Nang Dahil Sa Project

40 3 3
                                    

"Buddy! Buddy! Buddy Rance!"

Hayan nanaman siya. Hayy. Napapahinga na lang ako ng malalim.

Takte. Ano ba?

Buddy.. Oo alam ko hanggang dun lang ako! Kasi ang manhid niya. Hindi niya ba alam?! Lagi ko siyang tinitingnan! Lagi akong naka bantay sakanya. Naka sulyap mula sa malayo.. Mula sa likod niya.

Lintek naman kasi! Naka partner ko pa siya sa project na'to! Mas lalo akong binigyan ng pag-asa.. kaya't ang bagsak ko? Heto. umaasa.

"Uy Rance! Wait mo'ko!" sigaw niya ulit.

Napasinghap ako sa inis at huminto.

"Ano ba Leena! Ang ingay-ingay mo! Dalian mo kaya!" inis kong tugon sakanya.

Papunta kami sa bahay. Hanep sa ayos naman kase! Ayaw niyang gumawa dun sa bahay nila. Gusto daw niyang gumala. Ano'ng akala niya sa bahay namin?! Mall?

"Oo na! Eto na oh! Wag kang highblood! Buddy tayo." atsaka siya kumapit sa braso ko at patalon-talon na naglalakad.

Ang gulo. -///-

"Psh. Buddy." I whispered mockingly..

"Huh?" nagtataka niyang sabi at bigla siyang napalingon sa'kin.

Iniihip ng hangin ang mabango at mahaba niyang buhok.. Asdfgkl!!!

Ba't ba ang ganda at bait niya? Ang sungit ko na nga sakanya eh!

"Wala! Bilisan mo kasi para makauwi kana agad!" sabi ko at mabilis na hinila ang kamay niya.

-////-

"Ngee! Parang hindi naman ako welcome niyan eh!" parang bata niyang sabi na naka nguso.

Ba't ang ganda parin?!

G*g* ka talaga Rance! Tinamaan ka na nga talaga.

"Tsk. Tumahimik ka nga."

"Yoko nga.. Ano'ng meryenda niyo?" nakangisi niyang tanong.

"Carbonara. Luto ni mama."

"OuO Talaga?! Favorite ko 'yun!"

-_- Oo nga. Kaya nga 'yun ang pinaluto ko.

"Pakialam ko." sabi ko at lumiko sa kabilang kanto.

"Alam mo.. 'yan lagi ang niluluto sa bahay kapag may okasyon.. Ako lagi ang umuubos. Tapos masarap din akong magluto--"

"Alam mo.. Mas maganda ka kapag nakatikom yang bibig mo." agad-agad kong sabi at bigla naman siyang napahinto at namula.

Naiirita kasi ako sa mga madaldal eh. Kahit siya pa 'yan na crush.. este MAHAL ko. -///- Gusto ko paring bawasan yang pagkamadaldal niya.

Pumasok na kami sa bahay at sinalubong naman kami agad ni Mama.

"Oh! Nandito na pala kayo! Ikaw ba si Leena? Ang ganda mo iha." masiglang sabi ni Mama sakanya. Si mama talaga. Alam kong magiging close sila.. Madaldal din 'yan eh.

"Ay naku tita! Hindi naman po! Kayo nga rin po ang ganda niyo. Para kayong teenager." sagot niya kay Mama. Talagang magiging close sila ha. =__=

"Naku. Talaga iha? Gusto na kitang maging anak!" nagagalak na sabi niya at humalakhak.

Nice one Ma! Para mo naring sinabi na may gusto ako sakanya.

'Wag namang atat! Ako dapat magsasabi eh!

"Tama na nga 'yang bolahan niyo! Pareho kayong mga utu-uto." sabi ko at hinila na si Leena.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nang Dahil Sa ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon