TOS 4

134 47 11
                                    

Aisla's POV

Tapos na ang apat na subjects namin kung kaya't pumunta na kami ni Xylene sa cafeteria. Taas noong naglalakad si Xylene na parang siya ang reyna na karapat-dapat galangin ng lahat. napatingin ako sa mga estudyanteng nakatingin kay Xylene. nabigla ako nung biglang matapunan si Xylene ng carbonara na hawak ng isang estudyanteng babae.

"You bitch! how dare you?" galit na galit na sabi ni Xylene sa estudyanteng babae.

"I'm sorry miss, hindi ka kasi natingin sa dinadaanan mo eh." hihilahin ko na sana si Xy kaso ayaw niyang magpaawat at halata sa kanyang mukha na gusto niyang sabunatan yung babaeng nasa harap namin.

"Xy, tara na. hayaan mo na siya may extra uniform pa naman ako eh

"Pasalamat ka girl maganda ang mood ko ngayon dahil kasama ko ang bestfriend ko, kung hindi nasupalpal na kita!" akmang dederetso na kami sa table namin nung may biglang sinabi ang babae na dinig na dinig ng aking tainga

"Bestfriend mo pala yang kasama mo? hahahaha I thought she's your nanny? haha" napaharap naman ako bigla dahil sa sinabi ng impokritang babaeng ito, hindi nag dalawang isip si Xylene nung bigla niyang sinugod ang babae at sinampal ito.

"How dare you Xylene?!!"

ang daming estudyante ang tumpukan ng biglang sinabunutan ng babae ang bestfriend ko. pilit kong inaawat si Xylene ngunit ayaw nitong mag paawat. tila gusto niyang kalbohin yung impokritang babaeng nagsabi na Yaya daw ako ni Xylene

"Hey? what happened?" lumingon ako sa babaeng nagsalita. tingin ko kaibigan din ito ni Xylene, kasi nakita ko siya kanina na kasama ni Xy eh

"Tulungan mo nga akong awatin sila, baka dumating si Dean at mapagalitan tayo" kinakabahang sabi ko dahil sa totoo lang never kong naranasan na masangkot sa gulo dito sa eskwelahan. natatakot akong baka mapagalitan kami.

"Allright! allright!.. Xylene, stop that! parating na si dean at baka mapagalitan tayo!"

"What is happening here?" biglang nagsi-alisan ang mga estudyanteng kanina ay nakikiusyoso sa nag aaway. nagsi-balik sila sa kani-kanilang ginagawa na parang walang nangyari.

ako man ay nakayuko at tila naghihintay kung sino ang magpapaliwanag.

"Miss Takahata and Miss Jenelle, you two come to my office!" Maawtoridad na sabi ni Dean kila Xylene.

"D-dean? pwede po ba akong sumama?" kinakabahang tanong ko.

gusto kong sumama kasi ako ang kasama ni Xylene nung inaway siya nung babaeng impokrita. kaya hindi ko pwedeng iwan si Xylene.

"Bakit Miss Xyceria? Are you involved here?" seryosong tanong ni dean.

tumango ako bilang kasagutan sa tanong ni dean sa akin "Kasi po dean ako po yung kasama ni Xylene kanina" bigla naman akong sininyesan ni Xylene na tila ba ayaw niya akong sumama sa opisina ni dean.

"Sigurado ka Miss Xyceria?"

"O-opo"

"Kung gano'n sumama kayong tatlo sa akin sa opisina" sabi ni dean atsaka siya tumalikod. nilingon ko naman ang isang kaibigan ni Xylene at nagpaalam na ako sa kanya.

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon