Chapter 6

76 2 0
                                    

Rain's POV

Pagkadating namin,umakyat muna ako sa kwarto ko para ayusin lahat ng napamili ko at para magpahinga na din. Haaay. Bakit kaya ang weird nang pakiramdam pagkadating ko dito. Ayy nalilito ako. Makapagshower nga muna,nanlalagkit ako sa gala namin kanina e. Tsss. Pagkatapos ko naman magshower..tinext ko si Cous na mamaya na lang ako bababa kapag dinner na. Tinatamad ako bumaba e. Gusto ko mapagisa. Hindi maalis sa isip ko yung lalaking nakabangga ko kanina,may naalala ako sa face niya e. Siya na kaya yun? -__-  okay okay. Naiisip ko na naman siya. Naguiguilty na naman ako. TSSSSSSSSSS. Nakakainis! Uggh! Sabi nang ayaw ko ng balikan ang nakaraan! Pero wala e,siya lang din naman ang dahilan kung bakit ako bumalik ng Pilipinas makalipas ang halos pitong taon.

Siya si Kel,nakilala ko siya nung bata pa ako. Nakita ko siyang palaging magisa sa playground noon. Sinubukan kong lapitan siya at kausapin. Galit siya sa mundo nung time na yung,wala akong magawa kundi icomfort siya. kahit hindi ko naman siya ganoong kakilala,masyado akong naging masaya kasama siya. Siguro nabago ko yung pananaw niya sa buhay kasi iba siya nung hindi ko pa siya kinakausap kesa nung naglalaro na kami. All I know is masaya kami ng time na yun,batang bata talaga ang trip namin noon. Kung tutuusin madami akong kaibigan dati,pero sa kanya ako sumaya ng ganun. Hindi ko alam kung bakit,siguro nung araw na ding yun,may nakaaway ako. HAHAHA. sa sobrang saya ko nun na nakilala at nakalaro siya.. Ibinigay ko sa kanya yung isang mahalagang bagay sakin,yung necklace ko na pinagtulungan naming gawin ng nanay ko. Pati yung rain coat ko,favorite ko yun. Kaya kung nasaan man siya at biglang umulan,maramdaman niyang nandiyan pa din ako para sa kanya.. Halos buong araw ko siya kasama noon. Parang ayaw ko na umuwi noon. Pero matapos lahat nang yun. Mas gugustuhin ko na ngang hindi na lang sana ako umuwi....

Nanay Rose: Andiyan ka na pala.. May good news kami ng Tatay Joey mo. *sabay lapit sakin,umupo sila para maging kapantay ko sila*

Rain: Ano po yun? Ako din po may good news sa inyo. *nakangiti kong sabi*

Nanay Rose: Aalis na tayo anak! Dun na tayo sa London titira.

Tatay Joey: Diba pangarap namin yun ng Mommy mo para sayo? Gusto namin habang bata ka,masanay ka na sa business natin.

*Unti unting nawala ngiti ko..*

Nanay Rose: Tama si tatay mo. Oh ano yung good news mo din samin,anak?

Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko noon,parang sa isang batang katulad ko,sakit na kaagad yung naramdaman ko. Ngayon ko nga lang natagpuan ang kaisa-isang taong nakapagpasaya sakin at naging bestfriend ko kahit isang araw lang,tapos ilalayo nila ako. Ano bang klaseng buhay yun?

Nanay Rose: Oh anak,okay ka lang ba? Bakit parang hindi ka masaya sa ibinalita namin? Ano ba yung news mo para samin ng tatay mo?

Hindi ko na napigilan. Tumakbo ako palabas.. Umuulan na nung time na yun.. Ayoko sa bahay namin.. Ayoko na sa mga taong nandoon.. at lalo nang ayaw kong umalis.. Hinabol nila ako pero ginawa ko ang lahat makapagtago lang. Kahit basang basa na ako,wala akong pakialam. Gusto kong hanapin si Kel. Gusto ko magsorry sa kanya kasi hindi ko na matutupad ang pangako ko sa kanya. Pumunta ako sa playground ng village para tingnan kung nandun pa siya.. Pero wala na e..  Umiiyak akong lumapit kung saan ko siya nakilala.. 

Rain: Kel,sorry.... Hindi ko na matutupad yung sinabi ko sayong maglalaro tayo araw araw lalo na yung sumpaan natin na walang iwanan.. Aalis na daw kami e. Kung alam mo lang ikaw lang ang kaisa isang taong nakapagpasaya sakin ng ganito. Ayaw kitang iwan.. Gusto ko sabay tayo lalaki.. Ikaw ang bestfriend ko di ba? Sorry Kel,mamimiss kita.. Sana wag ka magsawang intayin ako.. Babalik ako promise.. tutuparin ko ang pangako ko sayo. Sana mapatawad mo ako.. Magkaibigan tayo..magpakailanman... Babye Kel..

Hindi ko pa din mapigilang hindi umiyak ng time na yun,ang sakit sa pakiramdam na mang-iiwan ka. Kahit alam mo naman sa sarili mo na babalik ka pa.. Pero may pangako ako sa kanya.. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.. Wala akong alam tungkol sa kanya.. Tanging ang pangalan niya lang.. KEL... Kailan ulit kita makikita at makakasama? Pitong taon kong tiniis na hindi kita makasama at makalaro. Pero kahit ganun,hindi ka nawala sa isip ko.. Ang daming nangyari sa buhay ko na gusto kong ikwento sayo.. Kel,sana mapatawad mo ako..

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon