Naranasan mo na bang magka-crush????? Syempre naman noh. Alam mo may tatlo ngang kahulugan yung crush. Una ang crush ay paghanga sa taong tanga na hindi marunong makahalata. Pangalawa ang crush ay minsan nawawala pero madalas lumalala at pangatlo ang crush ay madaling titigan pero mahirap lapitan.
Minsan nga wala ng pakialam sa ugali basta alam nilang gwapo at may pandesal na kasama ulalala, edi wow yummy!. Sabi nila ang crush daw nawawala din agad parang bula na segundo lang ang tinatagal. Ha? may ganun ba. Yung iba, may makita lang ulit na gwapo sasabihin "Ay hindi ko na pala yun yung crush ko, may nakita akong iba na mas pogi eh. Eh di yey! ganyan naman ang mga girls eh.
Pano naman yung mga boys, walang pakialam sa nararamdaman ng mga girls for them, pano na pag lumevel-up naging love na, Haaaaaaaaay! Boy! kailan ko kaya makikita yung first love ko. Lagi naman kasi akong broken hearted you know??
Laging deadma, pagnagka-crush ako laging sinasabi na wala daw silang pakialam sa akin. Pano kaya kung may malalaman kang sobrang ikakadudurog ng puso mo? Hey guys! Read this, hhaah and share, walang kwenta kong author talaga.........
Hello, ako nga pala si KHALLY RODRIGUEZ, isang 2nd year high school sa isang academy kung saan lahat ng "girls" eh may boyfriend na kasama. Yun daw dapat sabi nung mga councelors namin para di ka mahalatang loner.
Apakawalang hustisya naman dba? Iyun yung patakarang ipinapatupad sa mga 3rd year to 4th year. Pano kung lolokohin ka din lang pala nung boyfriend mo, di ganun din luhaan. Ewan ko ba kung anong problema dito sa academy namin, parang gusto ko na ngang magpa-transfer sa kabila.
Pasalamat nalang ako at 2nd year high school palang ako kasi wala akong balak magka-boyfriend ni crush nga ayoko eh, ayoko ng masaktan ulit.
Haaaaaaaaaaaaaay! ayan tuloy sa sobrang dami ng sinabi ko hinigab tuloy ako.... Makakatulog na sana ako nang;
-
-
-
-
-
-
K-H-A-L-L-Y!!!!!!!!!!!!!
Ay susko, sino pong Khally? Ay susme? Ano ba naman yang pinagsasabi ko? Ano ba naman yan istorbo naman. Makakatulog na sana ako nung may biglang sumigaw sa akin. Ahh si Khate lang pala, Ano na naman bang problema ng babaeng ito?
Ano ba Khate, aga-aga naman, makasigaw ka parang speaker sa sobrang lakas!-me
Eh kasi naman may bago na naman daw patakaran???-Khate
Ha? Anong patakaran naman yan? Galing na naman ba sa councelor??-me
Hindi noh, galing daw sa bagong presidente ng SSG(Supreme Student Government) at alam mo ba bessie ang pogi pogi nun grabeee, marami ngang humahabol dun pati bakla nakigulo din. Tsaka ang maganda lang dun eh kamukhang kamukha mo, una nga pinagkamalan ko na kapatid mo yun, pero naisip ko nag-iisa ka nga lang palang anak nila Mr. & Mrs. Rodriguez. -Khate
"Muntik ko na ngang maging crush eh, kaso may boyfriend na nga pala ako at transferee siya galing sa kabilang private Academy. Hahahah-Khate
Huh!
Ano yun, porke galing ibang school, pogi agad? Crush mo ganern? Gumising ka nga Khate! Di ka yata natulog eh. -me
Ano ka ba naman Khally, sabihin mo lang ayaw mo ng magka-crush?? Natrauma ka na diba? Ganun dba? Kasi ba naman sino bang di masasaktan sa sinabi nun na "Khally walang akong pakialam sa iyo, huwag ka ng lalapit ulit sa akin kasi di kita gusto. :( :'( :/ Eh loko talaga yang lalake na yan kahit kailan, walang pakialam sa nararamdaman mo. Porket sya may girlfriend, may karapatan na ba siyang manakit ng puso? Alam mo may araw ding yang lalaki na yan, kapag nakahanap ka ng boyfriend ay este lalaki na mas higit sa kanya luluhod siya sa iyo at pagsisisihan niya ang ginawa niya sa iyo.-Khate
BINABASA MO ANG
Bakit Ikaw pa???(one shot)
Teen FictionNaranasan mo na bang magka-crush????? Syempre naman noh. Alam mo may tatlo ngang kahulugan yung crush. Una ang crush ay paghanga sa taong tanga na hindi marunong makahalata. Pangalawa ang crush ay minsan nawawala pero madalas lumalala at pangatlo an...