Borrowed Time--------------------------
Watching the sunset was my favourite scenery on this world. It always sent and giving me a subtle message to rest.It can calm my soul.
“Habulin niyo,bilis!” Tumabi ako upang maiwasan ang mga batang nag hahabulan. Huminga ako ng malalim at pinag patuloy ang aking paglalakad papunta sa aking paboritong pwesto kapag namamasyal ako dito sa tabing dagat.
Maraming mga batang naglalaro at may mga estudyante ring napapadaan dito upang mag pahangin galing eskwela.
Napailing nalang ako sa aking lungkot na,nadarama at pag kaselos sa mga kaedad ko. Huling taon konalang sana ngayon at maka tungtong naako sa kolehiyo ngunit hindi na nakayanan ni Nanay upang pag aralin ako.
Hinigpitan ko ang pagkahawak sa librong dala na hiniram kopa sa aking kapitbahay.
“Oy,nandito nanaman ‘yung crush mo,Raim.” Nahinto ako sa paglalakad dahil sa tuksong ginawad nang mga kamag aral ko noon. Tiningnan ko sila at kagaya nang dati,sila paring lima ang mag kasama.
“Magandang hapon,sainyo.” Kahit na kinakabahan,pinilit ko paring bumati sa kanila. Nailang ako dahil mas lalong lumakas ang panunukso nila sa kanilang kaibigan.
Tumingin ako sa isa nilang kasamahan na nag ngangalang Raim.May halong banyaga ang kanyang itsura at naiiba ang kanyang tangkad sa mga kalalakihan dito sa lugar namin. I admired him when the day I lay my eyes on him. I was attracted by his aesthetically beauty. Tila bang isang titig mo palang sakanya mahihipnotismo kana. His chocolate eyes laid on my direction kaya hinigpitan ko ang pagkahawak sa aking librong dala.
I smile at him and walk away due to the embarrassment. Napa iling nalang ako sa,sariling kahihiyan.
Lumingon paako upang masilayan siya muli kaya nanlaki ang aking mga mata nang magkatinginan kami. Kaya ang mahina kong lakad ay naging mabilis na takbo.
Umupo ako sa paboritong tambayan ko.Isa itong malaking bato at may malaking butas sa gitna,kung saan pwedeng upuan kung sino man ang magtangkang tumambay dito.
Habang may kaunting ilaw pa na, nanggagaling sa papalubog na araw nilibang ko ang aking sarili sa pag babasa nang isang libro.
Nangsumakit na ang aking mata sa kababasa napag desisyonan kong mag lakad lakad nalang muna sa tabing dagat.Tumayo ako sa pagkakaupo at saka naisipang maglakad lakad nalang muna.
-----
“Zimt,saan ka galing?” Agad na salubong saakin ni Nanay nang makauwi ako kinagabihan.Naaliw ako sa dagat at hindi ko na alintana ang oras. Umuwi ako nang ma pansin kong wala na masyadong tao sa tabing dagat.
Ngumiti ako ng marahan at saka nag mano.“Sa tabing dagat lang,po.Sabi ko naman po sainyo kanina na,tutulungan ko kayo sa pag titinda ngunit hindi niyo ako pinansin.”Nag tatampong saad ko.Nakita kong ngumiti lang siya nang matamis saakin na kinalambot nang aking puso.
“Kaya ko panaman,nak.At saka mas maiging ilalaan mo nalang muna ang mga oras mo sa sariling pag aaral.Nang sa ganoon,hindi ka mahihirapan.Makakita rin ang nanay nang magandang trabaho.”Hinaplos niya ang aking buhok at saka niyakap nang mahigpit.
“Palagi niyo nalang po ako ang inaalala. Hayaan mo na po akong mag trabaho kahit pagbibinta lang nang mga gulay sa palengke.” Pangungubinsi ko. Nagbabasakaling hindi maging pabigat kahit papano.Hinigpitan lang ni Nanay ang pagkayakap saakin at saka ako pinakawalan.
“O,siya sige.Nagsasawa naako sa mga pangungumbensi mo saakin.” Nagliwanag naman ang mga mata ko dahil sa pag payag niya saakin.
“Aagahan ko po ang gising bukas upang mag harvest sa munting taniman natin.” Humagikhik lamang ang inay at saka ako tinalikuran upang mag handa nang aming hapunan. Nag iisang anak lamang ako at namatay ang itay noong,sampung taon palamang ako. Naalala ko pa no‘n kahit na malakas ang hampas nang hangin at hindi maganda ang panahon nag pumilit parin si Tatay na pumalaot.Kasama niya pati ang mga kaibigan niya dito sa lugar namin.Ngunit hindi namin inaasahan na,iyon napala ang huling araw na kasama namin siya.But as the years goes by,unti unti narin namin na tanggap ang pagkawala ni Itay.
Pagkatapos naming maghapunan natulog agad si Nanay,tindi narin siguro nang pagod. Hinugasan ko muna ang aming pinagkainan at saka nag half bath.-------
Kinaumagahan kagaya nang aking pinangako;nag ani ako ng mga gulay sa munting bakuran. Madilim pa ang kapaligiran sa palagay ko alas tres palang ng madaling araw.Mula dito sa aming bahay nadidinig ko na ang mga boses ng mga mangingisda at ang pag hampas ng alon.
Humugot ako ng malalim na hininga at dinamdam ang masaganang hangin na pumapasok sa aking ilong at dumadampi sa aking balat. Nang matapos ko ang pag ani,na ngalahati sa sisidlang sako napagpasyahan kong pumasok sa bahay upang mag handa nang agahan.Pero,napatigil ako nang gising napala ang Inay. Umiinit siya nang tubig ng madatnan ko ang kanyang pigura sa aming maliit na kusina.
“Akala ko tulog kapa,tinupad mo talaga ang sinabi mo.”Bungad niya saakin.
Ngumiti ako sakanya at saka nilapatan at nagmano,“hindi naman po,ako tulog mantika.”
“Aba!Ako pa talaga ang sinabihan mo niyan,huh?” Napailing na natatawa nalang ako sa sinabi niya.
“Hindi po ba?Hindi kaya ako tulog mantika!”
“Siya,sige nalang.Total ayaw mong mag paawat.”Napasimangot ako sa sinabi ni Nanay.
“Napipilitan,eh,”nakangusong saad ko.Maslalo akong napasimangot dahil mas lalo pa siyang tumawa sa inaksyon ko.
“Kumain kana ‘nak,hindi ka naman talaga tulog mantika.” Pangungumbensi niya.
“Saan kayo mag bibenta nang mga isda,Nay”Pag iiba ko nang usapan. Nag tatrabaho kasi siya kasama ang ilan sa mga kapitbahay namin dito sa isang mayaman na mangingisda kung saan sila Inay ang nagbibenta habang ang iba naman,pumapalaot upang may ibenta.
“Sa kabilang bario siguro,hindi ko pa alam.Depende kung saan,anak.” Tumango ako sakanyang sinabi.
“Pwedeng pagkatapos kong magbenta nang mga gulay,sunduin kita?”
Nangunot ang kanyang noo at napatigil sa pagsubo. “Wag na,ilaan monalang sa pag aaral ang natitirang oras.Kaya ko naman,Zimt.”Papasikat na ang araw nang makarating ako sa palengke.May mga tao naring nag bubukas ng kani kanilang pwesto. Nang makahanap ako ng pwesto,agad ko naman inayos ang aking mga dala. Inayos ko muna ang sako na lalapagan ng mga gulay at saka inayos pagka lapag.
Ilang sandali lang maraming mga tao na ang nag si dagsaan upang mamalengke dahil linggo ngayon.
“20 pesos na sibuyas dahon,ineng.” Agad akong kumilos at saka maingat na ibinigay sa matanda.
“Maraming salamat po!” Agad napadako ang aking tingin sa kanyang katabi at nanlaki ang dalawa kong mata nang mapagtanto kung sino iyon.Kinabahan ako ng tumama ang kanyang kulay tsokolateng mga mata sa akin.
Agad akong nag iwas nang tingin dahil naiilang ako sa kanyang mga titig.
Nawala lang ang kanyang mga mabibigat na titig saakin ng magsalita ang kanyang Lola sa kanyang tabi. “Apo,tara na.Doon naman tayo sa bilihan ng karne.” Nasa tabing pwesto lang naman ang bilihan ng karne. Nakahinga ako ng maluwag ng makaalis nasila saaking harapan.Doon korin pala naalala na hindi ako humihinga simula ng magtama ang aming mga mata kanina.
Nakamasid lang ako sa kanilang papatalikod na bulto.Nawala ang aking atensyon nang may bumili ng kangkong.“ Isang kilong sili.” Akala ko ba umalis na sila?Tumikhim ako at saka huminga ng malalim.
Sinilid ko sa plastic ang sili pagkatapos kong e-kilo. Binigyan niya naman ako ng sapat na bayad.
“I was wondering if I'm not mistaken you're the girl that always reading at the seashore right? ” Unang beses kung narinig ang kanyang boses sa malapitan. Hindi ito malalim kundi malumanay. His voice was soft opposite to his physical appearance.“Ako nga.Bakit?” Patay malisya kong tanong.
Nagkibit balikat siya at saka may sumilay na maliit na ngiti sa kanyang labi,“nothing, I'm Raim,by the way.”
Bago ko paman mabuksan ang aking mga labi upang mailahad ang aking pangalan,tinawag na siya ng kanyang Lola.
“See you at the seashore.The day after tomorrow.No need to introduce yourself,I already know your name,Zimt.”
YOU ARE READING
Borrowed Time
RomanceIf there's something I needed the most in this cruel world,I would rather chose LOVE. They say if you're having a money you can control everything on this world. But having a LOVE you will always a loser. I don't know what's the meaning and hidden...