It was another ordinary Monday. I had to wake up early, so I wouldn't be late for school. Buti na lang at nagawa ko ang homework ko kagabi. Nagtulong kami ni Rafaela kasi parehas kaming hindi magaling sa Math. Pero kahit papaano, nakakaintindi ako. Siya kasi talaga, mahina sa Math. Iyong tipong magbibilang lang ng sukli sa jeep, nagbabakod pa sa papel o 'di kaya ay ginagamit ang calculator application sa cellphone niya.
"Ang tagal naman," nakasimangot kong saad. Kanina pa ako bihis. Hinihintay ko na lang si Rafaela.
Nakaupo lang ako sa kama ko at nakatitig sa repleksyon ko sa salamin habang sinusuklay ang lagpas sa balikat kong buhok. Paulit-ulit kong sinusuklay ang dulo ng buhok ko. Kulot kasi ang dulo nito. Gusto ko sanang magpa-rebond kaso wala naman akong pera. Pero dahil cute daw ang buhok ko at ang brown kong mga mata sabi ni Rafaela, papaniwalaan ko na lang siya habang wala pa akong pera pampa-rebond.
I put a small amount of powder on my face. I really don't wear make-ups like most of the girls in our school. Mas gusto ko ang lip balm lang. Last year kasi, bumili ako ng lipstick pero pinangkulay lang ni Rafaela at ginawang pastel. Hindi naman ako nagalit kasi binayaran niya rin naman pagkatapos ko siyang bugbugin. Naisip ko rin na ayoko pala ng lipstick kasi mabilis ding nabubura. Kain kasi ako ng kain. I also have the habit of biting my lip. Kaya ang resulta, wala pang isang oras ay wala na agad akong lipstick.
Napatalon ako sa gulat nang biglang bumukas ng malakas ang pinto ng kwarto ko.
"Hey, hey, 'yo! Nandito na ang pogi para sunduin ang panget," sigaw ni Rafaela habang malapad na nakangiti.
I rolled my eyes. Binaba ko ang salaming hawak ko at tumayo. "Ang tagal mo ha!"
"Ay, wow. Ikaw na nga ang sinundo, nagrereklamo ka pa? Aba, asensado ka na masyado," reklamo nito.
Binatukan ko ito dahilan kung bakit muntik na itong mauntog sa pinto.
"Aray ko, Anton! Lalaki ka ba? Lakas mong makasapok ha! Pag ako naging bobo," kinatok niya ang kanyang baba. As if naman umalis at babalik sa pwesto ang utak niya pagginawa niya iyon. Isip-bata talaga.
"Tse! Tara na nga!" Hinigit ko na ito sa damit para higitin palabas sa kwarto ko.
"Where's Tito?" He suddenly asked.
I just shrugged. Maaga siguro ang duty niya kaya maaga siyang umalis. I don't care, anyway.
Nang makarating kami sa eskwelahan ay sinalubong kami ng mga kaibigan namin. Saglit kaming nagkwentuhan pero natigil na ito nang dumating na si Ms. Fernandez, ang Physics teacher namin.
While our teacher was busy discussing gravity, biglang humarap sa amin si Nipol. "Tara siomai later after school," bulong nito.
Umiling ako. "Hindi pwede. May lakad kami ni Rafaela."
Napataas naman ang kilay sa akin ni Rafaela. "Meron ba?"
Tumango ako sabay kumindat sa kanya.
Ngumiwi naman siya. "Nakakatakot ito," he muttered.
Umirap si Nipol at hinawi ang mahabang bangs niya. I don't know why the school allowed him to have that hairstyle. Dapat nagpapagupit na siya dahil patay siya kay Principal Dimapacali. "Saan na naman iyan, Anton? Ang KJ niyo lang," kunwa'y inis na sabi ni Nipol.
"Maging supportive ka na lang sa buhay pag-ibig ko, please?" Ngumisi ako.
"Sa pag-ibig mong laging unrequited? K." Kinuha ni Nipol ang lipbalm niyang laging nakalagay sa bulsa ng polo niya. He has the habit of applying lip balm every 20 minutes. "Kami na lang nina Timmy."
BINABASA MO ANG
The Jerk Next Door
Humor"Tangina. Sa 7 bilyon na tao sa mundo, sa 105 milyon na tao sa Pilipinas, bakit ikaw pa? Bakit sa'yo pa?" © ScribblerMia, 2014 Book Cover by: Colesseum