Kiyeme's POV
"Kiyeme! Maleleyt ka na!" Bulyaw ni Mama. Tch. Dahan-dahan akong bumangon at nagpalit ng damit. Wala ng ligo-ligo maleleyt na pala eh.
"Kiyeme! Ambagal mong kumilos!" Bulyaw ulit ni mama. Tch.
"Tch. Kakain na lang ako sa school. Alis na ko, tara na Kim"
"Ingat kayo nak!" Paalam ni mama. Tch.
"Ate Kiyeme, may tanong ako sayo" sabi ni Kim.
Tinanggal ko yung headphones ko at nilagay sa leeg ko.
"Ano?" Tanong ko.
"Ganyan ka ba talaga manamit?" tanong niya with a curious face. Tinignan ko ang sarili ko. Ano bang mali sa damit ko? Nakagray sando ako with leather jacket, black jeans, red rubber shoes, at nakalugay ang dark brown kong buhok hanggang beywang ko. Dagdag pa ang red lipstick ko.
"Anong meron sa hitsura ko?" Taka kong tanong.
"Ummm wala wala" sabi niya sabay iwas ng tingin. Tch. Di ko na lang pinansin at binalik ko na uli ung headphones ko.
Teka nakalimutan ko bang magpakilala? I am Kim Aemie Forteza. Kiyeme for short. 4th year high, 18 yrs. old at may kapatid na nagngangalang Kim, Kim Ella Forteza. Pangalan ng nanay namin ay Kim Madison Forteza.
"Andyan na si KAF!" Nagsitakbuhan ang mga estudyante palayo sa amin. Tch. Takot kasi sila sa akin dahil marami akong nabugbog sa dati kong school last year kaya nga kicked out ako. Ito lang na school ang tumanggap sa akin, Heavenly Rose Academy. Dapat nga di na ako papasok at mag-aaral kong di ako tinanggap nito. At yeah, ako na ang basagulera. Whatever. Tch. Wala akong kaibigan sa school na ito since malaman nila na nagtransfer ako dito lumayo silang lahat. By the way, KAF is Kim Aemie Forteza.
"Sige na. Kim" paalam ko.
"Bye bye Ate Kiyeme" sabi niya.
Habang papunta ako sa classroom tumitingin sa akin yung mga tao sa hallway. Walang nagbalak na humarang sa daan ko. Nakakairita. TCH.
"Anong tinitingin-tingin niyo ha?" Inis kong sabi. Right on cue, nagsiiwasan sila ng tingin.
"Tch" Dumiretso na lang ako sa classroom ko. Ako na lang ata yung hinihintay. Pagpasok ko, lahat ng kaklase ko nakatingin sa akin. Ngayon lang ba sila nakakita lng late? Tch.
"Ano?!" Irita kong sabi. Umiwas naman sila ng tingin habang ako dumidiretso sa upuan ko.
"Another late, Ms. Forteza" Tinignan ko lang ng masama ung prof namin dahilan para lalo siyang manginig.
"By the way, I have here a new student beside me. Kindly introduce yourself" sabi nung prof namin. Well, wapakels naman ako sa kung ano ung sinasabi niya since I hated her.
"H-huh? A-ah y-yes! I am Marie Celine Dizon. You can call me Maricel" sabi nung new student.
"Good, so take a seat beside uh, Ms Forteza" Nag-alangan pang sinabi nung prof namin yun. Umupo naman siya sa tabi ko pero wapakels ako sa kanya. Tinignan naman siya ng kaklase namin ng may pagtataka.
"H-hi!" Bati niya sakin.
"Tch. Don't talk to me" sabi ko at halatang lumungkot siya nung sinabi ko yun.
<*Timeskip: Cafeteria, recess*>
Mag-isa akong kumakain sa isang long table ng cafeteria nang makita ko yung new student na binubully ng mga freshmens. Grabe ang weak niya naman, di niya kayang labanan yung mga yun? Di ko na sana papansinin kaso tinapon nila yung pagkain ng new student sa bag nito. Nainis ako. Di ba nila alam na nagsasayang sila ng pagkain? Malapitan nga.
"Hoy" saway ko sa kanila. Halatang nagulat sila kasi si KAF ang naghamon sa kanila.
"Teka lang miss KAF, hindi mo kami matatakot sa mga storya mong bulok" sabi nung isa. Tch.
"Nagsasayang kayo ng pagkain" sabi ko.
"Anong gagawin mo?" Asar nung isa. Tch. Sinuntok ko yung nagsalitang yun at hinablot yung new student sabay karipas ng takbo papunta sa rooftop.
"Tumahan ka na" Nakakairita yung boses niya eh.
"S-salamat" pahikibi-hikbi niyang sabi. Well, maiwan ko na siya, siguro naman may klase na kaya wala nang mambubully sa kanya dito. Nakakapanghinayang yung pagkain niya.
"Ghe maiwan na kita" sabi ko. Kakain pa ako.
"Sandali lang, Aemie!" Nagpantig yung tenga ko. Kinwelyuhan ko siya tsaka nagsalita,"Aemie? Ayokong tinatawag akong Aemie, maliwanag?" inis kong sabi. Nangangarag naman siyang tumango.
"Sorry Ae-, Kim" Binitiwan ko siya.
"Kiyeme na lang ang itawag mo sa akin" Natulala siya saglit bago ngumiti.
"Ililibre kita Kiyeme, tara sa cafeteria" Napangiti naman ako.
"Sige ba"
BINABASA MO ANG
Demon Girl Meets Devil Boy
RomantikKim Aemie Forteza- isang basagulera, makapal ang mukha, mainitin ang ulo, mahirap pakisamahan, at napakasungin in short, Demon Girl. Ken Liam Salvador-isang basagulero, masayahin, laging nakikipag-away, maraming nasisira, at maraming napaparetire na...