Room Boy

1.7K 39 13
                                    

Ilang buwan narin ako sa aking trabaho bilang isang Room Attendant sa isang Apartelle. Di ko maintindihan pero sa Apartelle lang na iyon ako may mga naranasang hindi ko maipaliwanag. Nagsimula ito nung na i- schedule ako ng pang gabi. Pasok ko nun ay 10pm haggang 6am na ng umaga. Sa pang-gabing shift naka assign ang pag tatapon ng mga basura sa lahat ng kwarto ng apartelle. Dahil sa first time ko naging pang-gabi ay na isipan kong agahan ang pagkuha nito sa lahat ng floor, iniiwan lng naman ng mga guest ang basura nila sa labas ng pinto kaya't kukunin ko nalang ang mga ito. Mga bandang 3am ko na-isipan ipunin ang mga basura. Hanggang 6th floor ang apartelle at may 12 rooms bawat floor nito. Hindi na ginagamit ang 2nd floor kayat hindi ko na ito pinupuntahan kaya't sinimulan ko to sa 3rd floor pero dahil sa walang guest ay dumeretso na ko sa 4th at sumunod ang 5th. Nang paakyat na ako sa 6th ay may napansin akong nakatayo sa gitna ng floor, isang matanda, inisip ko nalang na guest ito dahil tamang tama merong guest sa room 604 ng floor na iyon. Tiningnan ko ang lahat ng labas ng kwarto kung merong mga basura hanggang sa makapunta ako sa kanya, tinitigan ko ito at tinitigan nya rin ako, maputi ang mukha nito at naka lipstick na pulang pula. "Hmmm~~" ang malamig at parang nanginginig na sabi nya sakin, natango lang ako sa kanya. Hanggang sa makababa na ko para itapon ang lahat ng basura na naipon. Habang tinatapon ang basura ay napa isip ako kung meron ba kaming matandang guest sa kwartong 604, kayat tinanong ko ito sa Front Desk.

Sinabi nyang wala daw matandang kasama ang room 604, kayat ikinagulat ko ito... sinabi nya rin na walang lumalabas na guest ng mga ganoong oras. Tamang tama at may camera ang buong building kasama na rito ang 6th floor, pina rewind ko sa kanya ang video ng mga oras na nakita ko ang matanda. Nang ma rewind nya ay ikinagulat ko ito, walang  matanda sa video pero kitang kitang lumingon ako at tumango ng mga oras na iyon. Pinilit ko alalahanin ang mga napansin ko sa kanya. Napansin ko nung mga oras na iyon ay wala syang suot na tsinelas at kung hindi ako nagkakamali ay napansin ko rin na nakalutang ang mga paa nya, pero dahil sa naglalakad ako at nagmamadali ay hindi ko na ito napagtuunan ng pansin. Mula noon ay sunod sunod na akong nakakakita ng mga kung ano ano sa apartelle na iyon. Minsan ay na assign ako ng 11am to 7pm na shift, mga bandang 6:54pm ay paakyat ako ng 3rd floor para maghanda ng umuwi. Napahinto ako sa 2nd floor at may napansin, nakita ko ang isang naka amerikanang lalaki, may sumbrero at maleta at naka all-black na pumasok sa room 212 na katapat lng ng hagdanan na inakyatan ko. Binuksan nya ang pinto pero hindi binuksan ang ilaw at isinara ang pinto ng hindi man lang lumingon. Halos maluha luha ako sa nakita.. bakit? Gaya ng sinabi ko kanina, hindi na ginagamit ang 2nd floor, natural pati ang lahat ng kwarto rito ay hindi na ginagamit, naging bode bodega nalang ang mga kwarto roon kayat imposibleng may pumasok at mag check in dahil rin sobrang dumi narin ng mga kwarto. Kumaripas ako ng takbo at nagmadali ng umuwi, hindi ko na sinabi sa mga kasamahan ko dahil, matatakutin din sila. Kaya't itinago ko nalang ito sa aking sarili.

Na-assign ulit ako ng pang-gabi. Mga bandang 2 or 3am ay sumakay ako ng elevator para mabilis maka punta sa 3rd floor, dahil takot na rin ako umakyat sa hagdanan dahil medyo madilim. Sa elevator na iyon ay may salamin sa kanan, sa likod at sa kaliwa. Napagtripan kong sumayaw sayaw sa salamin, dahil sa wala namang nakakakita. Sumayaw sayaw ako habang tinitingan ang marami kong reflection sa salamin na sabay sabay gumagalaw... pero maya maya'y .. huminto ang isang kong reflection.. naka yuko lang ito at hindi gumagalaw, habang ako'y tuloy parin sa pag-gagalaw ng aking mga kamay. Ayoko na sanang pansinin dahil malapit na man ng mag-3rd floor pero.... mas lalo akong natakot sa nakita... yung nakahintong reflection ko ay meron palang kasama.. sa ulunan nitoy merong mahabang buhok na pababa mula sa ibabaw ng elevator... halos umiyak nako sa takot.., saktong sakto ay bumukas ang elevator at kumaripas ako ng takbo. Hindi pa dyan nagtapos ang mga naranasan ko. Dahil nagsimula narin akong bangungutin sa bahay man o sa Apartelle... oo minsan ay natutulog ako sa Apartelle habang nag tatrabaho, at hindi pangkaraniwan ang mga bangungot na ito. Isa na dito ang hindi ko malilimutang bangungot... na napaka wierd pero nakakatakot. Dahil sa wala ang boss ko at dahil sa wala ring mga guest ay na isipan ko munang ma tulog sa sofa, pero hindi nakahiga sa halip ay nakaupo lang ako dahil sa malambot naman. Nakabukas ang pinto ng kwarto na pinagpapahingahan ko para kung meron na dumating kong kasamahan ay mapansin ko kaagad, para hindi mahuli syempre. Maya maya'y nagising daw ako mismo sa kinauupuan ko,  tumayo daw ako.. at dahil nga sa panaginip iyon ay hindi man lang ako nagtaka dahil merong lumapit sa aking matanda na nanghihingi ng limos mismo sa kwartong iyon.

Binigyan ko daw ito ng bente pesos, maya maya'y pinasunod nya ako sa kanya at may pinakita. Pinakita nya ang pader na sa mismong floor na iyon na puro guhit ng chalk, sa pagkakatanda ko ay mga limang guhit ito ng chalk. Pinapipili nya ako ng isa sa mga guhit , nakapili na ako sa aking isipan palang pero na distract ako dahil meron din palang isang pumipili na babae sa tabi ko, pero mukang sinasaniban ito. maingay na parang nag dedeliryo at nakatirik na ang mga mata, meron syang kasama na humahawak sa kanya, kayat hindi ko nasabi sa matanda ang napili kong guhit. Maya maya'y nagising ako, at naisipan kong puntahan ung pader na pinuntahan namin ng matanda sa panaginip ko, pero wala itong guhit ng chalk. Dahil sa saglit palang nakaka iglip ay naisipan kong bumalik sa pagkakatulog sa mismong sofa ulit. Di ko naman inaasahan na mag papatuloy ang panaginip na iyon. nagising daw ulit ako sa mismong sofa at pinuntahan ulit ung pader na may mga guhit ng chalk, pero wala na ang mga guhit na ito. Maya maya'y may sumigaw, hindi ito pangkaraniwang sigaw dahil nakakatakot ito, ewan ko pero natatakot ako sa sigaw na iyon parang "woooohhhhhhh", yun palay may babae na parang naka suot na belo ang nakatayo sa oppsite side edge ng kinatatayuan kong kwarto. Hindi ko alam pero sure daw ako sa panaginip ko na iyon ung matanda na nakasama ko kanina. Pero bakit kaya sya sumisigaw? Dahil ba sa hindi ako nakapili ng guhit? Alam kong bangungot na iyon dahil gusto ko ng magising dahil natatakot na ako sa kanya, ang ginawa ko lng ay ni relax ang aking sarili at wala pang isang segundo'y nagising kaagad ako.

Napaka weird talaga ng mga panaginip, marami pa akong mga naging bangungot, dahil sa tulog ako ng tulog kapag walang ginagawa sa trabaho at lalo nat pag umaalis ang boss ko. Hindi ko na bubuuin ang ibang kwento, minsan ay meron daw pumulupot sa akin na itim na pusa sa buong katawan ko, hindi na daw ako makagalaw. Binangungot din daw ako na sobrang dilim ng buong Apartelle at walang kailaw ilaw at Isang babae na pinalilibutan ng mga kuting na pusa at mukang pinapakain nya pa ito, lahat ng yan ay sa same floor ko lang napanaginipan, sa 3rd floor, kung saan ako naka assign. Awa ng Dyos ay nagigising pa ako sa mga bangungot na iyon, Lesson din sa akin yon. Pero unti unti rin itong nawala habang tumatagal ako sa trabaho ko.. siguro ay may mga gusto lang sa aking ipahiwatig ang mga kaluluwa roon, kaya ako nakakakita, at binabangungot sa Apartelle na iyon.

THE END

Room BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon