How I became the Substitute Boyfriend

837 62 45
                                    

Dumating na ko sa lugar na napag-usapan, napa-aga ata si Katherine dahil nandun na siya bago ako, nakaupo siya dun sa may gilid na part sa loob ng starbucks. Pumasok na ko tapos kumaway sa kanya.

"Katherine!" sabi ko pagbukas ko ng pinto.

Ang bilis ko lumakad papunta sa kanya, tapos umupo na ko sa tapat niya.

"What's up with the new look?" tanong ni katherine.

"Sabi kasi ng kapatid ko ito daw ang suotin ko." sagot ko naman, syempre medyo nahihiya pa. Shy type. haha!

"May itsura ka naman pala, you look cute." sabi niya.

"Talaga? Thanks!" sabi ko naman, aba tinanggap ko na, minsan na nga lang mapuri e.

"So, I have a favor to ask kaya kita pinapunta." sabi ni Katherine.

"Ano yun?" tanong ko naman, nakaka-curious naman kasi.

"In a week magsisimula na ang opening ball ng school and as you know, wala na kami ng ex ko. I need a new partner. Kung pwede sana ikaw." sabi ni Katherine.

"Sigurado ka? Ako? E di naman ako gwapo at isa pa, baka pagtawanan ka kasi ako ang partner mo." sabi ko naman, pero sa totoo lang natutuwa ako, isang magandang dilag ang umaya sakin sa opening ball. WOW. Feeling ko tuloy ang gwapo ko. Joke. Okay, laki agad ng ulo ko.

"Oo naman sigurado ako! You'll be my substitute boyfriend! Medyo aayusan lang kita ng konti and give you some lessons kung paano maging cool sa school. I'll make you popular! Everyone's gonna be talking about Xander. Where Xander is going, what Xander is wearing, what Xander thinks and even what Xander is eating. You'll be the talk of the school, they will all revolve around you." sabi ni Katherine na may pa-action action pa.

"My name is actually Xavier." sabi ko. Grabe nakalimutan niya yung pangalan ko, parang kelan lang alam niya pa yun a?

"Well, once you're popular, people would know that." sabi niya. 

"Let's go, I'll get you some more decent clothes. Tomorrow when you go to school, all the eyes will be on you." sabi ni Katherine.

"Wait, wala akong dalang pera pambili ng damit." sabi ko naman medyo nahihiya pa.

"Ako na bahala dun! Treat ko na!" sabi ni Katherine.

we spent about 2 hours sa pag susukat ng mga damit na binibigay niya sakin tapos pumunta kami sa pagupitan, pinagupitan niya yung sobrang haba kong bangs. Grabe! Nasilaw ako, nakita na ulit ng mata ko ang sikat ng araw! Madalas kasi hindi masyado dahil natatabunan ng bangs. Binigyan niya din ako ng pabango, ayaw niya daw ng pabangong gamit ko e, amoy nerd daw. 

After a couple more hours umuwi na ako pati siya, pagdating ko sa bahay, sobrang tahimik. Di pa naman gabi pero mukhang tulog ang mga tao sa bahay. Wala palang tao. Natulog nalang ako ng sobrang aga. Siguro kasi napagod ako sa kaka-shopping.

*KINABUKASAN.*

Pag kagising na pagkagising ko, naligo agad ako tapos nag-ayos. Well, maaga umalis ang mom ko at si Angela so di pa nila nakikita ang bago kong look. Nag-ayos agad ako ng buhok, sabi ni Katherine kailangan makaagaw ako ng pansin. Ginawa ko lahat ng pinapagawa niya, ewan ko ba kung bakit. Di naman ako yung tipo ng tao na pasikat, tulad nga dati gusto ko lang maging matahimik.

NOTE: Patugtugin niyo ang "PARADISE by T-Max" habang binabasa ang part na nasa ibaba. :)

Pag pasok ko sa school, hindi ako naka-taxi pumunta sila Katherine samen kasama yung driver niya. Pag labas na paglabas ko ng kotse grabe, parang tumigil yung mga tao, ang daming nakatingin samen, eto ba yung feeling na na-ooverwhelm ka sa dami ng mga nakatitig sa'yo. Lumakad na kami ng konti, nagsisigawan yung mga tao. Ibang-iba ang pag-welcome nila sakin kesa nung nerd pa ako.

Iniwanan na ako ni Katherine sabi niya "enjoy popularity!".

Lumakad ako mag-isa, syet! May mga nagpipicture, nasigaw, at may tingin ng tingin. Grabe, feeling ko artista ako! Biglang may kumalbit sken sa likod, napatalikod ako.

"Hi! Pwede pa picture! Ikaw ba ang bagong boyfriend ni Ms. Katherine? Ano pong pangalan mo?" sabi nung babaeng di ko gaaong kilala.

"Hello! Sure. *Ngite tapos nagpicture na* ha? Uhm. Perhaps. I'm Xavier." sabi ko naman sabay alis.

Ibang-iba yung feeling pag nakikita ka na ng mga tao na dati nilalampas-lampasan ka lang. Ngayon parang ang confident ko na maglakad, pag dadaan ako gumagawa ng way yung mga nakaharang, di katulad dati na nakikipag bungguan pa ko sa mga nadaan para lang makadaan.

Totoo nga, iba nga yung feeling. 

Naglalakad pa rin ako sa may hallway, ang dami pa ring natingin, feeling ko neenjoy ko na yung ganito, o natutuwa lang ako kase first time. Pero it doesn't matter! basta masaya ako.

Nakita ko yung Chem partner ko, si Abby. Nakita niya ko, nilapitan ko siya tapos kinamusta.

"Abby. Pasensya na di ako nakatulong dun sa project natin." sabi ko.

"Ha? Ayos lang. What's up with your look? Sinong niloloko mo? You know you're not like that. Nagagaya ka na sa mga air head na students ng school." sabi niya sabay alis mukhang nagalit ata. Well, may point naman siya, hindi nga naman ako yung popular type. Nerd ako, Nerd.

Pero nonetheless, masaya ako. Hindi dahil popular na ako, kundi dahil boyfriend ako ni Katherine. Kahit pa substitute lang at hindi totoo talaga. Masaya pa rin ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm the substitute boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon