KABANATA 23

30 3 0
                                    

KABANATA 23

Hindi ko alam kung ilang beses ko na bang sinilip ang cellphone mula ng mahiga ako sa kama ko. Kahit na ayoko munang makita ang mga text at tawag galing sa mga taong interesadong malaman kung ano ang issue na lumabas tungkol sa akin.

Of course, I am bothered about the issue dahil hindi naman iyon totoo. It is a huge disgrace to any writer. Pero ngayon, para bang mas iniisip ko ang maaring pagtawag o text ni Isaiah. Nababaliw na ata ako.

For the fifth time, I close my eyes to sleep. But my mind is clouded by Isaiah's face and his damn eyes that are staring at me a while ago.  This is not good!

Dahil hindi makatulog ay pinasya ko na lang na huwag pilitin ang sarili ko. Naghanap ako ng pwedeng basahin sa mga libro na nasa bookshelf ko. Baka antukin ako kapag nagbasa ako.

While reading the book, my heart almost jumps on its cage because of the sudden sound from my phone.

Hawak ang dibdib ay dahil sa kaba ay dinampot ko ang cellphone ko na nakapatong lang sa side table ko.

Unknown number:
This is Isaiah. Save my number.

Yun lang ang nakalagay sa text pero ang puso ko ay kumabog na ng kumabog na para bang sobra-sobra ang text na iyon sa akin.

He texted me only to inform me of his number. Pero para bang sapat na iyon sa akin ngayon. At least he remembers to text me. At least he remembers me, right?

Hawak ang cellphone ko ay napahiga ako sa kama at pumikit. Mukhang text lang talaga niya ang hinihintay ng utak ko dahil matapos ang text na iyon ay mabilis na akong dinalaw ng antok.

Kinabukasan ay mas lalong dumami ang mga taong nagnanais na makausap ako tungkol sa issue sa akin. Even the media are asking for an interview dahil kahit sa social media ay ako na ang topic ng mga tao. Instant viral ang article tungkol sa akin ngayon. Ngayon ko mas nararandaman ang issue dahil pati pamilya ko ang nadadamay narin.

At ngayon ko mas lalong ipinagpasalamat na hindi ko ginawang public ang buhay ko. Dahil kung hindi ay baka dinumog na ako dito sa bahay namin.

"Nathalia." Tawag ni papa habang nakaupo kaming tatlo sa hapag upang mag almusal.

"Bakit po?"

"Wala ka pa bang gagawin tungkol dito? Maaari kang magsampa ng kaso sa nagpakalat ng maling akusasyon na ito. We need to take action, hindi biro ito" seryosong sambit ni papa. I know he's worried, sila ni mama. They are both lawyers, kaya hindi magiging mahirap sa akin kung magsasampa ako ng kaso sa may gawa ng issue na ito.

"Your papa is right, anak. Mas lalong lalaki ang issue kung mas patatagalin pa natin" wika naman ni mama.

"I will file a case right away. Pero bigyan niyo po ako ng kaunting panahon. May kakilala po ako na pinaimbistaga na kung sino ang may gawa nito" ayokong sabihin pa sa kanila na si Isaiah ang kakilala ko. Baka kung ano pa ang isipin nila.

"Okay. We trust you, Thalia. Pero huwag mong masyadong patagalin pa ito" ani mama at kaagad akong tumango.

After breakfast ay doon ko na binasa ang mga email galing sa publishing company sa New York kung saan doon ipini-print ang mga libro ko. Gusto nilang alisin ang mga gawa ko sa kanila dahil malaking damage na daw sa kompanya ang nagawa ng issue tungkol sa akin. I understand their concern pero hindi ko mapigilang makarandam ng lungkot dahil sa naging desisyon nila.

I stayed with that company for so long kahit na madaming mas malaking publishing company ang gustong mga imprint ng mga libro ko. I stayed loyal dahil sa kanila ako nagsimula, sila ang unang nagtiwala sa kakayahan ko kaya nanatili ako. And now they are the ones who are driving me away.

A Writer's Love Story (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon