<76> Bad Girl

50 7 0
                                    

Maira's POV

Call me weak. Call me selfish. Call me a stupid bitch. Call me whatever you want. But one thing is for sure, I'm a bad girl and this school is my territory. Ang eskwelahan na protektahan ng mommy ko ay ang school na pangangalagaan ko. Ang lugar na kung saan ako ang reyna, at kailanman ay hindi kinakailangan ng hari ang isang reyna na katulad ko. Why would I need a king if I can be independent? If I can stand on my own? By myself? Nobody needs a partner if you can handle everything by yourself. No one. 

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng Memorial High. Maaga pa kaya halos ng estudyante ay nakatambay pa kung saan saan at hindi pa pumapasok sa mga classroom nila. Hindi muna ako sumabay kayna Jade at Scian papasok kasi lutang ako kaninang umaga. Dahil nasa isip ko padin ang pag-uusap namin ni Mommy kagabi.

Nalaman niya ang pagpunta ni Kevin sa bahay.

Flashback:

"Anak, Maira. Pwede ba kitang makausap?" malambing na boses ni mommy sa likod ng pintuan ng kwarto ko. 

"Pwede naman po, pasok po kayo. Bukas po iyan" magalang kong tugon sa kanya. 

Hindi nagtagal ay pumasok siya sa loob at may dala-dalang isang basong gatas. Ganyan talaga siya simula ng lumipat kami para akong baby kung maalagaan. Pero hindi ko na siya pinipigilan pa dahil sabi niya gusto niya daw ako paiinumin ng gatas tuwing gabi dahil hindi niya nagawa iyon noong bata pa ako. Alangan namang ipagbawal ko sa kanya iyon diba? Kaya hinayaan ko na lamang siya sa gusto niya dahil ayaw kong ipagkait ang pagbawi niya sa akin. 

Inilagay niya muna ang baso ng gatas sa side table ng kama ko at umupo siya sa corner ng hinihigaan ko. 

"Ano po ang atin, mommy?" tanong ko sa kanya at kinuha ang baso ng gatas at dahan dahan na ininom ito. 

"Wala ka bang balak na sabihin sa akin ang nangyari kanina rito?" seryoso niyang tanong kaya muntikan na akong masamid. 

Syemays?! Alam na niyang pumunta si Kevin dito? 

"Sorry po" gulity na paumanhin ko. 

"Sorry saan?" nagtataka niyang tanong.

Huh? Bakit parang iba ang tinutukoy niya? 

"A-Ano po b-ba ang t-tinutuk-koy niyo?" kabado kong tanong muli.

"May iba pa bang nangyari bukod sa school garden?" takang balik na tanong niya sa'kin. 

Syemays naman yung sa school naman pala ang tinutukoy niya. Huli na para itanggi dahil alam ko ang takbo ng utak ni mommy hindi siya katulad ni nanay madali magpalusot. 

"Sorry po" tangging nasabi ko na lamang sa kanya dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin at sasabihin ko.

"First offense nyo yun ni Kevin ha. Warning pa lang kumbaga kaya sana hindi na maulit pa ang pagpunta nyo roon nang basta basta" pangaral niya sa akin. Ngayon ko lang narealize na bawal nga palang pumunta sa school premises maliban sa canteen after classes. Dahil 15 minutes maglilinis ang lahat ng estudyante kapag ganon. Hindi uso sa amin ang cleaners dahil tinatakasan lang ito ng ibang estudyante. Kaya lahat ng estudyante ay obligadong maglinis muna sa kani-kanilang mga classroom at sa malapit na hallway rito. Bawal umalis ng basta basta kapag ganoon dahil isang ganap na rule yun ng Memorial High. 

"Opo, sorry po ulit" pagpaumanhin kong muli. 

"So tell me, ano pang nangyari bukod doon?" pag-uusisa ni mommy.

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon