mam, pwede ko na po bang makuha ang order niyo?” masiglang bati niya saakin.

“Hmmm. Ano ba ang specialty niyo rito?”

“Naku Mam, halos lahat po ay masarap dito pero ang mai-su-suggest ko po sainyo ay yung ginataan dito. Super sarap po, hindI po kayo magsisisi.” Napangiti na lamang ako sa tinuran niya.

“Okay sige, bigyan mo ako nun.”

“Masusunod Mam!” at umalis na siya sa harap ko…

Nagpalinga-linga muna ako habang hinihintay ang order ko, nagbabakasakaling may kakilala ako rito… kaso tinamaan nga naman ng kidlat. Nandito na naman siya at tumabi pa saakin.

“Ano na naman ba ang kailangan mo? Kailangan ba talaga kung nasaan ako, nanduon ka rin?” pagmamataray ko sakanya.

“Hindi lang naman ikaw ang may karapatang kumakain dito, hindi ba?”

“Ou hindi lang ako, pero ako ang nauna sa table na ito at wala kang karapatang umupo rito.”

Napalingon ako sa paligid… “Ang dami ka pang mauupuan, pwede ka ng umalis!” nilahad ko pa sakanya ang paligid at tsaka ngumiti ng mapanukso…

“Nangingilala pwet ko.” Matigas na sambit niya.

What the hell.

“Alam mo napaghahalataan na kita!”

One-Night stand with a HEARTBREAKER | HINOVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon