Chapter Six

842 67 25
                                    

Before Marriage

WOW! I can't believe dinner's going to be this uneventful, hindi makapaniwalang sabi ni Daena sa sarili habang nakikinig sa pinag-uusapan ng matatanda. Kailangan niyang maging attentive sa usapan ng mga ito dahil baka mamaya ay pinag-uusapan na ng mga ito ang kasal nila ni Tyler nang hindi niya namamalayan. Mabuti na iyong nakikinig kahit boring ang pinag-uusapan ng mga ito.

"I hate to butt in to your very interesting conversation but I'd like to excuse myself first. Kailangan ko pa po kasing mag-review dahil midterm exams po namin bukas," paalam ng nakababatang kapatid ni Tyler na si Travis.

Hindi alam ni Daena kung totoo ba ang sinasabi nito o hindi dahil wala sa mukha ni Travis ang nag-aaral ng mabuti. Mukha kasing mas naglalagi pa sa gym si Travis kaysa sa library dahil sa ganda ng katawan nito. Pero sabi nga nila, 'never judge a book by its cover'. Besides, one should never stereotype because people are all different from one another. Although, some have their similarities.

Whatever Travis' real reason for escaping this boring dinner was, Daena envied him. Gusto na rin kasi niyang makauwi ngayon at magkaroon ng "me time".

"Okay, Trav. Good luck on your exams. We expect a lot from you so you do your best," nakangiting sabi ni Tita Carmen sa bunsong anak na parang hindi pwedeng kontestahin ang sinabi.

Wow! What pressure, sa isip-isip ni Daena. Hindi ba pwedeng i-omit na lang niya 'yong last sentence?

Naka-focus si Daena sa iniisip niyang iyon kaya nagulat siya nang maramdamang may tumapik sa isa niyang kamay at maya-maya'y may bumulong sa kabila niyang tainga. Nakalimutan niyang katabi niya nga pala si Tyler at kailangan nilang umaktong mag-boyfriend at girlfriend sa harap ng kanilang mga magulang para maging at peace ang mga ito.

"Let's not stay for dessert. Mamaya pa sila matatapos sa pagkukwentuhan," bulong ni Tyler sa kanya bago ito bumaling sa kanilang mga magulang. "Mauuna na rin po kami ni Daye na umuwi. We will have our dessert outside para makapag-date pa rin kami today."

Good reason, fake boyfriend, sa isip-isip ni Daena. Kaya sinegundahan din niya ang rason nito.

"Hindi po kasi alam sa office na kaming dalawa kaya mahirap pong mag-date. Besides, it's very unprofessional to mix business with our personal lives. So wala po talaga kaming balak na ipaalam sa office ang tungkol sa relasyon namin," paliwanag ni Daena. Mabuti na rin iyong sinasabi na niya ito ngayon para hindi magdaldal ang mga ito sa kahit na sino sa opisina. Hindi katulad ni Axe na minsan ay nadudulas pa rin.

"Well, you're right. Business is business. Personal is personal. So dapat wala na silang pakialam sa mga personal n'yong buhay. 'Di ba, pare?" komento ni Tito Wilbert sabay baling sa papa ni Daena.

"My daughter is very old-fashioned when it comes to these things, pare. Kung ako lang nga ang tatanungin ay mabuti pang alam ng lahat ang tungkol sa relasyon nilang dalawa dahil sooner or later ay ikakasal din naman sila. Malalaman at malalaman pa rin ng ibang tao ang tungkol sa relasyon nila, hindi ba?" dire-diretsong sabi Wilfred Chua na para bang wala na roon sina Daena at Tyler.

And there goes the talk about the big W. Kailangan na talagang pag-usapan nina Daena at Tyler ang tungkol sa mga susunod nilang steps. Kung hanggang kailan sila magpapanggap at kung paano sila magbe-break.

"I agree, balae," agad na sang-ayon ni Tita Carmen.

Jusko, balae na agad.

"Tita, ayoko po kasing masabing may nepotism. Ni hindi po nila alam sa office na anak ako ni—"

"Daena," nananaway na sabi ng papa niya. Of course, this topic shouldn't be opened in the presence of others. So, okay lang na malaman ng iba na girlfriend siya ni Tyler pero hindi dapat malaman ng lahat na anak siya nito? Isn't that kind of ridiculous?

Dear Future Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon