CHAPTER 21

17 4 0
                                    

"Saan mo gusto kumain? Kain muna tayo bago magshopping" tanong sa akin ni Hannah pagpasok namin sa mall. Nakakawit ang braso niya sa braso ko.

"Mcdo nalang? Namimiss ko na eh" sagot ko.

"Sure!" nakangiti niyang sagot.

Andaming tao ngayon sa Mcdo. Sana ay may mahanap kaming vacant sit.

"Humanap ka ng mauupuan natin, Summer. Ako nalang ang oorder" sabi niya sa akin at humiwalay ako ng daan.

Nilinga linga ko ang ulo ko para maghanap hanap ng bakanteng upuan. Meron naman akong nakitang pang tatluhang upuan kaya agad ko iyong pinuntahan at umupo na.

Alam kong matatagalan si Hannah kaya nilabas ko muna ang cellphone ko. Machat nga si Kristtine.

CONVERSATION

Me: Hoy babae! Busy kapa? Asa mall kami, habol ka kapag may time kana. Labyuu!

Naseen niya agad.

Kristtine: Malabo, andami kong gagawin. Balitaan niyo nalang ako. Enjoy! Labyu all!

Hineart ko nalang. Sayang naman!

Itinago ko muna ang cellphone ko at nagmasid masid.

Natutok ang mata ko sa mag-isang lalaki na nakaupo sa bandang sulok ng mcdo. Hindi rin siya kumakain kahit may pagkain sa harap niya, baka may hinihintay?

Naramdaman niya sigurong may nagmamasid sakanya kaya nagulat ako nang makita niyang nakatingin ako sakanya.

Gulat siyang napatingin sa akin kaya pati ako ay nagulat. Shocks! Baka mamaya sindikato pala to pero ang gwapo eh kaya impossible HAHAHAHA

Nahihiya akong magbaba ng tingin. Ang hilig mo kasing tumitig Summer jusq!

"Susunod na yung order natin, Summer" biglang salita ni Hannah kaya napaangat agad ako ng tingin.

"Oh? Anong nangyari sa---" nagtataka niyang sabi ngunit naputol ito ng makita kong palapit sa amin yung lalaking tinitignan ko kanina.

"S-steven?" gulat sa sabi ni Hannah.

Nagtaka naman ako dahil bakit siya kilala ni Hannah.

Tumingin sa akin si Hannah at hinila palabas ng Mcdo. Anong nangyayari?

Pinagtitinginan kami ng mga tao.

"T-teka, Summer! Can we talk? P-please!?" rinig kong sabi nung lalaki. Hinahabol niya kami.

"Hannah, wait! Sino yon? Bakit niya ako kilala?" sabi ko at hinatak ang braso kong hawak niya.

Nasa parking lot na kami.

"Summer!" sigaw nung lalaki at palapit siya sa amin.

Nalilito ko siyang tinignan.

"Sino kaba?" naiinis kong tanong.

"H-huh? S-summer, si Steven to" nalilito siyang sagot at tinuro ang sarili.

"Puwede ba, Steven. Stay away from, Summer! Masaya na siya!" galit na sigaw ni Hannah sa lalaki.

"Sino ba siya!?" sigaw kong tanong kay Hannah, nagulat siya.

"S-summer, don't mind him. Tara na!" aya niya sa akin at hinawakan muli ang braso ko.

"Summer, let's talk. Alam kong kilala mo ako. Hindi ko sinasadya yung dati, I'm sorry! Please talk to me. Hinanap kita pero nawalan ako ng pag-asa dahil kahit anong tanong ko sa mga kaibigan mo ay hindi sila sumasagot" naiiyak niyang turan.

KAPAG NAGLARO ANG TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon