Ilang minuto lang kami sa hospital at nagpaalam na din kami ni Anie papunta sa kanila. Balak din namin ni Anie na makita ako personal ng mama niya.
"Ma, hiramin ko yung tricycle. Punta kami sa bahay nila Anie", paalam ko sa mama ko.
"Oh sige basta mag-ingat kayo",
"Opo. Alis na kami",
"Bye po Tita", paalam ni Anie sa mama ko.
"Sige Hija", sagot naman ng mama ko.
At bumyahe na nga kami ni Anie papunta sa kanila. Bago kami pumunta sa bahay nila, dumaan muna kami sa Jollibee para magmeryenda. As usual, palabok sa akin at spaghetti naman sa kanya. Mahilig kasi sa matamis si Anie kaya favorite nya ang spaghetti. Pagkatapos papasalubungan namin ang kapatid niya at ang pinsan niyang bata na si Melanie. Anak ng Tita ni Anie si Melanie, kalaro siya minsan ni Anie.
"Bilhan din natin si Princess, tig-isa sila ni Melanie"
"Kaw bahala mhine", sagot sa akin ni Anie.
"Eh ano gusto ni Princess? Spaghetti or palabok?", tanong ko sa kanya.
"Kahit ano na lang mhine",
"Ok sige, tig-isa na lang silang spaghetti".
Pagkatake out namin ng pasalubong namin sa mga bata, dumeretso na kami sa bahay nila. Pagdating namin dun, sakto namang wala si Tita. Pinapasok na din ako ni Ante kaya sa loob ko na lang sila hinintay kasama si Anie. Ilang minuto pa, pumasok na si Tita.
"Hi Tita", sabay ngiti sa aking labi habang kinakawayan si Tita.
"Hello Hijo! Mabuti naman at nakita na din kita", nakangiting sabi ng mama ni Anie.
Nagkwentuhan din kami nila Anie at ng mama niya. Pinakita niya yung album na ginawa niya. Mga larawan ni Anie at ang mga kapatid niya since bata at baby pa sila. Ang cute cute ng mahal ko nung baby siya pero mas maganda na siya ngayon. Habang nakikipagbonding ako sa mag-ina, biglang dumating si Princess at Melanie na galing sa labas naglaro.
"Oh Princess, meet Kuya Oliver", sabi ni Tita sa bata. Si Princess naman nagtago sa likod ng mama niya, nahihiya sa akin.
"May pasalubong ako sa inyo. Gusto mo ng Jollibee?", sabay kinuha ko ang spaghetti sa mesa nila at inaabot ko sa kanya. Nahihiya parin siya sa akin kaya inabot ko na lang kay Tita ang spaghetti.
"Melanie, meron ding sayo oh. Halika!", yaya ko sa pinsan ni Anie. Nahihiya din siya sa akin kahit na lagi ako dito sa bahay nila.
"Akin na mhine, ako na lang magbibigay", wika ni Anie sabay abot ko sa kanya yung spaghetti.
Sobrang saya lang na nakikita kong masaya ang mga bata sa libre ko sa kanila pati na rin si Anie dahil andito na ang mama at kapatid niya na sana kahit paano nawala ang pagkamiss niya sa magulang at kapatid niya ng ilang buwan.
Habang lumilipas ang araw, hindi ko padin maalis sa isipan ko ang gabi kung kelan tinanggihan ako ng halik ni Anie.
-Flashback-
Niyaya ako ni Anie na pumunta sa Socialization night ng Institute nila na naging Institute ko rin ng dalawang taon. Balak ko rin naman talagang pumunta kahit hindi niya ako yayain dahil gusto ko siyang isayaw ulit.
"Mhine, aasahan kita sa socialization night bukas ng gabi ha? Huwag kang mawawala",
"Oo naman mhine. Punta naman talaga ako eh. Gusto kita isayaw ulit", sagot ko sa kanya.
"At tyaka huwag kang maghi-heels ha? Alam mo namang mas matangkad ka sakin eh", habol kong text sa kanya.
"Hahaha Oh sige mhinecoh basta ikaw", reply niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Undying Love
RomanceAng kwentong ito ay tungkol kay Oliver na nainlove sa Best Friend niyang si Anie na kung saan nasaktan at natutong lumaban dahil sa pagmamahal niya sa kanya. Kaya nang nawala si Anie sa buhay niya, hindi na to tuluyang nakamove on. Naghanap ng kapal...