"Okay! Form your line straight pupils! We are going to start the flag ceremony in a minute!" Anunsyo ng teacher namin. Dali-dali akong pumunta sa pinakalikod kahit pangatlo ako sa pinakamaliit sa classroom. I truly know that Haeckel will arrive while the flag ceremony is still ongoing at gusto ko s'yang makatabi sa linya.
Pero bagsak ang balikat ko nang sabay silang dumating ni Hazel. Napanguso ako nang suot na naman n'ya ang headband n'yang pink na crown at doll shoes na rubber at butas-butas ang design tapos pinaresan ng medyas na parang baby na papuntang bunyag.
Napayuko ako at napatingin sa bago kong school shoes.
Mas maganda pa rin ang akin.
"Oh? Bakit ka nasa likod? Hindi ba dapat nasa unahan ng linya ang mga maliliit?" Napalingon ako sa likod nang marinig ang nakakairitang boses ni Hazel. She smirked at me and I rolled my eyes at her. Napatingin ako kay Haeckel na nasa flagpole ang tingin.
I don't understand why he likes Hazel! She's not that kind! She's not that smart too! Nangongopya din s'ya minsan! Tas ngayon inaaway pa ako! She's not even worth it! I will still grow!
I'm claiming it! Tatangkad ako!
"Haeckel—"
"Don't talk to me." Kakausapin ko sana si Haeckel nang bigla n'ya akong barahin. Napatawa si Hazel sa tabi n'ya at ang mga ka-klase kong nakarinig. Kumibot ang labi ko at naiiyak na. First time kong mabara. Kay crush pa.
Dahil sa pagkahiya ay napilitan akong pumunta sa pinakaharap ng linya at tumahimik na lang. Okay lang 'yan, Hiraya Amari! Lalaki ka pa! Mac-crush back ka din!
Hanggang sa pagbalik namin sa room ay tahimik pa din ako. May meeting ang teachers at panay laro ng mga ka-klase ko. Mga naghahabulan. And guess what? Hazel was with them, while I was sitting on my spot, watching all of them.
Nakakawala pala ng energy kapag sinungitan ka ng crush.
Maya-maya pa ay dumating si Kuya at sinita ang mga ka-klase ko. Pupil's Supreme Government President si Kuya.
Utusan ng teachers.
"Hiraya, halika." Nakangiting sabi ni Kuya. Bigla akong kinabahan. Never ngumingiti si Kuya kapag tinatawag ako. Unless...
"Did I do something wrong?" Inunahan ko na s'ya pagdating sa pinto. Nakangiti pa rin s'ya at halatang plastik. Kuya pulled me towards the hallway.
"You should stop selling toys, Hiraya! Pinapatawag ka sa detention, lagot ka kay Mommy!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kuya. Hindi nga ako nagbinta kanina eh! Hanggang kahapon nalang ba ang business ko?!
Inihatid ako ni Kuya papunta sa detention at pinatahan nang makitang paiyak na ako. Sabi n'ya may ipapagawa lang daw si Ma'am, hindi naman daw ako pagagalitan.
And yes it was true. But I was given a page of yellow paper.
Kailangan kong punuin ng, "Sorry I will not do it again." Back to back pa!
"Sorry I will not do it again."
"Sorry I will not do it again."
"Sorry I will not do it again."
I will surely not do it again! Sobrang sakit ng kamay ko pagkatapos. Inabot ako ng recess sa detention room. I did not expect that I'll write that long!
When I got inside our room, nagbubulungan ang mga ka-klase ko at sabay na napatingin sa 'kin. They all laughed that made me confuse. Did I do something wrong?
BINABASA MO ANG
Blaming the Flames
Novela JuvenilFirst installment of Elementary series. Flames. The first thing that comes to people's mind is fire, beautiful but painful. It represents a sense of superiority and control. Many cultures view flame as a symbol of wisdom and knowledge. But for the...